Happy Birthday

230 13 18
                                    

"We have a bad news for you."

Tila ba nabingi si Christian nang marinig ang sabi ng kanyang doktor.

"But don't worry, tinulungan kami ni Mrs. Dela Fuerte sa kaso mo. Out of this bad news, Christian, you'll benefit."

"Dok ,teka lang," hindi mapigilang sumabat ni Sebastian, "Gaano ba 'yan kasama?" 

Tumulong si Tita Eriz. Hindi kaya?, sa isip ni Adrian.

"Kailangan ka naming i-quarantine." 

Mahinang napamura si Adrian nang makumpirma ang kanyang iniisip. Tama siya, hindi tumulong ang ginang para mapagaling si Christian, tumulong ito para mailayo ang binata sa anak nila.

"Son..." 

Napalunok si Christian, kung kailan maayos na sa kanila ni Adrian at Lil Saint, saka naman magde-demand itong sakit niya, "Kailan po 'yan magsisimula?"

"Sa makalawa," diretsong sagot ng doktora at saka tiningnan ang kanyang relos. Tumango ito sa kanyang asawa at muling tiningnan ang kanyang pasyente, "'Wag kang mag-aalala, Christian. 101% ang kasiguraduhang matatapos na ang paghihirap mo kapag maaga natin itong isinagawa. Paano? Mauuna na kami." Ibinaling ng doktor ang kanyang atensyon kay Sebastian, "Seb, alagaan mo si Christian." 

Muling napabalik sa higaan si Christian at saka isinubsob ang mukha sa unan. Sa mismong kaarawan pa niya gagawin ang quarantine at alam niyang walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ito matatapos. Paano si Lil Saint? Maiintindihan niya naman siguro diba?

"Christian."

"Kuya, ipapaliwanag ko na lang sa kanya tapos—"

"Christian."

"Kuya m-maiintindihan niya naman diba—"

"Christian."

"Kuya sabihin mo anong gagawin ko—"

"Christian!" 

Natigilan si Christian, bumangon siya at saka sumandal sa headboard. Alam niyang iisa lang ang takbo ng utak nilang dalawa ni Adrian. Pero ayaw niyang panghawakan ang kung ano mang iniisip niya ngayon. Ayaw niyang isipin na may kinalaman nga si Tita Eriz sa nangyayari ngayon.

"You're no fool Christian."  

Napahilamos ng mukha si Christian.

"There's only one solution to this, Christian." 

Napabuga ng hangin ang binata at marahang napatango.

"You'll need me."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Christian hanggang sa ang ngiting iyon ay naging tawa.

Adrian straightened his face then hits his friend real hard. Kita niyang pumutok ang labi nito matapos niya itong suntukin, Idiot.

"A-aray." Christian pursed his lips and his body started to shake, "K-kuya iiyak ako dahil sinuntok mo 'ko. Iiyak ako dahil sinuntok mo 'ko. Iiyak ako dahil—"

"Cry., you idiot." Seeing his friend being like this pains him. Muli niya itong sinuntok nang makitang tatawa na naman ito. Isa ito sa defense mechanism ng may BPD. Ayaw nitong ipinapakita ang totoo nilang emosyon. At kapag hinayaan lamang niya itong ikimkim ang lahat ng sakit, mas lalong maghihirap si Christian.

"Kuya naman, e... a-ang sakit. A-ang sakit, kuya." At tuluyan na ngang umiyak ang binata. Nakakainis. Porke't bata pa lang kami tinatanggalan na kami ng karapatang magmahal? Matatanda lang ba ang may alam sa pag-ibig pag-ibig na 'yan?!

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon