Closure

12 0 0
                                    


Mabilis ang tibok ng puso ng dalaga. Inilibot niya ang paningin at napag-alamang nasa Unit pala sila ng binata. "Christian... "

"Hmn?"

"A-anong ginagawa mo?"

"Niyayakap ka?"

Lil Saint almost rolled her eyes. "'Yong kamay mo mister kung saan-saan nagliliwaliw," pahayag niya saka itinaas ang kamay ng binata papunta sa kanyang bewang na kanina ay under the belt.

Christian giggled. "I wasn't aware!"

"Wasn't aware mo 'yang mukha mo." Humiwalay nang pagkakayakap si Lil Saint pero ayaw siyang bitiwan ng binata. Bumuntong-hininga na lamang siya at isinandal na rin ang ulo sa dibdib ng binata. Pansin niya unti-unti na silang gumagalaw. Para silang sumasayaw sa sarili nilang saliw ng musika. "Christian, the last time we're together, hindi tayo nagkaroon ng formal closure."

"Then?"

"Anong 'then' ka dyan? Alam mo naman diba na misyon pa nating tulungan si Adrian? Hindi ako matahimik dahil ayon nga... wala tayong formal closure."

"Closure? Para lang 'yan sa mga taong magtatapos na ang pahina ng love story nila. Papunta ba tayo doon, Lil Saint? Hmn?"

"Christian... a-ayokong umasa ka... "

"'Yong lovestory natin, madadagdagan 'yan palagi ng pahina. Hangga't mahal kita, may papel tayong susulatan. Hangga't mahal mo 'ko, may tinta tayong panulat. Madagdagdagan at madadagdagan 'yan."

Ngumiti ang dalaga. "Pero 'yong tadhana ang sumusulat, Christian. Sabi mo nga, papel at tinta lang ang pag-ibig natin. Aanhin natin 'yan kung ayaw nang sumulat ng tadhana?"

Niluwagan ni Christian ang pagyakap sa dalaga at isinandal ang kanyang noo sa noo ng minamahal. "Hindi naman siguro sa ayaw na niyang sumulat. Malay mo, writer's block lang. Tiwala lang. Team Baby Loves all the way. Ayos ba?" nakangiti niyang pahayag saka hinalikan sa noo ang dalaga. "Now, kailangan na muna kitang ibalik sa kabit mo."

"Baliw."

Tumawa ang binata. "Nakakainis ka alam mo 'yon?"

"Bakit?"

"Sumexy ka kasi lalo. Marami na namang—aray naman baby loves, e!"

"Sipain kaya kita? 'Yang kamay mo Christian!" nakukunsiming sambit ng dalaga nang maramdaman na namang bumababa ang kamay ng binata.

Tumawa lang ang si Christian saka kumalas nang pagkakayakap. "Seryoso, baby loves, alam mo ba simula noong may nangyari sa atin palagi na lang ako nag—"

"Oh my God, Christian! Shut up!" namumulang saway ni Lil Saint sa binata. Tinakpan niya ang kan'yang bibig sa kabaliwan ng minamahal.

Tawa nang tawa si Christian saka umupo sa kan'yang kama. "Tapos alam mo ba? Kapag nakakakita ako ng se—"

Tumili na ang dalaga saka tinungo ang pinto at mabilis itong binuksan. "I hate you Christian!"

"I love you and your sexy bo—"

"Shut up!" huling hirit ng dalaga at malakas na sinara ang pinto ng binata.

Napagulong sa kakatawa ang binata. Namiss niya 'yon. Ang pulang pulang mukha ng dalaga.

Habang sa labas naman ay namumulang naglalakad si Lil Saint. Nakatingin lang siya sa baba kasi nahihiya siyang makita ng ibang tao ang sitwasyon niya. Bwisit na Christian!

"Babe?"

Napalingon si Lil Saint sa tumawag sa kanya at agad na yumakap dito. "Babe!"

"Hey, you ok? Have you talked to him?"

Napatili na naman ang dalaga sabay takip sa kanyang bibig. Bwisit. Bwisit. Bwisit.

Natatawang tiningnan lang ni Adrian ang natitili yata sa inis na nobya. The hell, Christian. What did you do? Umiling lang siya at inakbayan ito. "Babe, by the way, Gab is... "

Napatigil sa pagwawala si Lil Saint at napatingin sa kan'yang nobyo. "Gab is what?"

"She's... on the run. Again."

Napakagat ng labi si Lil Saint. Hindi pwede 'to., sa isip ng dalaga. Si Gab na siyang kinaiinteresan ngayon ni Adrian, maliban sa kan'ya, ay tumatakbo na naman. "Adrian... find her."

"Babe... sorry for causing you such trouble. My feelings for her is unstable. I don't know if I really love her or—"

Napangiti si Lil Saint at ikinawit ang braso sa braso ng binata. "Love is always unstable, babe. Don't worry. Everything will be alright."

"I'm sorry."

"It's nothing."

Ngumiti si Adrian at naisip na walang duda kung bakit niya minahal ang dalaga at naging matalik na kaibigan si Christian, parehong busilak ang puso ng mga ito para isakripisyo ang kanilang kaligayahan para sa kan'ya. "Anyway, what happened between you and Christian?"

Namulang muli ang dalaga.


----

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon