Elope

84 8 12
                                    

"Anong nangyayari rito?"

Napatingin ang buong mag-anak sa nagsalita, si Christian. Nasa likuran nito ang dalagang si Lil Saint na kakabakasan ang mukha ng pagtataka.

Nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga si Serafin at hinarap ang binata. "Sebastian's claiming that he is your biological father."

Hindi mapigilang mapakagat ng labi si Lil Saint.

Nilapitan ni Christian ang kaniyang kinilalang ama sa loob ng napakaraming taon. Naaawa siya rito. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito, biktima lang din ito ng maling pag-ibig. Biktima lang din ito ng tadhana. "Stop it."

"No, son. Alam ko kung gaano mo kamahal si Lil Saint. Alam ko... alam ko marami akong naging pagkukulang sa 'yo. Hayaan mong kahit sa ganitong paraan man lang, makabawi ako sa 'yo. Christian, you are my son. You are." 

Napalunok si Christian. Kitan -kita niya ang sakit na nararamdaman ng kaniyang ama. Ngayon lang ito nagpakaama sa kaniya. Hinawakan niya ito sa balikat at pinisil ito nang mariin, pagpapahayag ng kaniyang pagpapasalamat. "Thank you, but if you're only doing this to keep me and Lil Saint together, then no. Ayoko." Lumingon siya sa gilid at tiningnan ng diretso sa mga mata ang dalaga, hindi niya man makita sa mukha nito ang nararamdaman, alam niyang pareho lamang silang nahihirapan ngayon. "Tama ka, mahal ko si Lil Saint, buong buhay minahal ko siya. Gugustuhin ko siyang makasama buong buhay ko, hanggang sa tumanda kami, hanggang sa magkaapo kami. Siya ang babaeng gusto kong sambahin araw-araw, pa. Siya lang. Ikaw lang, Lil Saint."

Napailing si Allyssa sa sinabi ni Christian. Akala niya, sa mga nobela at soap opera lang siya makakasaksi ng ganitong tagpo, gayon pala, sa ngalan ng pag-ibig, may nasasaksihan kang mga bagay-bagay na mahirap paniwalaan.

"Pero kung ang pagmamahalan namin ang magiging dahilan ng pasakit mo, mas mabuti pang bitawan na lamang namin ito," pagpapatuloy niya at saka tiningnan na rin ang mag-asawang Dela Fuerte. "Love makes sacrifices. Kung may natutunan man ako sa pagmamahal ko sa kaniya, iyon ay unahin ang kaligayahan ng iba kaysa sa kaligayahan namin dahil sa gano'ng paraan lang kami totoong sasaya."

Napangiti si Jennica at napatingin sa kaniyang nobyong si Reymond. Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Christian. Sa totoo lang ay proud siya para rito. Masaya siya't naging kaibigan niya ito. Isa ang lalaki sa pinakaselfless na taong nakilala niya. Kahit na may pagkapalabiro ito at mahilig sa kung anu-anong kalokohan, bilib pa rin siya dahil pagdating sa pag-ibig ay kaya nitong magsakripisyo. Ilang tao lang ba sa mundo ang gano'n kagago? 'Yong iba nga, sasabihin lang na, 'Sus. Mahal mo 'diba? Ipaglaban mo! Kahit sino o ano pa ang mabangga niyo, kung mahal mo, ipaglalaban mo.'. Pero ang pag-ibig ni Christian ay hindi makasarili. Siya ang tunay na dapat tularan.

Humakbang si Lil Saint at lumapit sa kaniyang inang si Eriz. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. "Mom, Christian's right. It would hurt you if we fight for our little mess, our little love. Love is never selfish, right? We can sacrifice what we have right now, just to make you happy. We love you guys so much."

Kahit na nagkandurog-durong ang kani-kanilang mga puso, pinilit na magpakatatag nina Lil Saint at Christian. Alam nila, sa puso nila, na maluwag nila itong tatanggapin. Kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa, kahit gaano pa kasayang ang lahat ng pinagdaanan nila... they will give this up to make others happy. Gano'n silang dalawa magmahal.

"Christian," tawag ni Sebastian. May kinuha siya sa kaniyang wallet, isang litrato ng ina ni Christian, si Camelia. "Your mother only want what's best for you. Noong namatay siya, hindi ko kinaya. Inisip ko, sana nagpakamatay na lang din ako't sumunod sa kaniya pero, nandito ka pa pala. Ibinilin ka niya sa akin, na palakihin umano kita nang mabuti, na mahalin kita higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya and I'm so sorry, son for not fulfilling those promises. I'm so sorry."

"Pa..."

"Here." Muling may kinuha sa wallet si Sebastian, isang papel at ibinigay ito sa binata. "'Yan, anak, ang pagpapatunay na akin ka. Bunga ka nang pagmamahalan namin ni Camelia."

Nanginginig ang mga kamay ni Christian na binuksan ang nakatuping papel, halata na matagal na itong nakasuksok sa wallet. Una niyang nakita ang petsa, isang taon matapos siyang ipinanganak. Bago niya ipinagpatuloy ang pagbabasa ay naramdaman niya ang presensya ng dalaga sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito at nakitang titig na titig sa hawak niyang papel. Ibinalik niya ang mga mata sa naturang bagay ay halos sumabog ang pakiramdam niya nang maintindihan ang nakasulat.

Isa itong paternity test. At positive na nagmamatch ang DNA niya sa amang si Sebastian.

"Walang nangyari sa inyo noong araw na 'yon, Serafin. Pinatulog ka lang niya. Ang sabi niya, gusto ka lang niyang makasama sa huling sandali. Ako naman itong si tanga, pinayagan siya. Ikaw lang talaga ang minahal niya, Serafin. Ang swerte mong damuho ka."

Halos hindi maipaliwanag ni Eriz ang kaniyang nararamdaman. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil walang nangyari sa pagitan ng kaniyang itinuring na karibal at kaniyang asawa, at para sa anak niya at minamahal nito. Ngunit hindi niya mapigilang malungkot sa naging kasawian ni Sebastian.

"Mas damuho ka," sambit ni Serafin. "Minahal ka niyang gago ka. Natutunan ka niyang mahalin. Alam ko iyon dahil binigyan ka niya ng Christian bago siya mawala. Siguro, sa kaunting panahon niya lang ito naipakita pero nasisiguro ko Seb, minahal ka niya."

"Holy crap..." Pigil na pigil ang paghinga ni Christian. Hindi niya alam ang gagawin. Kung yayakapin niya ba ang babaeng nasa kaniyang gilid o tatalon mula sa rooftop o tadyakan ang pinakaunang pader na makita niya. Tumalikod pa siya sa dalaga at nagpakawala ng mahihinang hininga. Pilit na kinakalma ang sarili.

"Christian..." Humakbang palapit si Lil Saint na parang nabingi sa lahat ng narinig. Nangangapa siya ngayon. Ngunit nabigla siya nang umatras si Christian sa mula sa kaniya.

"D-don't touch me..."

"Christian naman e—"

"Baka mahila kita bigla at itanan! For God's sake!"

"That's my boy!"

"Sapakin kaya kita, Seb?" nakapoker face na sabat naman ni Serafin at inilayo si Lil Saint sa binata.

Tumawa lamang si Sebastian sa tinuran ng kaibigan.

Napangiti si Eriz. Sa tingin niya, naging puno man ng sakit ang gabing ito ay makakatulog naman silang lahat ng mahimbing. Pumalakpak siya, trying to get everybody's attention. "Alright, the drama's done. Let's continue our dinner."

"Uh, excuse me?"

Napatingin ang lahat kay Christian na nakayuko at kasalukuyang nagkakamot ng ulo na tila nahihiya.

"Uh, itatanan ko po muna siya ng isang oras. Okay lang?"


----

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon