He Cares

43 4 0
                                    

Rinig ni Christian ang pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabilang linya bago ito sumagot, "May matinding pagnanasa 'yang kapatid ko sa'yo. Huwag kang dense, batukan kita dyan. Pero hindi 'yan ang importante-"

"Oo, alam ko kaya iuuwi ko na siya-"

"For pete's sake, patapusin mo muna ako."

Natahimik si Christian.

"Mapapahamak lang siya rito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Isa sa mga manliligaw niya ay pinagtatangkaan na ang buhay niya. Tsk. Makapangyarihan ang mga magulang kaya kailangan namin ng ilang araw para makahanap ng pruweba."

"So you mean..."

"Yes. Take care of her first. At sinasabi ko sa 'yo, huwag mo siyang idadamay sa therapy mo kung hindi ipapa-deport kita papuntang impyerno nang hindi namamatay."

"Sa katawan ng kapatid mong mukhang number 1? Ni walang kurba? Imposibleng isali ko siya sa therapy ko."

"Siguraduhin mo lang. Sige na. Sirain mo na agad ang teleponong iyan. Baka naka-tap 'to."

"Roger that." Kinuha niya ang electric shock device sa kaniyang bulsa at itinapat ito sa telepono. Nang matapos ay nilingon niya ulit ang babae at nakita niya itong itinatali ang sarili sa mesa. "Ano na naman bang ginagawa mo?!"

"Don't shout at me," malungkot na saad ni Lil Saint habang itinatali ang kanyang paa sa mesa. "I won't go home."

Frustrated na inihilamos ni Christian ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Bahala ka nga dyan." At saka siya lumakad palabas.

"Wait-ouch!"

Napahinto si Christian at narinig na lamang na sumisinghot ang dalaga. Napabuga siya ng hangin at binalikan ito, tama nga siya. Umiiyak na ito. Lumuhod siya para tanggalin ang tali sa mga paa nito. Namumula na nga ito dahil sa higpit ng pagkakatali. "Ang tigas talaga ng ulo mo."

"I'm sorry. I know your busy."

"Alam mo na ba ang tungkol sa threat?"

Tumango si Lil Saint bilang sagot, "Matagal na kaya lang hindi ko alam where to go na hindi rin napapahamak ang family ko."

"At ako pinupuwersyo mo?"

"No—"Christian silenced her with a pat on her head matapos ay sinabing, "Mabuti naman at ligtas kang nakarating dito." Ngumiti siya ng bahagya saka nagtungo na sa kanyang sariling kwarto.

Hinawakan ng dalaga ang kanyang ulo at saka matamis na ngumiti. He cares.



***



Kanina pa nagpabalik-balik ang binatang si Christian sa pintuan ng kwarto ni Adrian na kung saan natutulog ngayon ang dalagang si Lil Saint. Lalapit sa pinto, uupo ulit, lalapit, uupo ulit sa sofa ang peg niya. Kada lalapit siya sa pintuan ay akmang kakatok siya pero hindi niya itutuloy. Napakamot siya ng ulo at umupo na lang ulit sa sofa.

Kanina niya pa kasi hinahanap ang pusang si Adonis. Kailangan na nitong kumain ng breakfast kaya lang hindi niya ito mahanap. Sinubukan na niyang itanong sa front desk kung may nakalabas bang pusa sa Condo Unit niya pero ang sabi, e wala naman daw. Kaya ngayon, nagbabakasakali siyang nasa loob ito ng kwarto ng dalaga.

Mainitin pa naman ang ulo ng pusang iyon kapag hindi nakakapag-agahan. Hindi siya pinapansin nito buong maghapon at kapag manonood siya ng palabas inililipat nito ang channel o di kaya'y itatago ang kanyang remote control.

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon