Secret Room

204 13 21
                                    

Napapangiti si Lil Saint nang maalala ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya kagabi sa kanyang kwarto. It's not what you think. Well, partly yes, but not totally. They were in the middle of cuddling when they suddenly felt intimacy. She shriveled as she remembered kung paano siya hinalikan sa noo ng nobyo.

Akala talaga niya ay mangyayari na ang bagay na iyon pero laking galak niya nang biglang tumayo si Adrian at mabilis na nagtungo sa shower. Napangiti na naman siya nang maalala ang pulang mukha nito nang lumabas ito ng shower room.

Para kay Lil Saint, handa na naman siyang ibigay ang bagay na iyon kay Adrian. Nagawa niya ngang ialay halos ang sarili kay Christian no'n, kay Adrian pa kaya ngayon? At bakit ko sila pinagkukompara?, tanong niya sa isipan.

Papasok na sana ang dalaga sa Training Unit nang biglang may humarang sa kanyang dinadaanan.

"Lil Saint."

"Christian, paraanin mo ako." matigas niyang utos.

Pilit na hinuhuli ng binata ang iwas nang iwas nang tingin na mga mata ng dalaga. "Look at me," utos niya rin dito.

"Ano na naman ba kasi?" Walang ibang nagawa si Lil Saint kundi tingnan nga sa mga mata ang binata. At saka lang niya napansin napakapula ng mga mata nito at dahil hindi nito suot ang maskara ay kita niya ang itim na guhit sa ilalim ng mga mata nito. "Anong nangyari sa 'yo?"

Oras naman ngayon ng binata para umiwas nang tingin. Wala siyang planong sabihin sa dalaga na panay lamang ang iyak niya sa buong magdamag. "I'm sorry," walang paliguy-ligoy niyang sabi.

Umiling si Lil Saint at ngumiti nang mapakla. "'Yon lang ba? At 'yon na 'yon? Sa isang ganyan mo lang mapapatawad ko na ang lahat ng kagaguhang ginawa mo sa akin?"

"Kagaguhan? At bakit, Lil Saint? Ikaw ba hindi ako ginago?"

"Ano bang pinagsasabi mo? At humihingi ka ba talaga ng tawad o naghahanap na naman ng away?"

I'm trying my best here. Shit. "Fine. Sorry." Mabilis na kinuha ni Christian ang kamay ng dalaga. "Come with me."

"H-hey wait! Don't hold my hands!"

"Stop assuming. I'm only holding your wrist." Itinaas pa ng lalaki ang kamay nilang dalawa upang ipakita sa babae na totoo ang sinasabi niya.

"I'm not assuming," depensa ng dalaga habang nagpahila lamang sa binatang si Christian. Wala siyang ka-ide-ideya kung saan sila tutungo. Nainis siya bigla sa sarili niya nang makitang nag-smirk ito. "Stop smiling!"

"Who's smiling?" Mas lalong ngumisi si Christian dahilan para paghahampasin siya ng dalaga at panay lamang ang kanyang pag-iwas.At least you deserve to know a piece of everything, not the whole thing of everything but just a piece of it.



***



"Are you nuts?"

"Do I look like one?" balik-tanong ni Christian sa dalaga habang pilit na kinukuha sa bulsa ang isang maliit na chip.

Napataas ang kilay ni Lil Saint habang nakatingin sa isang pader. Kasalukuyan kasi silang nakatayo sa tapat ng isang pader at ang sabi pa ng binata ay papasok daw sila rito. Sasagutin pa sana niya ang lalaki nang bigla siyang mapalingon dito at hindi sinasadyang pagmasdan ang mukha nito. The familiar expression that Christian always wear every time he is troubled. Naalala tuloy ng dalaga ang mukha nito noong sinabi na nito sa kanya ang tungkol sa sakit nitong BPD. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala ang ala-alang iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing nakikita niya ang binata ay puro magagandang ala-ala na lang ang bumabalik sa isipan niya.

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon