The Crash

245 18 7
                                    

Malakas na ibinagsak ni Eriz ang kanina'y hawak na telepono. Napailing na lamang siya at napabuntong-hininga.

"Bunchie munchie pie, chill," pagpapakalma ni Serafin sa asawa habang hinahagod ang magkabilang balikat nito.

Lumingon ang ginang sa asawa at sinabing, "Paano ako kakalma? Our daughter's inlove with a dirty person and what made it worse is that, dalawang Codes ang nagmamahal sa kanya. It became worst na mukhang may pagtingin talaga siya kay Christian, sa kaniya pa," makahulugang sambit ni Eriz sa asawa saka hinilot ang kaniyang sentido.

Kinuha ni Serafin ang kamay ng asawa at siya na mismo ang humilot sa sentido nito, "We have to live with that—"

"Ang 'The Risk' ang iniisip ko, Serafin. Nagsisimula na itong umepekto kay Lil Saint. Grabe ang death threats na natatanggap niya araw-araw."

"Bata pa lang sila bunchie munchie pie. Hindi pa seryoso ang—"

"E, bakit umeepekto na ang 'The Risk'? Their love must be true." Napayuko ang ginang, "My baby's too young to experience this mess." 

"Uh, Reymond suggested something."

"Ano 'yon?"

"Why not make her the right hand of his older brother? Right? In that way, she'll be safe."

"I think you already know my stand, Serafin." Inirapan lang ni Eriz ang asawa at pumunta na sa kwarto.



***



Nasa sala pa rin ng mga mansyon ng Dela Fuerte si Allyssa. Hinahanap niya kasi ang paint brush niyang nahulog ng batuhin niya ang asungot na si Raymund. May sentimental value pa naman ang paint brush na 'yon. "Hoy! Tulungan mo nga akong maghanap?! Maggagabi na at andito pa rin ako sa bahay niyo!" bulyaw niya sa lalaking kasalukuyang naglalaro ng Wii.

"E, di umuwi ka na." Sinuntok ni Raymund ang kanyang virtual enemy.

"Kasalanan mo talaga 'to!"

"Ako? Ano namang ginawa ko? E, ikaw nga dyan ang tapon nang tapon ng paint brush. Buti nga at wala ka nang magamit."

"May sinasabi ka?!"

"Maganda nga, bingi naman."  

Inismiran lang ni Allyssa si Raymund saka nagpatuloy sa paghahanap. "Baliw. Kinakausap ang sarili."  

"Look who's talking."

"Tse!" At dahil wala naman siyang mahuhuthot sa lalaki ay siya na lang ang naghanap. Importante sa kanya ang paint brush na 'yon dahil ito ang pinakauna niyang paint brush ever. Dala-dala niya 'yun most of the time kasi para sa kanya ito ay isang lucky charm. Nagkamot siya ng ulo at dumukwang para hanapin sa ilalim ng sopa, wala. Tiningnan niya ang mga sulok pero wala pa rin. 

In the end, umupo na lamang siya sa sopa at kumuha ng magazine na nasa ilalim ng glass table. Binuklat niya ito at agad na napataas ang kanyang kilay nang makita ang pink na bookmark. Due to curiosity ay binuksan niya ang pahina kung saan naka-ipit ang bookmark. What the., hindi niya mapigilang sambit sa utak. Sa kaliwang page ng magazine ay may nakalagay na sticky note na may nakasulat.'Infected Number 1: Quirol, Christian John.'  Sa ibabaw nito ay isang hindi kaaya-ayang larawan.

Nagulat na lamang si Allyssa nang mawala bigla ang magazine sa kanyang mga kamay. Kinuha ito ni Raymund at itinago sa kung saan.

"Goodness! Totoo ba 'yon?"

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon