Epilogue

120 6 9
                                    

"Ate Dahlia, what are you wearing?" hindi mapigilang tanong ni Lil Saint nanag masilayan ang suot-suot ng kaniyang sister in law. Isang duster na imposibleng papasa sa kaniyang fashion taste.

"Blame your kuya," sagot naman ni Dahlia na ngayon ay kinukurot na ang pisngi ni Christian.

Napangiti na lang si Lil Saint nang makita ang ginagawa ni Dahlia sa kaniyang nobyo. Simula nang maglihi ito ay palagi na nitong hinahanap ang binata. Mas gusto pa nga yata nitong makita si Christian kaysa sa mismong asawa nitong si Reymond. Natawa siya sa ideya na malamang sa malamang, lalaking babaero o lalakera ang pamangkin niya. Sa isang Courtship ba naman ipinaglihi? Ngayon pa lang ay nakikinita na niya kung sino ang posibleng kandidato ng naturang titulo. At ngayon pa lang, naaawa na siya sa mga babae o lalaking paiiyakin nito.

Napatingin ang lahat kay Lil Saint nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Nang tingnan niya ay isang mensahe mula kay Adrian ang kaniyang nabasa.

A bartender here. The man who owns this cellphone is drunk and causing trouble. He ordered me to text you to get him.

Iyon ang nakalagay sa text message. Agad niyang hinanap ang mata ni Christian na kasalukuyan pala'y hinihila na ng kaniyang Ate Dahlia papunta sa kwarto para matulog. "Uh, Ate Dahlia, aalis na muna ako." Inilipat niya ang tingin sa kaniyang nobyo at pilit na ngumiti, "Baby loves, s-si Adrian kasi may ginagawa na namang—"

Ngumiti ang binata. "It's okay, baby loves. Take care of him." Kahit alam niya sa sarili niya na gusto niyang mas matagal na makasama ang nobya, hinayaan niya na lamang ito. Para ito sa kaibigan nilang si Adrian.

Isang dalisay na ngiti ang pinakawalan ni Lil Saint bago tuluyang umalis at puntahan ang kaibigan sa Angel's Coven.


***


Iiwas na sana si Lil Saint at yuyuko pero sa kasamaang palad ay napansin na siya .

"Nize?!"

"Err... hi?" alanganing kaway ni Lil Saint sa tumawag sa kaniya. Mga bagong models ng VSA at ang mismong tumawag sa kaniya ang mismong ipinalit sa kaniya bilang lead model ng Victoria Secret Angels.

Yes. She gave her modelling up. Naisipan niyang magpokus na lang sa pagiging agent kasi in the first place, umalis lang naman siya ng bansa dahil gusto niyang makalayo sa problema niya sa pag-ibig. Pero ngayong maayos na ang lahat, there's no reason for her to continue that career. Oo't nakahiligan niya ang pagmomodel pero wala roon ang puso niya. Nandito sa Pilipinas, na sa kaniyang pamilya, kaibigan, at Christian.

Narito yata ang mga ito ngayon kasi may gaganapin na namang event kung saan sila ang VS ang sponsor. Sa totoo lang, hindi niya naman talaga iiwasan ang mga ito kung hindi lang—

"Well, who welcomed you here? You are an outcast."

—ito mga mayayabang. Wala siyang planong patulan ang sinabi nito. Ang usto niya lang ay mahanap ang kaibigang si Adrian, baka kasi kung napaano na ito. "I don't have time for this, Elle," saad niya saka humakbang palayo sa mga ito. Ngunit hinawakan siya ng babae sa braso dahilan para mapatigil siya.

"Unfortunately, I do."

"Stop it. Really, Elle. You already got what you want. Leave me alone."

"No."

"Leave her alone, Elle."

Napalingon ang mga kababaihan sa nagsalita. Si Adrian na may hawak na isang baso ng maiinom. Kahit na mukha itong lasing dahil sa pula ng mga mata nito ay maayos at matuwid pa rin itong naglalakad palapit sa kanila. "A-adrian I—"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon