Never Selfish

22 1 0
                                    

"The heck bro?" hindi makapaniwalang sambit ni Raymund nang biglang walang magsalita. Napangiti na lang siya nang hilahin ni Christian ang kaniyang kapatid at kinarga na parang prinsesa.

"Isang oras lang pong tanan ito! 'Wag kayo mag-alala!" sigaw ni Christian habang tumatakbo palabas.

"Baliw ka talaga!" tili ni Lil Saint habang nakahawak sa leeg ng binata. Ilang sandali lang ay nakasakay na sila sa kotse nito at mabilis na pinaandar ito ng binata. Her heart is beating so fast. Masayang-masaya siya. Ok na ang lahat. Ok na ang lahat sa kanila. "Christian," tawag niya rito.

Nakangiting kinagat ni Christian ang kaniyang labi at ibinaba ang salamin sa kaniyang gilid. Lumingon siya rito at sumigaw, "Mahal na mahal ko si Lil Saint! Mahal na mahal!"

"Hoy!"

Tinapakan ni Christian ang brake nang may makitang aleng nagtitinda ng balot. "Ate! Mahal na mahal ko po si Lil Saint!"

"Christian!"

Tumawa ang ale at sinabing, "Go go go ser!"

Muling pinaandar ni Christian ang sasakyan at patuloy pa ring isinisigaw kung gaano niya kamahal ang dalaga. Napapangiti na lang ang nadadaanan niya dahil sa kaniyang kabaliwan. Si Lil Saint naman ay hindi malaman kung matutuwa siya, kikiligin, o mahihiya ng bonggang bongga sa ginagawa ng binata. Pero sa loob-loob niya, masayang masaya siya. Kung kasing baliw nga lang siya ni Christian, malamang ginawa na niya rin ang ginagawa nito dahil sa sobrang saya.

Maya-maya ay itinigil na ni Christian ang kotse. Napangiti siya lalo nang matanaw ang puntod ng kaniyang ina. Pinagbuksan niya ng pinto ang minamahal at lumapit sila rito. "Ma, salamat. Alam ko, ginabayan mo kami hanggang sa kung nasaan na kami ngayon. Salamat. Siya nga pala, si Lil Saint. You know her, right?"

"H-hi po!"

"Conyo po siya—aray!"

"'Wag mo akong sinisiraan kay Tita!"

"Tita ka diyan, "mama"."

Natigilan si Lil Saint at napangiti dahilan para makatanggap siya ng isang mahigpit na yakap mula sa binata. Sa wakas, ok na ang lahat. Sa wakas, dumating ang puntong natalo rin nila ang tadhana. Sa wakas, magsisimula na rin sila. "Christian, mahal na mahal din kita."

"I love you too... forever."

"Walang foreve—" hindi na naipagpatuloy ng dalaga ang kaniyang sasabihin nang biglang lumuhod ang binata. "What are you doing?"

"Lil Saint, baby loves... wala akong maibibigay na regalo sa 'yo ngayon, walang bulaklak, tsokolate, o mamahaling kwintas. Ang tanging mayroon ako ay ang pagmamahal ko na handa kong ialay sa 'yo, ano mang oras na gustuhin mo. So, yeah. Will you be my girl for the rest of my crazy life? Will you let me in your beautiful life? Will you, baby loves?"

"Baliw ka talaga." Lumuhod din siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ng minamahal. "Matagal na kaya akong nanggugulo sa mundo mo at matagal mo na ring sinakop ang mundo ko."

"Kung gano'n..."

"Kung gano'n manligaw ka pa rin. Aba, gusto kong makaranas ng gano'n, ano?"

"Ang daya!"

Tumayo ang dalaga matapos tawanan ang binata. "Madaya ka diyan, dalagang Pilipina kaya ako," tawang-tawa niyang pahayag.

"Sus." Tumayo na rin si Christian mula sa pagkakaluhod at ipinalibot ang mga braso sa beywang ng dalaga. "Hindi kita liligawan, dadaanin lang kita sa sex appeal. Ha!" saad niya at itinaas baba ang kilay.

Isang nakakahawang tawa ang pinakawalan ng dalaga. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang sa lahat ng pinagdaanan nila'y, posible pa pa lang humantong sila sa puntong ito?

Masayang magmahal sa tamang paraan, na wala kayong nasasagasaang tao, 'yan ang natutunan ng dalawa sa pagmamahal sa isa't isa. Alam nilang babaunin nila ito habang-buhay at ipapabaon sa kanilang mga anak, apo, apo sa tuhod, sa susunod na henerasyon.

Love is never selfish. Love makes sacrifices.



----

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon