Nothing

16 0 0
                                    


"Why are you here?!" mahinang tanong ng binata pero ramdam sa boses nito ang iritasyon.

Natigilan si Lil Saint pero agad siyang nakabawi. "I just came to check what happened."

Napangiti nang pilyo ang binata bago tuluyang hinatak ang dalaga papunta sa isang mas tagong lugar. Sumandal siya sa pader saka kinuha ang dalawang baril na nasa loob ng suot niyang jacket. "Talaga? O baka naman..."

"W-what?"

"Baka naman tama ang hinala ko na... nagseselos ka?"

Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit nakarinig siya ng isang malakas na putok ng baril na sinundan ng isa pa. She pulled the trigger at tiningnan ang binata na sinenyasan lang siyang umatake. Maingat siyang lumabas sa pinagtataguan at nagpaputok. Natamaan niya sa paa ang isang lalaking may hawak na sniper at isa pang lalaking walang pakundangan kung magpaputok. "What is this, Christian?!"

"Mission, baby loves."

Muling umatake si Lil Saint pero napagtanto niyang nadagdagan na naman ang kalaban. "Damn," hindi niya mapigilang sabi saka muling pinaputukan ang mga kalaban.

Lumabas si Christian at sa limang tira ay pinatumba niya ang apat na tao at napahinuhod ang isa. Mabilis siyang hinatak palayo si Lil Saint nang makita ang isang lalaki na nagtanggal ng pin ng granada. Malakas na pagsabog ang sumunod at agad na bumangon si Christian upang tapusin na ang gulong ito. Pinaputukan niya ang lalaking naghagis ng granada at dalawa pang kasamahan nito.

"Bakit mo sila inubos? Damot nito," pagrereklamo ng dalaga at ibinalik ang baril sa kan'yang hita. Bumangon siya saka pinagpag ang damit.

Tumayo ang binata mula sa pagkakahiga at ibinalik sa kan'yang sweater ang dalang baril. "You are using a real gun, missy. As much as possible ayaw ko ng casualties sa mission ko," saad niya. Ang dala niya kasing baril ay tranquilizer ang bala kung saan makakatulog lamang ang matatamaan.

Biglang nakaramdam ng malamig sa batok si Lil Saint... baril. May nakatutuok sa kan'yang baril.

"C-cynthia.... put that gun away."

Tiningnan ni Lil Saint si Christian. Kung gano'n ay ang babaeng nakita niya marahil kanina ang may-ari ng baril na nakatutok sa kanya ngayon... at talagang magkakilala pa ang dalawa.

"Christian... I'm afraid. My father said he wants you dead. I-i'm sorry..."

"Sshh... you were just a bait."

"N-no..."

"Just... just put the gun down, Cynthia."

Rinig ni Lil Saint ang pag-iyak ng babae sa kan'yang likuran. She almost rolled her eyes. Iniisip kung bakit hindi na lang patulugin ni Christian nang tuluyan ang babae. Walang anu-ano'y narinig niya ang pagbagsak ng baril at kasunod no'n ay ang pagtakbo ng babae papunta kay Christian. Yumakap ito sa binata at umiyak. Damsel in distress., sa isip ng dalaga.

"Sshh... everything will be alright, babe."

Wow. So eto pala ang ginagawa mo habang nagpapakahirap akong maghanap ng ibang babae para kay Adrian? Wow. Napailing nalang si Lil Saint at tumalikod. Agad siyang tumungo sa elevator at agad na sumakay doon.

"Shit," mura ng binata nang makitang umaalis si Lil Saint. Hindi rin niya naman kayang iwan si Cynthia. Alam niya kasing lubos na nasasaktan ito ngayon dahil sa kagagawa ng ama pero... napatingin siya sa dalaga na konting-konti nalang ay papasok na sa elevator. "Cynthia I'm sorry but I have to—"

"Go? No. Please. I wan't to be with someone I feel secured with. Stay. Please," nagsusumamong pahayag ng magandang babae.

Huminga nang malalim si Christian. "I'm sorry but 5 minutes from now, may susundo sa'yo rito, mga taong may pulang maskara. Sumama ka sa kanila." Agad niyang binitawan ang dalaga at humabol sa pagsara ng elevator.

"Christian!"

Tiningnan ng walang kaemo-emosyon ni Lil Saint ang binata nang makapasok ito sa elevator.

"Don't give me that look," nakangiting saad ni Christian saka pinindot ang 'PS HQ'.

"Why did you press that?! 30 minutes away pa ang HQ mula rito!" reklamo ng dalaga.

"Sapat na oras na ba 'yon para mapaamin kitang nagseselos ka?"

"Hindi po ako nagseselos."

Ngumiting muli ang binata at umupo sa sahig ng elevator. Sumandal siya sa pader nito at sinabing, "Halika nga rito."

Napaiwas ng tingin si Lil Saint. Here she goes again, konting lambing mula sa binata, bumibigay na agad.

"Baby loves... "

"What do you want?"

"You."

"Oh really? Kaya pala kayo ang nagdi-date," sarkastiko niyang pahayag.

"She's just my mission."

"No need to defend yourself. We are nothing."

"We are... what?" natatawang pahayag ni Christian. "Ang sakit, a. We are... nothing," muli siyang tumawa ng mapakla.

Tila na-guilty ang dalaga sa sinabi. Hindi naman 'yon ang ibig niyang sabihin. Lumingon siya sa kinaroroonan ng binata at sumalubong sa kan'ya ang malambot na labi nito. Napasandal siya sa pinakamalapit na pader at naramdamang itinaas ng binata ang dalawa niyang kamay at saka naglakbay ang mga labi nito sa kan'yang leeg. "Christian... " habol hiningang saad niya.

"We are..." Patuloy sa paghalik si Christian. Dinala niya ang kan'yang labi papunta sa maputing leeg ng dalaga. "... never nothing," pagpapatuloy niya saka ibinalik ang mga labi sa labi ng dalaga. Binitawan niya ang mga kamay nito at inilipat ang kan'yang kamay sa bewang nito.

"Christian," walang ibang masabi si Lil Saint kundi ang pangalan ng binata.

Tinapos ng binata ang halik na may ngiti sa labi, hinalikan niya ang noo ng dalaga at niyakap ito. "We are everything to each other, baby loves. Understand?"

Napakagat-labi si Lil Saint, naisip niya kung bakit ba ganito ang pagmamahal? Bakit madali itong magpatawad? Bakit hindi mo kayang tiisin ang taong mahal mo? Wala siyang sagot sa kan'yang katanungan at sa tingin niya ay hindi siya kailanman makakahanap ng kasagutan dito.

Nagulat na lamang silang dalawa nang biglang bumukas ang elevator. Nagtataka man dahil masyadong mabilis ang kanilang pagdating ay napabitaw na sila sa isa't isa at parehong nagulantang nang makita ang nasa labas. Mga taong may suot na berdeng maskara at may hawak na baril... nakatutok lahat ng ito kay Christian. Sa gitna ng mga taong iyon ay ang nag-iisang Code Technique III— Eris Lil Saint Dela Fuerte.


----

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon