Selfless

146 8 21
                                    

"Christian!"

Mabilis na bumangon si Adrian mula sa pagkakahiga niya sa sopa ng unit ni Lil Saint. Tinungo niya ang kama kung saan ito natutulog at naabutan na lamang niya ang dalaga na pawis na pawis habang nakaupo sa kama nito. "Babe," tawag niya rito.

"S-si Christian, nasaan siya? Ligtas ba siya? Babe?" nag-aalang tanong ni Lil Saint. The last memory she had was when she used herself as a shield to prevent the goons from hurting one of the models. She was on her way to ask some help when she was shot and eventually passed out.

"You've been asleep for 5 days."

"What? W-wait. You're not answering my question. Where is he?" pilit na inaalis ng dalaga ang imahe ng binatang si Christian na duguan at walang malay. Pakiramdam niya kasi may tumutusok sa puso niya sa tuwing naiisip niya iyon.

"Since the incident, we haven't traced him yet."

Lil saint gasped. "T-the earpiece? It has tracking device, right? Why not use—"

"Our GPS can't reach him either."

"N-no. T-tell he's still alive, t-tell me..."

"No deathache just yet."

Tila nahimasmasan ang dalaga nang malamang hindi pa naranasan ng ibang Codes ang deathache, ibig sabihin maayos pa ang ang kalagayan ni Christian. Nagulat na lamang siya nang maramdaman niya ang halik ng binata sa kanyang noo. "A-adrian..."

"He'll be fine."

She suddenly realized, what she just acted a while ago hurted him. Naisin man niyang humingi ng tawad, naisip din niya na baka kapag ginawa niya 'yon ay mas lalong masasaktan ang lalaki. Saying 'sorry' is enough justification that she really cared for Christian and for some reasons, alam niyang masasaktan lang si Adrian. Napaigtad na lamang siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang unit at iniluwa nito si Nigel.

"Lil Saint, Adrian... bumalik na siya."

Nagkatinginan ang magkasintahan saka ibinaling ang tingin sa pintuan kung saan may isa pang pumasok. Walang iba kung 'di si Christian John Quirol.

Awtomatikong napabangon si Lil Saint at sinugod ng yakap ang lalaki. Involuntary o conscious man niyang ginawa ang bagay na iyon, wala siyang pakialam. She just want to hug this guy at this very moment. She just want to feel the warmth of his living body.

Mahigpit na yakap din ang sinukli ng binata sa dalaga. "You're fine. Thank God," sambit ni Christian.

Naaawang tiningnan ng binatang si Nigel ang nakayukong si Adrian. Pero alam niyang ayaw ni Adrian na kaawaan siya kasi ayon sa kanya, he is trying to win her heart, not snatch it. Kaya kung babalik nang babalik ang puso ng babae sa una nitong pag-ibig, he'll do his best to chase her heart and win it. Kaya wala siyang karapatan na masaktan sa nakikita niya ngayon. "I may be her boyfriend, but her heart is still the important thing I need."  Naalala pa ni Nigel ang sinabi sa kanya ni Adrian noong nagsisimula pa lang ang dalawa. Napailing na lamang siya at nakitang unti-unting lumalabas ng unit si Adrian. Sumunod na lamang siya rito at hinayaan muna sina Christian at Lil Saint na mag-usap.

"Nakakainis ka talaga! Saan ka ba galing? Nambabae ka na naman ba?"

"E, ano ngayon?" balik na tanong ni Christian habang isinusuksok ang sarilii sa leeg ng dalaga.

"God, Christian, we're worried about you!"

"Pati ikaw?"

"'We're' nga, 'di ba?" pagtataray ng dalaga.

"So, Lil Saint. Handa mo na ba siyang iwan para sa akin?"

Mabilis pa sa alas-kwatro na napabitaw sa pagkakayakap ang dalaga mula sa binata. Right. Ano bang pinaggagagawa niya? She's bluntly flirting on her first love in front of her boyfriend! Napalingon siya sa paligid at saka lang niya napansing sila na lang pala ni Christian ang nasa unit. "A-adrian," tawag niya sa boyfriend.

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon