She's Here

353 24 38
                                    

"Dan Dan Dan~ Dalandan~ Dan Dan Dan~ Dalandan~" 

"Yuck, Allyssa. Stop singing that baduy song," nakataas ang kilay na saad ni Lil Saint Dela Fuerte sa kaibigang si Allyssa. Nakaupo silang dalawa sa swing ng Woodsen Academy habang si Lil Saint ay nagbabasa ng kanyang notebook at si Allyssa ay may hawak na dalawang maracas, "And where did you get that instrument?"

"Secret." Tinaas baba ni Allyssa ang kanyang mga kilay at muling pinatugtog ang kanyang maracas, "Hindi ito baduy. Sadyang maarte ka lang. Dan Dan Dan~ Dalandan~"

"Allyssa Maddison Claire Franchesca Bonita!" 

Napangiwi ang dalagang si Allyssa nang banggitin ni Lil Saint ang buo niyang pangalan, "Grabe, hindi ka hiningal do'n?"

Lil Saint crossed her arms then said, "Look. oh? I'm studying then you're so maingay."

"Studying?! Lokohin mo lelang mo."

"What's 'lelang'?"

"Secret ulit," saad ni Allyssa saka hinablot ang hawak-hawak na notebook ni Lil Saint, "Studying, e puro pangalan lang ni Christian ang nandito at ano 'to? Nagpapraktis ka ng pirma mo kapag ikinasal na kayo? Hindi mangyayari 'yon." pang-aasar niya kaibigan. "Hinding-hindi na babalik 'yon oy. May iba na 'yon sa Macau."

"Shut up! Lelang ka lelang! Shut up!" nagwalk-out si Lil Saint dahil naasar nga siya sa pinagsasabi ng kaibigan. 

"Oy teka." Hawak-hawak na ni Allyssa ang kaniyang tiyan habang tumatawa. Taliwas sa kaibigang si Lil Saint ay masyado siyang carefree, walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. "Oy!" Isinukbit niya sa kanyang balikat ang sling bag at patakbong hinabol ang kaniyang frenemy na si Lil Saint.

Todo-todo ang pagkasalubong ng kilay ni Lil Saint, paano kasi, pakiramdam niya ay may point ang kanyang frenemy na si Allyssa. Yes they are frenemies, sometimes friend sometimes enemy. Sa sitwasyon ngayon ay klarong-klaro na magkaaway sila. "Don't make sunod with me! I hate you!" sigaw niya rito.

Tumigil na nga sa kasusunod si Allyssa habang tawa pa rin nang tawa. Nakakatuwa talaga siyang asarin., sa isip niya saka umiling. Maya-maya ay napansin niyang gumaan ang kanyang sling bag. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na hinalukay ang laman nito, Ang slum book... Unti-unti siya lumingon ulit sa swing at halos liparin na niya ito nang makita kung sino ang dapat na pupulot nito ... James Moncieller!

Tumawa nang mahina si Lil Saint mula sa malayo nang makita niya kung paano takbuhin ni Allyssa ang slum book na ngayo'y nasa kamay na ni James Moncieller. Serves you right, lelang! Tumalikod na siya at naglakad papunta ng Cafe de Woodsen habang iniisip pa rin ang pinagsasabi ng kaniyang frenemy.



***



"Kuya, mag-iingat ka ro'n," saad ni Christian saka tinapik sa balikat ang kaibigang si Adrian. "Ikumusta mo na lang ako sa kanila."

Tanging tango lang ang sinagot ni Adrian. Kahit papaano ay nagtatampo pa rin siya rito dahil hindi sila magkasamang uuwi ng Pilipinas, pero wala siyang magagawa. Ayaw talagang sumama sa kanya ng binata kaya hinayaan na lamang niya ito.

Christian waved goodbye sa kanyang kuya na hindi man lang lumingon. Alam niyang naiinis ito sa kanya pero para rin naman sa kaibigan ang gagawin niya. Magpapalipas muna siya ng tatlong buwan sa Macau na sa tingin naman niya ay sapat na para—"Tsk. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?" 

Lumakad na siya paalis ng airport habang lumilipad ang isip, Paano kaya kung hindi gumana ang plano ko? Kinuha niya ang kanyang wallet at binuksan ito. Nakangiti niyang hinimas ang larawan ng babaeng gusto niya. Bibigay na ba ako? O magbibigay na lang ulit?

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon