BPD

245 21 43
                                    

Mabilis na kinuha ni Christian ang cellphone ng dalaga. Kailangan niyang maka-send ng kanilang kasalukuyang coordinates sa PS HQ. Delikado ang buhay niya at ng dalaga kapag nagtagal pa sila sa lugar na 'to.

"Baby loves, what do you mean by 'do you wanna know who I really am?'" tanong niya sa minamahal mimicking his accent.

Christian hit enter bago muling ibinaling ang atensyon sa dalaga. "Isa akong maruming tao."

"Err, you mean you have STD? AIDS? Ketong? Or something?"

Awtomatikong nagkasalubong ang kilay ni Christian sa ibinitong tanong ng dalaga, "Or something," sagot niya rito saka isinauli ang aparato. Mga ilang minuto mula ngayon ay dapat na dumating na ang kanilang sundo.

"Omg! I thought I won't be able to have sex with y—ouch!" Napatakip bibig si Lil Saint nang pitikin ito ni Christian, "Hey, watch it!"

"Watch your word, lady.And if we'll be doing it—it won't be called sex. I'll call it the art of making love."

Namamanghang tiningnan ni Lil Saint ang binata. Isinisigaw ng kanyang mata ang salitang 'Amazing!'.

"I don't have such diseases. My case is worse. It's a personality disorder."

Muli sa pagkamangha ay napalitan nang pagtataka ang mukha ni Lil Saint, "How is that even related to pagiging marumi?"

Christian cupped her face, "I'll tell you when we get home."

"No. I want it now."

Kitang kita ni Christian ang pagiging determinado ng dalaga. Napabuntong-hininga na lamang  siya at sinabing, "Fine, but please don't interrupt. Alright?"



***



Simula nang madiskubre ni Allyssa ang sekreto ni Christian ay panay na lamang ang bili niya ng pulang pintura. Gaya ngayon, pinuno niya ang kanyang pallet ng pula, itim, at puting kulay.

Pilit niya kasing pinipinta ay kanyang nakitang larawan. Pero sa kada subok niya ay napapatigil siya. Sariwang sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nakitang imahe—puro ito dugo, sariwang dugo. May mga laman din, napakasariwang laman. Pero ang nakapagpanghilakbot sa kanya ay ang batang nasa litrato. Ang batang iyon ay iniibig ng kanyang kaibigan.

Muli, nabitawan niya ang hawak na pallete dahilan para magkalat sa sahig ang kanyang mga pangkulay.



***



Hindi mapigilang ngumiti ni Christian habang pinagmamasdan si Lil Saint. Nakaupo ito sa sanga ng punong kanyang sinasandalan kanina. Umakyat na rin siya at umupo rin sa sangang katapat ng inuupuan nito. Panay pa rin ang sulyap ng binata sa kaulapan, inaabangan niya ang kanilang sundo.

"Game!" nakangiting pahayag ng dalaga.

"Okay." Huminga nang malalim si Christian at saka tiningnan sa mga mata ang dalaga, "I have this rare personality disorder, most common to women. And in my case, it's extreme. My doctor called it BPD." 

Nagsalubong ang kilay ni Lil Saint. Para kasing narinig na niya ang terminolohiyang iyan, hindi nga lang niya maalala kung saan at kailan. "I think I heard that somewhere. What does it stand for baby loves—wait! It's the Bipolar Personality Disorder?"

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon