Brothers

85 5 5
                                    

Hinahangos na bumangon si Lil Saint. Awtomatiko siyang napatingin sa kaniyang mga hita at halos mahigit niya ang kaniyang hininga nang makitang walang bakas ng dugo rito. Inilibot niya ang kaniyang paningin at napagtantong nasa mansyon siya at nakahiga sa kaniyang kama.

All of it was just a dream?, sa isip niya.

Unconsciously, napahawak siya sa kaniyang tiyan. Pakiramdam niya kasi totoo ang lahat nang nagyari. Ang pagbabalik-tanaw niya sa pagmamahaln nila ni Christian, ang paghihinagpis niya sa kinahantungan nila, ang pagkawala ng importanteng anghel sa kaniya.

"Liit?"

Napalingon ang dalaga sa may pintuan at doon niya nakita ang dalawa niyang kapatid, si Reymond at Raymund na nag-aalalang nakatitig sa kaniya.

"Kuya, buy me a PT Kit."

Nagkatinginan ang dalawang binata.

"Kuya Reymond, please?"

Natatarantang tumakbo paalis si Reymond. Rinig pa sa pasilyo ang kaniyang pagmumura, "Shit I forgot my wallet! Agh! Nevermind the wallet, I'm the Ideal Stone! Holy mother father—ano nga ulit 'yong bibilhin ko? Ugh!"

Napangiting napailing na lamang si Lil Saint sa kalokohan ng kuya niya pero agad din iyong napalis nang maramdaman ang nakakamatay na titig ng isa pa niyang kapatid. "K-kuya—"

"Kailangan ka niyang panagutan." Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Raymund.

"He can't."

"What?! Why—"

"He's our brother."

Tila naestatwa si Raymund sa kaniyang kinatatayuan. "A-ano?"

"Kapatid natin siya kay dad. His mom and our dad had an affair." Pilit na ngumiti si Lil Saint kahit ang sakit-sakit na nang pakiramdam niya. Natatakot siyang umiyak ngayon matapos niyang mapanaginipan ang tagpong iyon. Natatakot siya na baka mawala nga nang tuluyan ang tanging magiging ebidensya nang pagmamahalan nila.

"Sinong nagsabi niyan?"

"Mom."

"Hmm..."

Napatingin si Lil Saint sa kaniyang kuya. Nakatingin ito sa sahig at nakakunot ang noo. Ito ang kadalasang mukha nito kapag naglalaro ni Chess, para bang nag-iisip ito nang malalim. Maya-maya ay sumilay ang maliit na ngiti mula rito pero agad din itong nawala at tiningnan nang seryoso ang dalaga.

"Kaya pala sabi ni mom kanina, may family dinner tayo rito. Buong pamilya raw. Isasama yata ni Kuya si Ate Jen, pupunta rin dito ang frenemy mo."

Napairap si Lil Saint. "So ako lang ang walang date, gano'n?"

"Adrian?"

Malungkot na ngumiti ang dalaga. "Masyado ko na siyang inaabuso sa lagay na 'yan, Kuya. Tama na. Ayoko nang maging pasanin niya pa ako. May sarili siyang buhay."

"Alright but, really? PT? Did you really..."

Napakagat ng labi si Lil Saint at tumango.

"God, you're still what? 18? Anong iniisip mo, Lil Saint?"

"You can't simply blame me like that," pagtatanggol niya sa sarili. "I've been inlove with that person all my life! We've been through a lot! We love each other so much but destiny is hunting us down! Don't you think, I can still think rationally given those problems? Pareho kaming matatalinong tao, Kuya. Alam namin ang nagawa namin, but I'm sorry, hindi ko 'yon pagsisisihan." 

"You don't know what you're saying, baby." Lumambot ang ekspresyon ni Raymund nang makitang tumutulo na ang luha ng kaniyang kapatid. Hindi niya rin maiwasang makaramdam ng sama ng loob. Pakiramdam niya, bilang kapatid, ay nagkulang siya rito. Nilapitan niya ang kapatid ay niyakap.

"Nagmahal lang naman ako, Kuya."

"And love is never enough. It can't be enough for a relationship to last, baby. Sometimes, you have to bribe the circumstances and destiny to keep you together. Maybe, your bribe was not enough."

Marahil, tama ang kuya niya. Marahil hindi sapat ang ibinigay nila sa tadhana para manatili sa isa't isa. Marahil, hindi sapat ang lakas nila para salungatin ito. Pero bakit nga ba hindi naging sapat? Kasi, pinili nilang hindi ito maging sapat.

Pero, kahit anong gawin niya, lumaban man siya o hindi, game over na sila. Tapos na ang lahat. Huli na para kumontra pa. Wala na. Dead end. Mission impossible. Mission failed.

"Liit!" Nagkukumahog na tumakbo si Reymond palapit sa kaniya. Mukha itong ginahasa ng ilang bakla sa itsura nito. "E-eto na! Nakipag-away pa ako kasi sabi ko hindi ganiyan ang kailangan ko pero 'yan talaga binigay! 'Di ba pangbuntis lang 'yan?"

Nagkatinginan si Lil Saint at Raymund, iniisip nila na kung bakit sa kanilang magkakapatid, ito pa ang naging agent. Tumawa na lamang sila at tinungo na ni Lil Saint ang banyo.

Mga ilang minuto ring tulala si Reymond. Tila bumagal talaga ang proseso ng kaniyang utak. "Teka, ibig sabihin—" Walang pagdadalawang-isip na kinuwelyuhan ni Reymond ang kapatid na si Raymund.

"Aray naman, Kuya! Hindi ako ang ama! Leche!"

"Sapakin kita, 'wag kang magbiro! So... so..."

"So something happened and then poof! It became coco crunch!"

"Umayos ka kung hindi isusumbong kita kay Ally—"

"O, ano na naman ang kinalaman ng babaeng 'yon?!"

"Sasabihin ko sa kaniya na gusto mo siya at—"

"Hindi ko siya gusto!"

"Gusto mo siya, slow ka lang!"

"Slow ka rin naman kay Ate Jen, a?"

"Hoy at least ngayon inaamin ko n—"

Lumabas na si Lil Saint dala-dala ang PT.

Binitawan ni Reymond ang kapatid at masuyong tiningnang ang kanilang bunso, "How was it?"

"Negative," saad ng dalaga habang ang isang kamay nito ay nakahaplos sa kaniyang tiyan. Ngumiti ito sa kanila at sinabing, "Well, let's prepare for the family dinner."

Muling nagkatinginan ang dalawang binata at nakangiting binalingan ng tingin ang kanilang nag-iisang babaeng kapatid.

"What the—" Hindi mapigilang matawa ni Lil Saint nang bigla siyang yakapin ng dalawa niyang dambuhalang mga kuya. "—hindi ako makahinga!"

"Ang baby namin..."

"Hindi namin naasikaso nang mabuti..."

"Abala rin kasi kami sa sari-sarili naming mga buhay..."

"Tama si Kuya Raymund mo, naging abala rin kami sa ibang bagay..."

"Sorry, liit namin," sabay na bigkas ng dalawa at mas lalo pang hinigpitan ang kanilang yakap.

Kahit nasisikipan na sa yakap ng dalawa, gumanti pa rin ng yakap ang dalaga. Masaya siya dahil nandito ang dalawang lalaking ito. Ang dalawang lalaking hindi siya kailanman sasaktan, ang kaniyang Kuya Reymond at Raymund.



----

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon