CHAPTER 15

20.1K 927 128
                                    

Chapter 15: Kulit

Rue



TIME goes really fast. My first week in Hades Academy was like hell. D*mn it!

Sa loob ng isang linggo ay maraming nangyari. They're keep on doing pranks on me, mild lang naman. Hindi na ganoon ka harsh noong first day ko rito sa section na 'to. I'll admit na parang naging mabait sila. Yup, mabait. I think?

Puro pambabato na lang ng kung ano-ano ang mga ginagawa nila. Nasasalo ko naman pero 'yung iba wala na akong pakialam, mahina na lang kasi ang pagkakabato. 'Yong iba tumigil na pero meron pa ring mga baliw na sumusunod sa amo nila.

Kinakausap na ako ng ilan but not to the point na sobrang close na talaga. Si Owen at Hiro ang pinaka close ko sa lahat. Nakaaasar naman 'yong Zinnon na 'yon. Yes, I know his full f*cking name already. That a*shole named Zinnon Dyn Martinez.

Pisting yawa!

Siya ang nangungunang mang-aasar sa 'kin at siya rin ang mauunang mapipikon sa 'ming dalawa kapag binabalik ko ang mga ginagawa niya. May saltik din sa utak!

Owen and Hiro was like my knight here in the worst section. Mga pawns naman ang ibang worst wection, sinusunod ang kahit anong iutos ng Z na 'yon.

Now I'm heading to our building. Mukhang abandunado talaga. Bakit hindi na lang kaya pinturahan ng worst section 'yon? Tutal, wala namang pakialam ang school sa kanila at kung ano mang gawin nila rito.

Pagpasok na pagkapasok ko pa lang ng isang paa sa room namin ay biglang may lumilipad na white board eraser sa gawi ko. Napabuntonghininga ako at walang kahirap-hirap na sinalo ito.

"Ay nasalo,"

"Sayang!"

"Sapul sana,"

"Tama na nga 'yan!" Biglang tumayo si Owen at hinila ako sa tabi niya.

"Woah? Kinakampihan mo na naman 'yan?" sarkastikong ani Gavin.

Kilala ko na rin silang lahat at noon ko lang nalaman na 15 lang talaga kami.

I don't know why Gavin Corpuz is so mean to me. Pagdating kasi sa 'kin ay ang sungit-sungit nito at palaging galit. Pilit niya rin akong iniiwasan kapag nagtatangka akong lalapit o kakausapin man lang siya. Para akong may nakakahawang sakit sa paningin niya. And that's make me feel sad.

"Nagbago ang ihip ng hangin, Owen, ah?"

"Gago! Good boy na si papa Owen!"

Nagsipagtawanan silang lahat. Great! Ang aga-aga! I just rolled my eyes at ipinatong sa teacher's table ang eraser na binato nila sa 'kin. Tumabi ulit ako kay Owen. Siya na ang seatmate ko ng maging close na kami. Si Hiro? Ayon katabi si Zinnon, ang demonyong bossing nila.

Hiro Takahashi was a silent type of guy but have a badboy look. Parang nang-uusig din minsan ang tingin nito kapag bago ka sa paningin niya, thay's the quality that made him intimidating kapag hindi mo siya kilala.  He's kind at may pagkasungit rin minsan. Nevermind that human being named Zinnon Dyn Martinez. Para silang dalawang hari sa loob ng section na 'to. Bigla na lang kasing napapasunod ang iba.

Nagtataka lang ako kung bakit ganyang ang turingan ng dalawa. Minsan magkagalit, minsan naman magkabati. Sala sa init, sala sa lamig! Mga p*nyeta!

"Rue, may pagkain ka ba riyan?" tanong sa 'kin ni Nikko.

"Wala akong dala ngayon e." Nakamot ko ang ulo.

"Ay sayang naman," naghalumbaba si Nikko.

"P'sst, Tres!" Pinukol ko ng masamang tingin nang malingunan si Brent.

May semento ba ang dila nito kaya kasintigas ng bato ang pangalan kong lumalabas sa bibig niya?

"Threze nga sabi! Hindi Tres o Tris!" jnis kong pagpapaintindi sa kanya.

"Oo nga, Tres. May candy ka riyan?" Napailing ako. "Bakit wala?" Bigla siyang tumayo at sumigaw.

"Brent, ano ba! Ang ingay mo naman!" saway sa kaniya ni Cyril at binato ng bottled water.

Nailagan naman 'yon ni Brent pero meron pa ring napasigaw dahil natamaan.

"Ouch! What the f*ck?!" inis na sigaw ni Zinnon ng mataaman siya ng bottled water na hinagis ni Cyril rito sa harap. Nasapo niya ang likod ng batok, nakatalikod kasi ito sa gawi namin.

Busy sa paglalaro ng mga baraha kasama sina Hiro, Bryan, Henry, Rin at Red. Nakabilog pa ang mga upuan nila. Hindi man lang natakot na baka maabutan sila ng mga teacher. Lakas!

"Who throw that f*cking bottle?!" Zinnon shouted. Highblood niya masyado!

Tumahimik ang lahat at nagtinginan. Para silang nag-uusap sa mga mata nila. Mga langya!

Alam ko na ang tumatakbong kalokohan sa utak nila. Wala pa man ay mabilis ko nang sinenyas ang dalawang kamay na hindi ako kaya napatingin sa 'kin si Zinnon. Mas nanlaki ang mata ko sa ginawa nila Cyril, Bryan, Brent, Nikko. Tinuro ako ng mga talipandas!

"H-hindi ako, ah! Sila 'yon!" depensa ko.

Tinaasan lang ako nito ng kilay at pinagkrus ang mga braso.

"Huwag kang maniwala riyan, Z. Nakita kong siya ang bumato!" bintang ni Noah.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Sinungaling!

"Oo nga! Sinadya niya 'yon Z!" sang-ayon ni Cyril.

Isa pa 'to! Siya ang may gawa, sa akin ang sisi. Wow!

"Tama!" sabay na sang-ayon ni Bryan at Nikko. Tumango pa ang mga bubuyog na 'to.

Mga sinungaling talaga!

Sinamaan ko sila ng tingin pero nagpatay-malisya lang ang mga ito. How could they say it right in front of me? Ugh!

I stomped my feet out of frustration. "I have a clean conscience. Bahala ka kung sino ang paniniwalaan mo!" Inis akong napaupo sa upuan ko katabi si Owen.

At ang walangya, tumatawa ng pahilim. Akala siguro niya hindi ko nakikita.

"Feel free to laugh. Libre. Nakakamatay!" irita kong saad sa kanya.

'Yon na rin ang naging hudyat niya para magpakawala ng malakas na tawa.

"Asar na asar ka talaga kay Z ano?" Tumawa ulit siya.

"Nakaiinis, e!" iagot ko.

"Weh?" Bigla making sinundot sa tagiliran kaya nagugulat ko siyang nilingon.

"Bakla ka ba at ganyan ka makasundot? Chansing," sabi ko ay ngumisi.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Rue. Napaghahalataan," asar niya sa akin.

What the hell? Napaghahalataan? 'Yong ano? Si Owen imbento rin.

"What are you talking about, Owen? I'm not into Z!" I exclaimed trying not to roll my eyes.

"Wala akong sinabing si Z."

"Meron!"

"Wala ah!"

"Owen! Ugh!"

Ang kulit ng lahi!








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now