CHAPTER 1

46.5K 1.4K 492
                                    

Chapter 1: New beginning

Rue

"LOLO, please hang in there. Malapit na tayo," I pleaded as I cupped his face.

Kasalukuyang kaming nasa ambulansiya at tahimik na nagdadarasal na sana ay makaabot agad kami sa hospital. Unconscious si lolo at hindi ko alam ang gagawin. Ilang ulit kong nakagat ang bibig sa kabang nararamdaman.

Biglang pumasok sa isip ko sina mom and dad kaya nanginginig kong kinuha ang cellphone at tinipa ang numero nila. Ilang ulit na nag-ring iyon bago sagutin ni mom ang tawag.

"My gosh, Rue, nasa gitna kami ng conference meeting ngayon. Nakahihiya sa ka-meeting namin ng daddy mo,"  bungad nito sa akin.

Napahikbi na ako sa mga oras na iyon. Alam kong ako ang sisisihin nila dahil sa nangyaring ito kay lolo. Kasalanan ko naman kasi.

"Bakit ka umiiyak? A-anong nangyari?" Binalot ng katahimikan ang kabilang linya ngunit agad na nakabawi si mom. "W-where's your l-lolo?"  kabadong anito. Natitiyak kong may ideya na ito sa sasabihin ko. Knowing mom, mabilis itong makaramdam sa mga bagay-bagay. Maybe that was a mother's instict.

"Mom. . ." iyon lamang ang nausal ko at humagulgol.

Napatitig ako sa walang malay na si lolo. Unresponsive ito at nagsisimula nang mangitim ang bibig.

"Rue! What happened? Sabihin mo kay mommy!"  kahit na galit ito ay nakuha niya pa ring maging kalmado sa pagtatanong. Hindi ko alam kung paano iyon nagagawa ni mom, pero si mom lang ang kilala kong ganoon.

"S-si. . . lo. . .lo." Pinigilan kong mapahikbi ulit kaya napatakip ako sa bibig.

"Oh my gosh! Anong nangyari kay dad?!" bakas ang pagkakataranta ni mom sa kabilang linya.

"P-Papunta po kami sa hospital, mom."

"Where it is?"

"Sa hospital po natin, mom." Agad na naputol ang tawag pagkasabing-pagkasabi ko no'n kaya minabuti kong ilagay ulit sa bulsa ang telepono. "Lo. . ." hagulgol ko.

Kung sana ay hindi ko na lang siya pinatawa ng todo-todo. Kung sana ay hindi ko na lang kinulit si lolo, sana ay buhay pa ito. Pareho silang dalawa ni lola na may sakit sa puso ngunit magkaiba lang ang kaso. Nawala na nga noon si lola, ngayon naman ay mawawala sa mga kamay ko si lolo.

Napasabunot ako sa sarili. Bakit ba palaging ako? Kasalanan ko lahat ng ito! Nakaiinis!

Nang marating ang hospital ay agad na pinalibutan ng mga doctor si lolo. I explain to the doctors incharge what happened before my lolo collapse at may mga katanungan akong nasagot. After a few moments, lumabas na ang doctor, it was Doctor Sanchez. Malapit ito sa pamilya namin.

"How was my lolo, doc?" I asked. Nanginginig akong napatingin sa pinanggalingan nito.

"I will be honest to you, Rue. Your lolo's brain was deprieved of oxygen after the attack and took 25 minutes to arrived here. It's a miracle that we revived him but his pulse was so weak.Kalimitan sa mga nakaha-heart attack ng ganito ay mababa ang survival rat—"

"No, doc, my lolo will survive. He will lived!" mangiyak-ngiyak na putol ko sa sinasabi nito.

Doon ko na napansin ang humahangos na sina mom and dad. Agad akong napayuko nang magtama ang mata namin ni mommy.

"How was my dad, Leo?" tanong ni mom sa kaibigang doctor. Nakaalalay naman si dad sa kung anong mangyayari kay mom sa anumang oras.

I didn't hear what Doctor Sanchez said dahil tinangay na ng tuluyan ang isip ko nang ideyang walang ng pag-asang mabuhay pa ang lolo after this night.

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now