CHAPTER 16

19.8K 910 23
                                    

Chapter 16: Talk

Gavin



NAPADAKO ang tingin ko kina  Z at Hiro habang naglalaro ng baraha. Kanina pa ang dalawang 'to. Nagpapatay-malisya sa tingin ko.

"Gav, kanina ka pa nakatingin sa 'min. Do you have something to say?" Biglang napatigil si Hiro sa ginagawa at tumingin kay Z nang sabihin niya 'yon at pagkatapos at tumingin ito sa akin.

Nangunot ang noo ni Hiro nang magtagpo ang paningin namin.

"'Di ba, sabi  ninyo wala ng babaeng mapapadpad dito sa section na 'to?"

"Yeah?" patanong na sagot ni Z.

"What about it Gav?" sagot naman ni Hiro.

Sinulyapan ko si Threze na nakatalikod sa gawi namin. Napasulyap din silang dalawa sa kaniya.

"Bakit nagtagal  'yan dito?" inis kong turan sa kanila.

"Dahil kakaiba siya?" ani Hiro at tumingin kay Z.

"Hmmm," sang-ayon sa kaniya ni Z.

What the f*ck? Magkakampi na sila ulit? Tsk! Weird din 'tong mag-bestfriend na 'to. Nakababaliw!

"Magkakagulo lang ulit kapag nandito 'yan. Alam naman nating ka—" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Z.

"Shut up, Gavin!" madiing  saad ni Z. Sinamaan  niya ako ng tingin kaya napakuyom ako ng kamao habang nilalabanan rin ang tingin  niya.

"Stop it! Kayong dalawa," pigil ni Hiro sa 'min ng mapansing nagkaiinitan na kami ni Z.

"Bahala kayo riyan!" pikon kong usal at tumayo.

Napatigil  pa si Rue sa pag-uusap nila ni Owen at napatingin sa 'kin ng madaanan ko ito. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at lumabas na.

Pumunta ako sa second floor ng lumang building na 'to. Naghanap ako ng mauupuan ng marating 'yon.

"Tsk!" Nilabas ko ang isang kahang sigarilyong nasa bulsa ko at kumuha ng isang stick. Meron din akong dalang lighter kaya nasindihan ko agad ito.

Nakadalawang buga na ako ng marinig ang nakakainis na tinig niya.

"Pwede 'yan sa school na 'to?" Nagugulat niya akong tiningnan at pagkatapos ay tinuro ang sigarilyong hawak ko. Napatigil siya sa paglalakad. Nasa hagdanan pa rin siya at parang nag-iisip.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ah! Sa bagay, worst section kayo. Pwedeng-pwede ang lahat!" usal niya habang napapatango pa at doon na niya na napagpasyahang bumalik sa paglalakad patungo rito.

Nang marating kung saan ako ay umupo ito sa tabi ko kaya inis ko itong tinapunan ng tingin.

"Huwag ka ngang tumabi sa 'kin! Alis!" taboy ko sa kaniya. Ang kulit ng babaeng ito.

"Bakit ako aalis? Nandito na ako. Paaalisin mo pa?"

"Umalis ka sa sectiong 'to!" Binaliwala ko ang sagot niya.

"Bakit ba inis na inis ka sa 'kin ha? Wala naman akong ginagawa!" Pinagkrus niya ang mga braso.

"Dahil babae ka!" sigaw ko sa mukha niya.

"Oh, e, anong mayroom kung babae ako? Insecure ka?" Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

"Hindi!" pasinghal kong sagot sa kaniya. Humithit ulit ako ng sigarilyo at walang habas na binuga 'yon sa mukha niya.

Napaubo siya kaya napangisi ako.

"What the f*ck? Ano ba! Alam mo bang mas nakamamatay ang second hand smoke? Akin na nga 'yan!" Mabilis niyang hinablot ang sigarilyong hawak ko at tinapakan.

"Ano bang pakialam mo?" Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya at mas lalo ko 'yung ikinainis.

Kumuha ulit ako ng sigarilyo at sinindihan pero hindi pa man nakakaabot sa bibig ko ay kinuha niya na ito at tinapakan ulit.

"Ano ba? Umalis ka nga rito! Ginugulo mo lang ako!" Kinuha ko ulit ang isang stick pero hindi ko na 'yon nagawa dahil mabilis niya itong hinablot at inapakan lahat.

"Una! Itigil mo 'yang paninigarilyo mo. Ang bata-bata mo pa tapos sunog-baga ka na? Gusto mong maagang mamatay, ha? Maawa ka naman sa lungs mo at sa taong makasisinghot nito! Pangalawa, ayokong umalis sa section na 'to. Wala ka ngang magagawa pa! Pangatlo, gusto ko man lang makipagkaibigan sa 'yo. Anong piniputok ng butsi mo?" mahabang litanya niya.

Napatigil ako sandali.

"Oh? Wala ka man kang sasabihin? Ang haba ng speech ko, Gavin, my gosh!"

"Tabi!" galit kong sabi sa kaniya at tinabig siya para makaalis sana. Hindi ko akalaing mapapalakas 'yon.kaya matutumba siya. Malay ko ba?

Tang*na!

Sa lakas niyang sumuntok matutumba lang siya ng gano'n na lang? Pinagloloko ba ako ng babaeng 'to? Halos mapatumba na nga niya kaming lahat!

"Ouch!" Hindi  ko siya nilingon. Alam kong arte lang niya 'yon. Hindi 'yan bebenta sa 'kin!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Huwag ka ngang mag-inarte!" saad ko ng hindi siya nililingon. Akma na akong aalis nang marinig ang paghikbi niya.

The f*ck?

'Yon na 'yong time na hinarap ko siya at nanlaki ang mata ko sa nakita. P*ta! Akala ko acting!

"H-hey. . . a-are you. . . okay?" Mabilis ko siyang nilapitan.

"May okay bang ganito?" inis niyang sagot.

Sh*t. Dumudugo 'yong kanang kamay niya. Meron palang basag na salamin sa gilid. F*ck it, Gavin!

"H-halika!" Nagpanic ako kaya ang kamay niyang dumudugo ang nahawakan ko.

"Aray! P*tangina, Gavin! Tinutulungan mo ako o sadya mo talaga 'to?"

"H-hindi. I'm sorry, okay?" Tiningnan ko ang kamay niyang dumudugo. Hindi ito tumitigil. Gusto kong suntukin ang sarili  ko sa kagaguhang nagawa ko. "Tara!"

Binuhat ko siya na parang sako ng bigas.

"Hoy! Kaya kong maglakad! Ibaba mo 'ko! Ano ba! Tao ako hindi bigas! Seryoso ka Gavin?" Pumalag siya at hinampas ang likod ko. Ang sakit no'n.

Kung hindi lang siya nasugatan tinapon ko na 'to mula rito sa second floor ng building namin.

"O, hayan!" Inayos ko ang pagkakabuhat ko sa kaniya. 'Yong paaran ng pagbuhat sa kasal? Gano'n!

"Bwisit ka talaga! Aray!" Akma niya akong susuntukin pero hindi na tuloy dahil tumama ang kamay niya sa pader no'ng papaliko na kami. Kakababa lang namin kasi galing sa second floor.

"Karma 'yan!" Napangisi ako.








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now