CHAPTER 14

19.6K 911 12
                                    

Chapter 14: He knew

Rue



"OWEN!" sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata.

He almost gave me a heart attack!  Tang na juice!

Muntik na siyang masaksak ng p*nyetang lalaking 'yon sa tagiliran. Mabuti na lamang ay nakaiwas siya at mabilis na pinaulanan namg suntok ang kalaban.

Pumunta siya sa 'kin with a worried expresssion drawn on his face.

"Are you okay, Rue?" tanong niya at sinuri ako kung may tama ba ako o galos na natamo.

"I'm okay, don't worry." I gave him a smile of assurance. Napangiti siya sa 'kin pero agad 'yong nawala ng may pumalakpak.

Napabagsak  naming lahat ang mga kalaban ng gano'n kabilis. O sadyang weak lang talaga silang lahat? T'sk ,hindi man lang ako na excite.

"Galing! Owen lumalakas ka na ah? At 'yong bago mong chicks. . .may ibubuga rin. Magaling!" Mas pumalakpak pa ito at lumapad lalo ang ngiti kaya sumilip na naman ang mga bulok at kulang-kulang sa bilang na mga ngipin.

Me and Owen just gave him a smirked, 'yong nang-aasar pa lalo.

Bigla kaming may naaninaw na paparating na motor at tumigil ito sa harap ng boss nilang duwag.

"Hanggang sa muli mga kaibigan," Tumawa siya at sumakay na sa likod ng motor.

Hahabulun ko pa sana kaso hinawakan na ako ni Owen at umiling.

"Duwag!" sigaw ko na lang kahit alam ko namang hindi niya na 'yon maririnig pa dahil sa distansya namin.

"Rue. . ." Napabaling ang tingin ko sa kaniya. "I'm so sorry, sana hindi na lang kita hinatid. Nakilala ka na nila, baka ikaw ang puntiryahin ng mga 'yon."

"E, 'di lalaban kapag sumugod ulit!" mabilis kong sagot sa kaniya. Kinunutan niya ako ng noo na para hindi inasahan ang sasabihin ko.

Why? May problema ba ro'n?

Inirapan ko siya kaya napakamot na lang siya sa batok. May kuto ba siya?

"I forgot. . . you're an extraordinary girl." Nasapo niya ang noo at bahagyang tumawa.

"Definetly! Because I'm Threze Rue Gonza, a not so typical girl." Tumawa ako, nagmamayabang.

"And I forgot, mag-aalas syiete na ng gabi. Kaya tara na, ihatid na kita."

"Tang*na! Gano'n kabilis ang oras? Patay ako kay kuya nito! Tara na!" Hinila ko siya at nagsimulang maglakad.

"Pftttt!" Nilingon ko siya dahil nagpipigil ito ng tawa.

Narating na rin namin ang gate ng bahay kaya napahinto na ako.

"Tinatawa mo?"

"Wala."

"K! Salamat nga pala sa paghatid Owen," ngitian ko siya at binuksan ang gate.

"Rue. . . " sambut nito tila may iniisip na kung ano. "Parang. . . parang pamilyar ang pangalan mo." Napatigil  ako bigla at taka siyang binalingan ng tingin.

"Ha? Nagkakilala na ba tayo rati?" Nag-isip ako ng mga taong nakahalubilo ko pero wala akong mahitang sagot sa isip ko.

"I think, hindi pa. . ."

"Bakit pamilyar kung hindi pa tayo nagkakilala rati?"

"Hindi ko rin alam. . . ewan. Hayaan mo na," Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. "'Bye, Rue!" Kumaway siya sa akin. "Nga pala, ang astig mong lumaban no'ng unang araw mo sa worst section. . . floral!" Humalakhak siya.

Hindi ko pa sana gets kung anong tinutukoy niya pero nang masaksihan ang pagngisi nito ay parang alam ko na kung ano iyon.

"Owen!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumalikod na siya at tumakbo.

Langya! Manyak rin!

Pumasok  ako sa gate ng may ngiti sa labi. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagkakaibigan namin at mas makilala ko pa ang iba at huwag akong pagtripan para naman maging tahimik ang pananatili ko sa Hades Academy. Sana nga...

Tahimik kong sinara ang pinto ng makapasok sa bahay. Tiningnan ko ang iras sa phone ko at laking gulat kong alas nuebe na ng gabi. Alas syiete pa lang kanina ah?

T*angina! Ang bilis ng oras! I'm a dead meat!

Kaya pala nagugutom na ako. Pumunta muna ako sa kitchen at mabilis na kumain. Mabuti na lang at wala si Kuya sa bahay ngayon. Ang tahimik kasi at off na rin ang ilaw sa sala. Mabuti na lang.

Umakyat na ako sa kwarto  ko para magshower. Ang lagkit ko na. Nakakapagod kapag ang binabasag kong mukha ay mga pangit.

I opened the door of my room and stepped in saka inilock ang  pinto. Pumunta ako sa switch ng ilaw at napasigaw talaga ako sa nakita. Masamang demonyong nakaupo sa kama ko at nakapandekwarto pa.

"Bakit ngayon ka lang?" agad niyang sabi. Hindi man lang pinansin ang ekspresyon ko.

"Kuya! Hindi mo man lang binuksan ang ilaw!" Napahawak pa ako sa dibdib dahil hindi magkandamayaw ang pagtibok ng puso ko.

"Bakit ngayon ka lang," mas madiing ulit niya.

Nag-isip ako ng mas magandang maidadahilan kay Kuya Eziel baka pagalitan niya ako kapag nalamang napaaway na naman ang dakila niyang kapatid.

Rue, sakit ka talaga sa ulo!

"Uhm. . . ano. . ." Nakamot ko ang sariling ulo at iniwas ang paningin sa kanya. Naghihintay siya ng sagot ko kaya ku.ot ang noo nito ng matagalan ang pagdugtong ko. "Ano. . . n-namasyal lang sa mall kuya, he-he." I crossed my fingers na nakatago sa likod ko.

"Namasyal? Tagal namang pamamasyal 'yan. Kasing laki ba  ng mall na pinasyalan mo ang buong Manynila at ganitong oras ka nakauwi?" Tinaasan niya ako ng kilay at sinamaan ng tingin.

I just bit my lower lip.

"Now you can't answer me, Rue." Hinilot  niya ang sintido at tumayo sa kama ko. "Tell me what happened. . ."

"Wala nga, kuya! Anong ikukwento ko kung wala namang may nangyari, 'di ba?" Kunwaring naiinis kong sagot.

He sighed, nangangahulugang ubos na ang pasensya nito.

Sungit niya talaga!

"I'm telling you this again, Rue.  Don't cause trouble."

"Hindi naman kuya, ah? Bait ko kaya!" Ngumuso ako.

"Basta! Sabihin mo sa 'kin kapag sinaktan ka ng Worst Section. I'll beat them until they say sorry to you," He said it with the serious tone.

"Wala naman silang ginagawa sa 'kin Kuya. Ang bait kaya nila! Very welconing kaya ang section na 'yon!" masayang sabi ko.

Sa sobrang bait nga nila muntik na akong tamaan ng bola sa mukha. Sobrang bait talaga ng worst section nung first day ko sa Hades Academy kaya nga nilock ako sa bodega diba? P*nyeta!

"Tsk!  Oo na!  Pero kapag may nabalitaan lang talaga ak,  Rue, lagot sa 'kin ang section mo. Go to sleep. I know you're tired beating those f*cktards," pagtatapos niya ng usapan namin dalawa. Agad niya akong tinalikuran at lumabas.

Mas nagulantang ako sa huli niyang sinabi na nagpahina ng tuhod ko.

He knew everything from the very beginning!  He knew that I'm lying. D*mn it! I'm so stupid!








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon