CHAPTER 59

14.4K 655 36
                                    

Chapter 59: Babe

Zinnon

"BABE, h'wag ka ng magtampo. Hindi ko naman sinasadya 'yon, e— I mean hindi ako tumugon pabalik," I explained and walk towards her. Iniwas niya ang kamay nang aabutin ko na 'yon.

Great Zinnon! Just great! Tsk!

"Hindi raw sadya. Pero humalik pabalik. Ano 'yon? Natapilok ka pero wala namang batong nakaharang gano'n?!" inis niyang sabi at lumayo ng kaunti sa 'kin.

I pinched the bridge of my nose. Kanina pa ako nagpapaliwanag na hindi ko naman hinalikan pabalik noon kay Paige. She initiated the kissed but I didn't kissed her back.

"Babe we were okay a while ago. . .and now?"  I heaved a deep sigh. "Bakit mo naman binalik ang nakalipas?! Babe matagal na 'yon,"

"Matagal pero nakamarka na rito!" Tinuro niya ang sentido niya and glared at me, then she crossed her arms.

Lumapit ulit ako sa kanya pero lumayo lang ulit siya. Napailing ako sa ginagawa niya. Bakit ba ganito ang mga babae? Kanina lang ay ang ganda-ganda ng mood tapos bigla-bigla na lang magiging ganito. Ano ba ang ki akain ng mga babae at ganito na lang kabilis mag-iba ng mood?

"I love you babe."

"'Wag mo 'kong daan-daanin sa aylabyuhan mo Zinnon ah. Hindi na 'yan tatalab sa 'kin ngayon. Naiinis ako sa 'yo! Sarap mong pilipitin kapag naalala ko ang nakita ko na naghalikan kayo ni Paige noon sa second floor. Ihampas ko sa inyo 'yong mga sirang upuan na nandoon sa bodega, e!"

"Hindi nga kami naghalikan babe!" Inis kong sabi.

"Ah ikaw pa ngayon ang galit ha?" Naniningkit na matang aniya. Nilagay niya rin ang mga kamay sa bewang na prang nanay na nanenermon sa anak na nakagawa ng kasalanan.

Napakamot ako sa ulo at malambing na nagsalita. "Babe. . .look, hindi ako galit okay? I'm just explaining that I didn't kissed her back,"

"Hindi raw? Sino niloko mo Zinnon?" Aniya. Napabuntong hininga ulit ako at hindi na lang siya sinagot. "Oh? Tatahi-tahimik ka na naman ngayon? Sagutin mo ko Z!" Galit na sabi niya.

Why do girls act like this? Kung hindi susundin ang sasabihin nila, magagalit. Kung susundin naman, magagalit pa rin.

"Babe, siya 'yong humalik sa 'kin—" she cut me.

"At humalik ka pabalik!" Singhal niya. Mas lalong bumusangot ang mukha ni Rue at mas sinamaan ng tingin. Napabuntong hininga ulit ako. Ilang ulit ko na bang nagagawa ito? Kapag magseselos siya, she will bring back that scene. Tsk.

Bigla-biglang nanumbalik ang alaalang 'yon.

—-

UMALIS ako sa room at pumuntang second floor. Gusto ko munang mapag-isa. Nang marating 'yon ay sumandal ako sa railings habang nakatukod ang mga braso ro'n.

Tahimik ang paligid maliban na lang doon sa mga lokong nag-iingay na kaklase ko. Napalingon ako ng may mga yabag akong narinig papunta sa direksyon ko. Agad akong napabalik sa ginagawang pagtanaw sa langit ng makilala kung sino 'yon.

Palapit nang palapit ang tunog ng takong nito sa direksyon ko, hanggang sa maramdaman ko ang presensya niyang nasa tabi ko na. Tsk!

"Why are you here?" I said coldly. Hindi ko siya nilingon habang sinasabi 'yon at pinapakitang wala akong interes na makausap siya o makita. I heard her giggled a bit.

"Masama na bang nandito ako sa harap mo honey?" She said using her sweet voice. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ang braso ko.

"Get off me!" Inis kong sabi sa kanya pero hindi siya nakinig. Mas lalo niyang idinikit ang katawan at hindi ko inasahang hahalikan ako nito. She caught me off guard.

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now