CHAPTER 33

17.8K 803 21
                                    

Chapter 33: Bawal

Hiro

"F*CK you, Zinnon! Kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko papatayin talaga kita!" Sinuntok ni Eziel si Z sa mukha pero hindi siya pumalag kun'di tinanggap niya lang ito.

Tsk! Nasa labas ako kanina nang makita ang humahangos at galit na galit na si Eziel papasok sa hospital, kaya napasunod ako ng wala sa oras. Alam ko na ang susunod niyang gagawin at hindi nga ako nagkamali.

Natumba si Z ng muling sinuntok ni Eziel ang mukha niya. Doon na dumugo ang labi niya. Pinatayo siya ni Eziel at ginawaran ulit nang suntok pero hindi talaga lumalaban si Z.

"Simula pa lang sana ay inilayo ko na siya sa inyo! E 'di sana hindi nasa ganoong kondisyon ang kambal ko! P*tangina mo, Zinnon!" sigaw ni Eziel at sinuntok ulit ang mukha ni Z.

"What the heck? Kambal niya si Rue?"

"Bingi ka ba dude?"

"Sh*t!"

"I knew it! May alam na rin akonpero hindi ko lang sinasabi sa inyo."

Rinig kong nagsinghapan ang mga kaklase ko sa nalamang impormasyon. Hindi nga talaga nila nahalata na kambal ang dalawang 'yon. Tiningnan ko si Gavin at wala itong karea-reaksyon, alam kong alam na rin ng gagong 'to, siya pa ba?

Nanlalaki ang mata ng iba at gulat na nakatingin kay Z at Eziel.

"Akala mo hindi ko alam ang mga pinaggagawa niyo sa kaniya? L*ntik na 'yan! Baka nakakalimutan niyong babae pa rin 'yang pinagtitripan niyong mga t*ngina ni'yo! Pinalagpas ko lahat ng 'yon. Nagpigil akong huwag kayong gawing baldadong lahat dahil sa mga ginagawa ni'yo sa kan'ya! Pinagtatakpan niya kayo! At 'yon ang hindi ko maintindihan, dahil hindi siya nagsasabi sa 'kin ng totoo! Nagsisinungaling siya dahil sa inyo!" Sinuntok niya ulit si Z.

I'll admit, guilty ako roon. Napagtripan ko si Rue at ilang beses kong gustong suntukin ang sarili dahil doon.

"Sh*t! Tulungan niyo si Z!"

"Mukhang may masisirang mukha rito ah?"

"Gago ka talaga, Cyril!"

"Buti na lang gwapo ako kahit may bangas sa mukha!"

"Pangit mo Rin! Saan banda?"

Nakuha pa talaga nilang magganyan sa sitwasyong 'to? These crazy sh*ts.

"Shut the f*ck up!" galit na singhal Gavin.

Napatahimik naman ang iba dahil sa kaniya. Si Gavin na yata ang pinakamasungit sa sectiong 'to. Well, nangunguna si Z. Walang makakatalo ro'n pero nawawala 'yon kapag kasama niya si Rue, I guess?

"Hiro. . . tumawag na tayo ng ambulansya. Mukhang baldado na si Z," bulong ni Owen.

Palihim akong natawa sa kaniya. Mukhang narinig ni Gavin kaya sinamaan siya nito nang tingin.

"Sabi ko nga hospital 'to," kamot ulong anito bago sulyapan si Gavin ng tingin.

Nailing ko ang sariling ulo sa mga kalokohan ni Owen. Tsk! Napabalik ang tingin ko sa dalawang nag-aaway na 'to. They're not done yet? T'ss. Childish.

"Ilang ulit ko na siyang pinapalayo sa inyo pero ang tigas ng kokote ng kapatid kong iyon!" Lumapit na ako sa pagkakataong iyon at sinalo ang suntok ni Eziel kay Z.

"Enough, Ziel," ani ko. Sinamaan niya ako ng tingin at marahas na binawi ang kamao niya. Tinulungan kong itayo si Z na ngayon ay duguan na ang mukha.

I want to laugh hard right into his face but I couldn't. 'Di ako makapaniwalang hindi siya lumaban para kay Rue.

Amazing.

Ngayon ko lang rin nakitang bugbog sarado ang mukha niya na halos ayaw nga niyang magasgasan. Gago talaga.

"Umalis kayong lahat dito! Kayo ang may kasalanan nito!" sigaw ni Eziel sa 'min.

Napayuko ang iba sa amin at kaming apat nina Owen, Gavin at Z lang ang nanatiling nakatingin sa kaniya.

"Dito lang kami, hanggang sa lumabas ang doctor d'yan," matigas na wika ni Gavin.

Tila nagdilang anghel naman si Gavin dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang doctor.

"Mr. Gonza," tawag nito kay Eziel.

Sinong hindi makakakilala sa kaniya, e, sila ang may-ari ng hospital na 'to.

"How's my twin, doc?" aligagang tanong agad ni Eziel.

Napatahimik kami lalo at halos hindi makahinga nang maayos. Kaba ang siyang aming naramdaman at hinahanda ang sarili sa anumang sabihin ng doctor.

"She's okay now, Mr. Gonza," pagkarinig na pagkarinig kong 'yon ay napahinga kami nang maluwag.

Para akong naalisan ng malaking tinik sa dibdib dahil sa sinabi ng doctor at tanging 'yon na lang ang nanatili sa 'king isipan. Halos hindi ko na maintindihan ang sunod na sinabi nito dahil do'n na lang napunta ang atensyon ko sa salitang okay na si Rue.

Nang matapos ang pag-uusap ni Eziel sa doctor ay hinarap niya kami.

"Ayan. Umalis na kayo. Okay na siya. Puwede na kayong magsialis!" pagalit na asik niya sa amin.

"I will stay until she wake up," ding saad ni Z sa kaniya.

"Stop messing with my sister, Zinnon!" Nagsukatan sila ng tingin.

Tsk. These two jerks. Kaya bago pa muling magkainitan sila ay pumagitna na ako. Mas mabuting agapan ang nagbabadyang apoy, baka pati kami ay masunog.

"Z, mas mabuting gamutin muna natin 'yang sugat mo. Let's go."

Akala ko papalag pa ang lokong Z na 'to pero nagpatianod lang ang gago. Magsisunod naman ang iba sa 'min. Si Cielo na lang ang gagamot sa kaniya, ayaw niyang magpagamot sa hospital. Tigas!

Pumunta kami sa bahay ni Rin at doon na ginamot ni Cielo si Z. Mayroon naman kaming mga galos pero hindi naman ganoon kalala. Si Z lang talaga ang napuruhan dahil na rin sa kagagagwan ni Eziel. Nagprisenta si Rin doon sa bahay nila dahil wala naman daw ang parents niya. Nasa other country para sa business nila.

We're here sa living room nina Rin. Kumakain ang iba at nanonood ng tv. Feel at home kumbaga. Nagluluto sina Henry at Noah sa kitchen at hindi ko alam kung ano ang niluluto ng dalawa. Gabi na rin kasi at dito na lang kami kakain. Ubos biyaya.

"So what's your plan about them?" Gavin said pertaining to those who kidnapped Rue.

"Teach them a lesson," Z answered.

Naghiyawan bigla ang mga loko dahil sa narinig. Nagsipagtigil pala ang mga ito sa mga pinaggagawa para lang makichismis sa amin dito.

"Kailan?" excited na ani Cyril.

"Arllu is dead. Sino ang tuturuan natin ng leksyon?" takang ani Owen.

He's right. Paano pa namin tuturuan ng leksyon ang isang grupo kung pilay na ito? Napakunot ang noo ko dahil parang may alam si Z na hindi namin alam. Nilaro laro nito ang cellphone na hawak at ngumisi.

"Hindi si Arllu ang may pakana ng lahat ng ito. Arman did. Ginamit niya lang ang galit ng kapatid para maghiganti sa 'kin. Tsk. Coward a*shole, "

"Laking gago nga!"

"Kapatid niya 'yon tapos gano'n? Anbilibaboool!"

"Paano pa kaya kapag nalaman niyang namatay si Allu ng dahil sa pakana niyang 'yon?"

"Lintik na Arman na 'yan!"








A S T AR F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon