CHAPTER 13

19.9K 876 55
                                    

Chapter 13: Mighty Owen

Rue



"JUST go! Rue!" sigaw ni Owen.

"Bakit mo ko sinisigawan?" kunot noo kong sagot.

Napano ba 'to? Baliw!

"Ugh! Rue!" he said it with a hint of anger.

Okay?

"Ayoko nga!" tanggi ko. Bakit ko siya iiwan dito?

Tanga na lang ata ang nang-iiwan ngayon ng kaibigan sa ganitong sitwasyon.

"Tigas ng ulo," bulong niya at napahilot sa sintido.

"Talaga," sagot ko at naka-cross arms pa.

Matunog siyang napabuntonghininga, nangangahulugang wala na itong magawa kaya napangisi ako. Sabay naming tinapunan ng tingin ang mga lalaking 'yon.

"Owen, long time no see," bati ng  mukhang adik. Ngumiti pa siya kaya kita mula rito ang bungi at bulok nitong mga ngipin. Yuck!

Nagtawanan ang mga lalaking nasa likod niya. Anong nakakatawa? Pagmumukha ba ng bossing nila? Kung sa bagay! Dakilang pangit.  Pinagkaitan 'ata ng kagwapuhan sa katawan. Kawawa naman. Napailing na lang ako.

Binilang ko sila at nasa sampu ang mga alagad niya.

"Tang*na mo, Pilip."

Ewan ko ba kung matatawa ako sa paraan nang pagkakasabi ni 'yon. Hindi mo man lang makikitaan ng emosyon. Seryoso lang siyang nakatingin sa kanila.

"May atraso ka pa sa 'ming gago ka!" galit na sabi ng maliit sa likod niya. Panget!

"So?" Owen said it with the bored look. He sighed.

"Mag-isa ka lang, sampu kami!" sabat ulit no'ng isang payat.

Tang*na! Isang ihip na lang ata at matatangay na siya ng hangin. Ang lakas ng loob humawak ng baseball bat, mas malaki pa ata 'yin sa braso niyang puro buto.

"And?" Ngumisi si Owen.

Yabang talaga nito!

"Wow may chicks ka pa lang dala?" Ngumisi ng nakakaloko ang boss nila at may pagnanasa ang paraan ng pagtingin nito sa buo kong katawan. Nakakadiri!

Nawala ang ngisi  ni Owen at napalitan ng matatalim na tingin. Hinigit niya ang kanang braso ko at itinago sa likod niya. Seryoso ka Owen?

Nasuntok ko na kayo at lahat, itatago pa rin ako sa likod? Tapos ngayon sa sampung katao na 'to itatago niya lang ako sa likod niya? Iba rin!

Palakpakan naman diyan kay mighty Owen.

"Ang ganda boss!"

"Nakabingwit ang gago!"

"Owen amin na lang 'yan!"

"Gawin naming hapunan mamaya!"

Nagtawanan silang lahat pati na rin ang boss nilang may bulok na ngipin. Malaki ang katawan niya kumpara sa mga alagad niyang kulang sa nutrisyon. Medyo may katangkaran rin kaya nagmumukhang bouncer ang pangangatawan kapag titingnan sa malapitan. Puro peklat din ang braso niya at merong pahabang peklat sa pisngi.

Wolverine is that you?

Napahagikhik ako. Hindi ko mapigilan ang sarili. Langya talaga!

"Seriously Rue?" bulong ni Owen sa akin.

"What? I can't help it..." taka kong sagot.

Mahina kong kinuwento sa kaniya ang nasa isip kaya agad kaming tumawang dalawa, sobrang lakas.

"Tama ka.  Mukha nga siyang gano'n," sang-ayon sa 'kin ni Owen.

See?

"May gana pa kayong  tumawang dalawa! Tingnan natin kung makakatawa pa kayo matapos 'tong gagawin namin sa 'yo Owen at sa babaeng kasama mo!" Humalakhak ito na parang nasa isang teleserye.

'Yong pang kontrabida talaga ang datingan pero ang sa version niya parang napilitang gunggong na tumatawa. Ang pangit pakinggan!

Anak ng p*tcha! Cool na siya no'n?

"Sa likod ka lang, Rue, " sabi ni Owen at hinanda ang sarili.

"Bakit? Ayoko nga!" Angal ko at  sinamaan siya ng tingin ng lingunin ako nito.

"Basta! Just do what I say!" utos niya.

Wow! Inuutusan na ako ngayon? Neknek niya! Ayoko ngang sumunod.

Unang sumugod ang payat dala-dala ang baseball bat niya. Tapang naman. Siya pa talaga ang nanguna ah? Baka biglang makalas na lang isa-isa 'yung mga buto niya habang sumusugod, katakot.

Lakas ng loob! May fighting spirit! Ilibs!

Papaluin  niya sana si Owen ng baseball bat pero nasalo lang 'yon ni Owen at tinadyakan siya sa tiyan.

Nge? Tulog agad? 'Yon na 'yon? Weak!

Sumugod na sila isa-isa at walang kahirap-hirap itong iniiwasan, sinuntok at tadyakan.

"Argh!"

"Owen!" sigaw ko nang mahampas siya sa likod ng isang tubo.

Hindi niya 'yon napansin dahil busy siya kakasuntok sa isang mukhang nuno sa punso. Agad kong sinuntok 'yung hunghang na may gawa no'n sa kanya.

Tinulungan ko siyang tumayo at nagkadikit ang likod namin dalawa with our fighting position.

"Hindi  ni'yo kami kaya!" Humalakhak ang boss nilang nanonood lang sa isang tabi.

"Duwag!" sigaw ko. "Bakit hindi mo kami labanan para malaman natin kung sino ang malakas!" I smirked when I saw the annoyance shown on his f*cking face.

"Mayabang kang babae ka, ah?" galit na anito. Sumenyas siya sa mga kasamahan at nakipagtanguhan ang mga ito at ngumisi.

Ang papangit!

"Oh tapos na ang warm up. Simulan na natin ang totoong laban!" sabi ng isang medyo payat ring lalaki. Pinalagutok nito ang mga kamao at leeg. Mukhang buto!

Sabay-sabay silang sumigaw at sumugod sa amin ni Owen kaya hinanda namin ang sarili.

Inambahan ako ng palo ng isang maitim na lalaki gamit ang dos por dos na hawak nito pero naunahan ko na siyang sipain sa sikmura. Napahawak siya roon at galit akong tinapunan ng tingin. I just smirked at him, mas lalo siyang napikon.

"Weak!" sabi ko at sinuntok siya sa mukha.

One down!

Kinuha ko ang kahoy na hawak ng lalaking 'yon at ginawang pangsalag sa bagong lalaking sumugod sa 'kin.

"Miss ang sexy mo ah? Dalhin kita mamaya sa langit..." Tumawa siya.

Manyak!

Matalim ko siyang tiningnan kaya bigla siyang napaatras. Scared of me? Tsk!

"Ito. . . dadalhin kita sa langit gamit ang kamao ko!" Sinuntok ko siya at tinuhod.

"Argghhh!" anito at namilipit sa sakit.

Tingnan natin kung magkakaanak ka pa! Kingina mo!

"Woah! Dude chill. . ." Napatingin ako sa gawi ni Owen ng marinig siya.

Tumatawa siya habang ang kalaban niya ay pikon na pikon sa kanya. Lukot na lukot ang mukha nito. Ano naman kaya ang pinagmamayabang niya? Tsk!

"Tang*na mo!" Sinugod siya ng kalaban na may hawak na basag na bote.

"Owen!" napasigaw ako.








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant