CHAPTER 46

15.4K 683 71
                                    

Chapter 46: The date

Rue

NAGISING ako sa ilang ulit na pagkatok sa kuwarto ko kaya napatakip ako ng unan sa ulo. Ang aga-aga naman nito, ang laking distorbo sa buhay. Kingina! Lumakas muli ang pagkatok kaya nabato ko ang unan sa pinto. Arh! Nakakainis!

"Hoy! Buksan mo 'to kakambal kong tae!" sigaw ng kuya kong pinaglihi sa tae.

"Ano ba, Eziel! Umalis ka nga r'yan, ang ingay mo! Nakaiinis ka! Gago!" sigaw ko at tumalukbong ng kumot. Sarap ng tulog ko e.

Buti na lang wala rito sina mom and dad dahil patay talaga ako kapag narinig 'yong sinabi ko sa kapatid kong luwag ang turnilyo.

Kahapon noong kinaladkad ni Hiro si Paige sa kung saan lupalop man ng outer space ay hindi ko na nakita 'to. Hindi ko na rin makita ang Paige na 'yon at nawala rin si Kuya Eziel. Tuloy ako lang mag-isang umuwi. De joke lang, hinatid ako ni Z syempre! Mawawala ba 'yan? Edi kilig ang lola niyo. Wala ng arte-arte 'yan ah.

Curious ba kayo bakit ako binubwisit ng kapatid kong 'yan? Bad terms kami dapat diba? Pero hindi na. Bati na ulit kami kasi ang saya-saya kong wala na si Paige rito. Parang gusto kong magpa-party at pakainin 'yong buong bansa dahil nawala na siya sa puder namin. Sarap sa feeling na mawala 'ying tinik sa bahay.

Ewan ko nga bakit 'yon umalis. Umiiyak 'yon habang dala-dala ang maleta. Hindi ko nga alam kung acting ba 'yon o totoo na. Basta ang nakikita ko lang na katangian niya plastic e. Wala ng makapagpapabago 'yon. Naantig na naman tuloy ng kuryosidad ang loob ko na alamin kung ano 'yong napag-usapan nila ni Hiro. Ano ba talaga 'yon? Bakit umiiyak 'yong artistang babaeng 'yon? Ay bahala na nga.

Kumatok muli  si Kuya. Ang ingay!

Late akong natulog kagabi dahil kakaisip kung kailan ko sasagutin 'yong lokong Z na 'yon. Kailan ba? Bakit kasi hindi nagtatanong 'yon e. Sana madali lang 'to. Late rin akong natulog kakaisip kung anong mangyayari sa date namin ngayon. Wait! Date? Napabangon ako bigla at tiningnan ang oras—alas otso?! Tang na juice!

Late na ako sa klase! Bumalikwas ako at tumakbo papuntang cr dala ang tuwalya. Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapagsuklay dahil sa pagmamadali. Nadatnan ko si Kuya na kumakain sa baba at prenteng nakaupo.

"Oh bumaba ka rin sa wakas. Kumain ka."

"Late na tayo! Alas-otso na!" Sigaw ko. "Tara na! Wala ng kain kain!" Hinila ko siya pero hindi ko magawa. Ang bigat.

"Tanga! Tingnan mo 'yong orasan bago ka mag-react d'yan na late ka na," sabi nito at bumalik na sa pagkain.

Napatingin ako sa wall clock at ganoon na lang ang gulat ko ng malaman ang oras.

"Ala sais pa lang?" Sigaw ko.

Napahilamos ako sa mukha. Sayang 'yong effort ko sa pagmamadali. Bwisit na alarm clock 'yon. Nakalimutan kong hindi na pala 'yon gumagana. Arh! Kainis naman oh!

"Hindi mo ba nakikita?" Pabalang na ani Kuya Eziel.

I rolled my eyes and grab some sandwich and hotdog. Naupo ako sa harap niya at masamang loob na kumain. Bwisit na alarm clock 'yon. Bakit ba kasi tumigil 'yon sa saktong-sakto na alas otso?

"Pupunta ka sa eskwelahan ng ganyan Rue ha? Ayosin mo nga sarili mo. Parang hindi kita kapatid. Sabog 'yong buhok. Parang unggoy,"  sabi nito.

Masama ko siyang tiningnan. Kakabati lang namin tapos heto siya mang-aasar  na naman. Ako? Unggoy? Asa!

Tinaasan niya ako ng kilay. Napairap naman ako.kinapa ko ang buhok. Nyeta. Hindi nga pala ako nakapagsuklay. Kasalanan 'to ng alarm clock e.

Tumayo bigla si Kuya. "Bilisan mo d'yan. Iiwanan talaga kita."

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now