CHAPTER 19

18.1K 929 99
                                    

Chapter 19: World War III

Rue

"LOOK who's f*cking here," mabosesan  ko ang taong 'yon kaya napatago ako bigla. Si Kuya Eziel!

"Oh my. . . may mga basurang kumakalat!"

"Lakas ng loob pumunta rito. Hinahamon niyo na ba kami ha?"

"Layo kayo sa mga bobo, baka mahawa tayo!"

"Mukha talaga silang basahan!"

Napakuyom ako sa narinig. Bakit ba ganito ang trato nila sa amin? Naiinis ako. Tumiim ang bagang ni Owen kaya hinawakan ko ang kamay nito at umiling. Sinalubong ko rin ang tingin ng iba at umiling din.

"Ako ang bahala!" I mouthed.

Lakas ng loob sabihing ako ang bahala e no?  Takot naman pala sa sariling Kuya. Ano bang gagawin ko? Tang*na! Threze mag-isip ka!

Tumayo na kaming lahat kaya nakita na rin ako ni Kuya. Ako ang nasa unahan ng worst section para mapigilan ang kung sinumang susugod sa star section.

Tumalim ang tingin ni kuya sa 'kin. Napapikit ako dahil narinig kong muli sa isipan ang habilin nito na huwag masangkot sa away nila.

Ano pa nga bang magagawa ko? Nakalaban ko na ang ibang star section, tiyak kilala na rin ako ng iba.

Great!

"Ikaw na naman?" Tinaasan niya ako ng kilay at malanding dumikit kay Kuya Eziel.

Yuck!

"Pake mo? Wala nga akong paki sa mala-canvas mong mukha, pagtutuunan mo pa ako ng pansin? Gano'n na ba ako kaganda sa paningin mo?" Sinabayan ko ang mataray niyang tono.

Umusok ang ilong niya dahil sa sinabi ko. Nagsipagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko kaya mas lalong napikon ang Cazzy na 'yon.

Buong section pala nila ang nandito. 25 sila samantalang 13 lang kami.

"Bakit mo pinagasasalitaan  si Caz ng ganyan?"

"Lakas ng loob! Pangit naman!"

"Pangit na nga boba pa! Baka nga siguro isang malandi rin 'yan katulad ng dating mga babaeng napapadpad sa kaklase nila!"

Nagpanting ang tainga ko sa huling narinig. My fist clenched but I managed to conceal what I feel.

"Bawiin niyo ang sinabi niyo kay Rue! Gago!" Biglang sinugod ni Owen ang lalaking nagsabi no'n sa 'kin.

Sa isang iglap ay nagkagulo na rito sa cafeteria. Nagsigawan at nagsilabasan ang lahat ng students na hindi involved kaya kaming worst section na lang at star section ang natira.

Nagsusuntukan na silang lahat at heto ako nakatayo lang at kaharap ang nakangising si Cazzy na nakadikit sa kapatid ko.

Wala man lang ginawa si Kuya Eziel sa sinabi ng classmate niya. Kainis! Kapatid ko ba talaga siya?!

Nasaan na 'yong sinabi ko kina Owen na akong bahala? Tsk! Napakawalang kwenta ko!

"Look, you're overpowered. Marami kami. Konti lang kayo,l." humalakhak ang higad.

"Numbers doesn't define how strong you are. Hindi porket marami ang section niyo ay mananalo na kayo. Mayro'n kaming pagkakaisa kaya 'yon ang gagawin naming panlaban sa inyong matatalino nga, bobo naman sa gawa!" Tinadyakan ko siya sa tiyan kaya napatilapon siya.

Bahala na kung papagalitan! Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Eziel.

"Rue! I told you not to cause trouble anymore. Ano 'to ngayon ha?" Galit na anito at pinatayo si Cazzy.

Ako pa? Ako pa talaga? Wow!

May tumilapong lalaki sa gawi ko na taga star section kaya tinadyakan ko sa mukha. Lalaban ka pa, ha?

"Seriously?" Hindi ako makapaniwalang tinuro ang sarili ko.

Biglang napapunta sa gawi ko si Owen at Cyril dahil sa tatlong kalaban nila kaya tumulong ako. Hindi ko pinansin ang baliw kong kuya. Bahala na! E 'di pagalitan niya ako, wala akong pakialam.

Inambahan nang suntok ng taga star section ni Owen pero nakailag ito at nasuntok sa ilong. Dumugo ang ilong niya kaya nahimatay. Bakla ba 'yon?

Sinuntok  rin ni Cyril ang kalaban niya at ayon tulog agad.

Worst section lang malakas!

Napansin kong sira na ang mga table at ibang mga monoblock chairs sa gilid na hindi naman ginagamit dahil pangmahirap lang daw 'yon sabi ng iba. Edi wow!

World war III na 'ata ang nangyayari ngayon!

"Gavin!" sigaw ko nang makitang inuupakan na siya ng dalawang malaki ang katawan.

Bwisit! Hahampasin na siya sa ulo ng upuan kaya agad nanlaki ang mata ko at napatakbo sa direksyon niya. Walang makakatulong na malapit sa kanya dahil hawak na ng ibang taga star section ang karamihan sa worst section.

Para ako naging si flash bigla. Ewan ko kung paano ako nakaabot sa gawi niya nga gano'n kabilis at mabilis na sinalo ang paghampas na  sa kaniya dapat.

"RUE!!!" sabay na sigaw nilang lahat.

Punyeta! Ang sakit!

Mabuti na lang at gawa sa plastic pero tang*na ang sakit ng ulo ko. Alam kong matigas ang ulo ko pero tinatablan pa rin 'to noh!

"Rue! Bakit mo ginawa 'yon?" galit na sigaw ni Gavin.

"I-ikaw na nga t-tinulungan eh! 'Kaw pa 'tong galit," ngumuso ako. Nauutal ako hindi sa kaba kun'di sa sakit na nagmumula sa ulo ko pero hindi ko 'yon pinahalata sa kan'ya.

"Are you okay?" mahina kong tinango ang ulo.

D*mn it! Nahihilo ako.

"Tama na ang drama riyan! Wala kayo sa isang nobela!" sabi ng may hawak kay Gavin.

Nagtawanan ang mga taga star section. Kaya nag-init na rin ang ulo ko. Hindi ko rin inida ang sakit sa kanang kamay ko mula sa sugat kanina. Dumudugo 'yon dahil ginamit ko sa pagsuntok at salag.

Nakawala na rin  ang ibang worst section sa pagkakahawak ng star section. Marami na ring napatumba ang kaklase ko kaya lima na lang ang nakatayo.

Si kuya? 'Ayun nakatingin lang sa malayo kasama si Cazzy, the self-proclaimed bitch! Bakit niya ako pinapabaayan dito? Nainis ako sa naisip.

Hinawakan ng isang lalaki ang buhok kaya napasigaw ako sa sakit! Langya! Masakit ang ulo ko dahil kanina.

"F*ck you!" sigaw ko.

Malakas akong tinapon na parang papel ng taga star section. Napadaing ako ng tumama ang kaliwang braso sa entrance ng cafeteria. May tumulong dugo rin galing sa ulo ko, siguro ay dahil ito kanina.

Humanda sa 'kin ang hinayupak na gumawa nito! Nasayang pa ang dugo ko!

"RUE!" Sabay-sabay muling sigaw nila.
"Rue! P*tangina mong gago ka!" Sigaw ni Gavin at sinuntok ang may gawa sa 'kin 'yon. Pinaulanan din ng iba nang suntok at tadyak ang gumawa sa 'king hayop na 'yon. Serves him right!

I managed to stand straight pero bwisit! Talo ko pa ang taong uminom ng sampung bote ng alak.

Umikot ang paningin ko at hindi na nagawang ibalanse ang katawan pero bago ako mawalan ng malay ay may taong sumalo sa 'kin.

"They will pay bigtime for hurting you Rue. I promise. . .t hey'll taste the wrath of a demon!" madiing bulong nito then everything went black.








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now