CHAPTER 24

18.3K 893 82
                                    

Chapter 24: Hanky

Rue



"AYOKO na! Gustong ko na lang mamatay!" Himihikbing sabi ko.

"Roro stop crying. . .huwag mong sabihin 'yan," niyakap niya ako para patahanin.

"Gusto ko nang umuwi! Salbahe siya Dey-dey!" Sumbong ko sa kanya at umiyak pa ng todo.

"S'hhh tahan na. Nandito lang si Dey-dey para sa 'yo, hindi kita iiwan." Anito at mas hinigpitan ang pagkakaakap sa 'kin.

"H-hey  are you alright?" Napabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Z. Doon na ako napaiwas sa mga mata niyang nakatitig sa 'kin.

"Yeah,  I-I'm okay.  Don't worry. Ikaw na magpunas ng pawis mo." Inabot ko sa kanya ng hindi nakatingin ang panyong binigay  niya sa 'kin at kinuha niya naman ito.

Bakit bigla kong naalala 'yon? Napailing ako at paulit-ulit na sinasabi sa sariling kalimutan na 'yon.

"Then. . .why are you. . .crying?" Mabagal na pagkakasabi nito. Doon ko na siya nilingon at kunot noo tiningnan.

"What? I'm not cryi—" naputol ang sasabihin ko nang makapa ang mga butil ng luha sa pisngi ko.

"Yeah you're not," He sarcastically said while nodding his head. "Here use this. . again," He handed me his hanky and avoided my gaze.

"T-thanks," I stammered.

Pinahid ko 'yon sa luhang dumaloy sa pisngi.

What the hell happened  to me? Tsk!

"Just...just stop cryin' okay? Whatever problems you have right now, just...nevermind," napatawa  ako kaya napatigil siya at nilingon na ako.

"Why are you being so kind all of a sudden? You hated me right?" Prangkang wika ko at pinakatitigan siya.

Excuse me he's Zinnon the great who play pranks on me and hated me so much in my first day here ni HA. Why on earth he's like this in just a snap?

"Hmm? May batas bang huwag maging mabait?" Ngumisi siya kaya napatawa ako. He didn't answer my question directly. I just shrugged, iling na ngumiti habang nakatingin sa mga kaklase kong naglalaro ng billiard.

"Wait, wala ba tayong klase?" Biglang sabi ko nang maalala.

"Nah! Merong meeting ngayon, so don't worry." Nilingon ko ulit siya ng tumawa na naman 'to. "Why?" tanong niya pero hindi pa rin sa 'kin ang paningin.

"Ngayon lang kitang... nakitang tumawa. Kanina pa 'yan." I said frankly. Bakit ba ako magpaligoy-ligoy pa? Mas mabuting maging prangka. Tsaka totoo naman talaga. Palagi lang siyang nakangisi o 'di kaya seryoso. Minsan buong araw na nakakunot ang noo.

"You're always watching me huh? I'm just happy 'cause I realized something," anito.

"Ha? Something like?" Intrigang tanong ko.  Mapagkakamalan na akong chismosa nito. P*nyeta.

"Nothing," pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay tumayo na ako.

Napatigil ako sa paghakbang ng biglang umikot ang lahat. Sh*t!

"You alright?" sabi ni Z habang nakaupo pa rin ito.

Hindi ko siya sinagot dahil parang mabubuwal na ako sa kinakatayuan.  Hindi  pala ako natulog kakaiyak at hindi rin kumain kagabi at kaninang umaga. Sabay pang napagod ako ng husto  kakalinis sa second floor ng building naming abandunado.

"Y-yeah," sagot ko. Napahawak ako sa sintido at hinilot-hilot 'yon. Sa oras ring 'yon ay  hindi ko na kinayang ibalanse ang katawan kaya natumba ako.

"Liar!" bulong niya sa tenga ko ng matapos na masalo ako. Biglang  umarangkada sa pagtibok ang puso ko nang madama ang init ng hininga ni Z mula sa tenga ko. Marahas akong napalunok dulot ng naramdaman.

Tila nawala ang hilo ko na kani-kanina lang ay nagpapahina sa buong katawan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gayon na lamang ang epekto nito sa sistema ko.

"Anong nangyari  kay Rue?"

"Buntis siya?"

"Gago!"

Gusto kong batukan ang nagsabing buntis ako. Tang na juice!  Ano 'yon? Tinamaan ako ng humahagibis na hotdog sa daan ng hindi ko alam and then boom, buntis? The f*ck!

Dahil walang  upuan sa loob ng danceroom na 'to ay inakay ako ni Z doon sa gitna kung na saan ang bilyaran. Inikot nila ito para maging mesa para makaupo ako ng kumportable sa ibabaw no'n.

"Here," inabot ni Z ang isang bottled water kaya tinanggap ko ito ng walang pag-aalinlangan at ininom.

Napaangat ako ng tingin kaya nasalubong ko ang mata nitong seryoso lang na nakatitig sa ginagawa ko. Nabaling din ang tingin ko sa ibang kaklase ko. Napangisi ako nang makitang puno ng pag-alala ang mukha nilang lahat.

"I'm okay don't worry, pagod lang talaga ako and who the f*ck said that I'm pregnant? The hell?" Tinaasan ko silang lahat ng kilay, naghihintay na may umamin sa kanila.

Nahawi bigla ang pagkakakumpol-kumpol nila sa harap ko at gumawa ng daan. Hayop! Nasa dulo 'yong salarin, napapakamot pa ito ng ulo at nagpepeace sign ang loko.

"CYRIL!"

"He-he peace  tayo Rue..."

"P*nyeta kang bubuyog ka! At saan mo namang nakuha na buntis ako? Likot ng utak mo!"

"Diba it's a common sign of pregnancy? You know teenagers nowadays. Nagsusuka. Dizziness...like that-woah woah! Easy," Napatakbo siya sa pintuan nang hinagis ko ang sapatos ko sa kanya. Sayang hindi nasapul sa mukha. Magaling umiwas.

Nagtatawanan ang buong worst section kasama si Zinnon. Tinaasan ko silang lahat ng kilay kaya napatahimik bigla.

"Langya! Hindi nga ako buntis! May nakita kayong umaaligid na lalaki sa 'kin?"

"Kami?" Sagot nilang lahat at tinuturo pa ang mga sarili.

"Except sa inyo! Kapal naman," asik ko.

"Si Eziel!"  Biglang sabi ni Rin.

"What?" Sabay naming react ni Zinnon kaya nagkatinginan kaming dalawa at ako na ang unang bumawi ng tingin.

Gusto  kong tumawa nang tumawa sa harap nilang lahat pero baka ipagtaka naman nilang lahat 'yon. Ayaw pa naman ng dakila kong Kuya/kambal na may makilala sa kanya especially the worst section. Until now, I don't know what's his real reason for this secret thingy.

Matatanggap  ko pa ang magiging reaction ko dahil syempre Kuya ko ang sinasabi nilang umaaligid sa 'kin pero 'yong kay Z na ganoon siya makareact? Tsk! What's with him?

"Si Eziel?"

"Bakit naman siya aaligid kay  Rue?"

"Gusto niya ba 'to?"

Napataas ang kilay  ko sa narinig. Kung alam niyo lang lahat.

"He's not," usal ko.

"Ha?" Nasapo  ko ang noo dahil sa kanilang lahat. Bumabagal ata ang learning process nilang lahat.

"Bahala kayo diyan,"  tatawa-tawang saad ko. Inulan na nila akong ng mga tanong at tawa lang ang sagot ko. Grabeng mga deduction ang ipinamalas nila. Out of this world!








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionWhere stories live. Discover now