CHAPTER 10

20.6K 951 70
                                    

Chapter 10: Kuya

Rue



NANG marating ko ang shower room ay sinugurado kong na-lock talaga ang pintuan. Baka masilipan ako at makita ang sexy kong katawan. Mahirap na!

Halos kulang ang isang sachet ng shampoo sa buhok ko! Tang na juice!  Bakit ayaw bumula? Nagmistulang pinturang puti ang tubig na umaagos pababa sa paa ko nang makita ko ito.

Seriously?

"Ilang kilo ba lahat nang nabato nila sa 'kin? Kaasar!" Napapadyak ako sa ilalam ng shower kaya muntik na akong madulas sa katangahang ginawa ko.

Aish! Kinuskos ko nang kinuskos ang mga harinang dumikit sa katawan ko. Mukha ba akong pizza?

Makalipas ng ilang minuto ay malinis na ako kaya nagbihis na ako sa dala kong grey na jacket, itim na pants at puting snikers.

I tied my hair up, a messy bun. Wala nang suklay-suklay at make-up. Hindi naman ako marunong maglagay ng mga kolorete sa mukha.

Natural ang beauty ko 'no!

Dahil nagutom  na naman ako ay pumunta ako sa cafeteria. Ewan ko pero bakit nakatingin na naman silang lahat sa akin? Am I that beautiful? Sus!

"Set B," agad kong sabi dahil kusang humawi ang pila nang makita nilang lahat ako.

It's kinda werid, I guess? May nakahahawa ba akong sakit sa paningin nila kaya ganito silang lahat?

Sa pagkakaalam ko ay isa pa lang akong estudyante ng Hades Academy, kailan ba ako nag apply bilang isang celebrity? Hindi ko matandaan.

"Siya 'yan?"

"Oo..."

"Basagulera raw 'yan!"

"Mukha nga. . . ang yabang ng mukha!"

"Bakit siya narito? Bawal sila rito, 'di ba?"

Ayan na naman sila. Ano na naman bang bawal-bawal ang pinag-uusapan nila? Bawal makabili? E, nakabili na nga ako, oh! I just rolled my eyes at iniwan ang nagbubulungan doon.

P*tcha! Mga walang magawa sa buhay!

Pati buhay ng may buhay  pag-uusapan. Tsk!

Humanap ako ng hindi akupadong mesa pero wala akong makita. Saan ako nito kakain? Malas!

Ah! Doon na lang sa building namin. Nagmamadali akong lumabas dahil baka maabutan na naman ako ng star section na pinagsasabi nila. Pero mapaglaro talaga ang panahon, 'di ba? Nakasalubong ko pa sila, hindi lang lima o anim. Buong section!

Dahil bigla na lang sumulpot ang taong nasa unahan ay hindi ko napigilan ang paggalaw ng katawan ko na naging dahilan para mabunggo ko 'yong nasa unahang lalaki.

My eues widened nang makitang nasa sahig na iyong mga binili kong pagkain. Naman,oh!

Trouble again, Rue!

Gusto kong pagalitan ang sarili pero hindi ko magawa. Pinulot ko ang nalaglag na tray at pinabayaan na lang 'yong laman no'n, alangan namang kunin ko 'yon isa-isa, 'di ba? Hindi ko naman makakain. Sayang lang! Sayang talaga!

Sayang 'yong pera ko!

"What the f*ck? Bulag ka ba o  tatanga-tangahan lang? Look at my uniform!" Pamilyar ang boses na 'yon kaya napaangat ako ng tingin.

Nanlaki ang mata naming dalawa ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ng isa't isa.

Kuya?

Me and the Worst SectionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt