CHAPTER 27

17.8K 828 11
                                    

Chapter 27: Missing

Gavin



"GAV what's wrong?" Hiro said. Tiningnan niya ako at kinunutan ng noo.

Napatingin sa 'kin ang iba at kinunotan rin ng noo. Tiningnan ko sila isa-isa and have a deep sighed.

"Where's Z?" Tanong ko at hindi sinagot ang tanong nila sa 'kin.

"I don't know. Hindi ko siya nakita kanina pa," Hiro replied.

"Kilala natin 'yon, ugali niyang huwag pumuta sa mga ganito." Tumawa si Owen pero nawala 'yon ng makita ang mukha ko.

"Sharing is caring," makahulugan ani Rin.

Sa pagkakataong iyon ay nagtinginan ulit kaming lahat. Lumapit sila sa 'kin na para bang alam na nila na magkukwento talaga ako. Seryoso akong sumulyap sa malayo kung nasaan ang isang lalaking pulos itim. Kunwaring hindi ko siya nakita at ibinalik ang tingin sa mga kasama.

"Someone's been following us." Direktang saad ko. Nagsinghapan silang lahat. "Nakasunod 'yan sa 'yo kanina Cyril.Huwag kayong lilingon. Mahahalata niya tayong alam na natin kapag ginawa niyo 'yon."

"What the f*ck? Kanina pa pala? Hindi ko 'yon napansin!" Gulat na ani Cyril.

Knowing Cyril, baliw man 'yan minsan pero nakakaramdam din 'yan. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ito napansing nakasunod sa kanya. Pero malakas ang kutob kong magaling magtago ang lalaking sumusunod sa kanya ni hindi niya man lang maramdaman ang presensya.

"We should act like we don't know anything." Tumawa si Hiro kaya nagsipagtawanan din kunwari ang iba.

Nakikipagpakiramdaman lang kami. At parang walang nangyari o nalalaman.

"Dapat nating sabihin kay Z 'to," ani Owen at tumayo.

"He knew it already," Hiro said while reading a text message in his phone. Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa niya at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tiningala siya ni Rin dahil tumayo na ito at nakaupo pa rin kami. Ganoon din ang ginawa namin.

"Gonna beat some ass out," he nodded his head na para bang inaaya kami.

"Ayos!"

"Excercise na naman tayo!"

"Woohhh!"

Tsk! Napailing ako sa kanilang tinuran.

"Teka! Si Rue pala!" Biglang saad ni Cyril.

"Oo nga pala!"

"Diba bumili lang ng tubig natin 'yon?"

"Oo nga, bakit ang tagal?"

"Gago! Baga nabigatan 'yon kaya gano'n!"

"Bakit kasi hindi sinamahan?" Ani Charles.

"Ugok! Ayaw nga kaninang magpasama. Bingi ka ba?" Binatukan siya ni Noah.

"Sorry hindi ko narinig! Nagcecellphone ako e!" Sigaw din ni Charles.

"Ba't ka naninigaw diyan ha? Pwede namang idaan sa mahinahon na usapan ah!" Galit na sigaw ni Noah.

Nagkatinginan kaming lahat at napataas ako ng kilay. Problema ng dalawang 'to? Maliit lang na bagay nagkakainitan? What the heck?

"Woah easy dudes. Easy," pigil ni Owen sa dalawa. Pumagitna siya sa kanila at inakbayan ang mga ito na nagtatapunan ng mga masasamang tingin.

"Tsk!" Padabog na inalis ni Noah ang kamay ni Owen na nakaakbay sa kanya.

"Pwede kalimutan niyo muna 'yang problema niyong dalawa, kung ano man 'yan! Hindi ngayon ang oras para pagtalunan ang ganyan!" Inis na sabi ko sa kanilang dalawa. "Owen, tara hanapin muna natin si Rue bago turuan ng leksyon ang taong nagmamanman na 'yan."

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon