Ikatatlumpung Pahina

34K 836 93
                                    

IKATATLUMPUNG PAHINA

"Si Kylie.. nakawala siya sa headquarters. My people can't detect where the hell she is. I'm sorry." Naka-tiim bagang na saad ni Black.

Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Tanginers! Bakit ba hindi matapos-tapos ang problema namin? Hanggang ngayon ba ay nasa climax pa rin ako ng labstory namin?!

Nakaramdam ako ng kirot sa puson ko. "Argh!"

Mabilis na naglapitan sa akin ang anim. "Are you okay, sweetheart?"

"Do we need to call the hospital, sweetie?"

"Anong nararamdaman mo, kikibells?! Tangina sagot! Pinapakaba mo ko!"

Imbes na sagutin sila ay natawa ako. "Mga siraulo kayo, okay lang ako." Nakangiting wika ko.

Hinatid na nila ako hanggang sa kwarto ko mismo. Mukhang hindi talaga sila mapalagay sa balita ni Black. I just sighed at napatingin sa kisame ng kwarto ko. Hanggang kailan pa ba ang pagsubok na 'to? Can I just get my happy ending? Bakit parang ang hirap hirap namang mangyari 'nun?

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa dami ng iniisip ko. Nagising na lang ako na may humahaplos sa mukha ko at sa umbok kong tiyan.

Pagmulat ko ng mata ay si Tyler agad ang nabungaran ko. Alam ko na siya 'yun dahil his light violet eyes always captivates me. Kilala na rin siya ng puso ko kaya kahit nakapikit ay alam ko kung sino si Tyler at si Tyron.

Inalalayan niya akong sumandal sa kama ko. Doon ko napansin si Tyron na hinahaplos ang tiyan ko at kinakausap ang baby.

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Ang sarap sigurong magising sa ganitong tanawin.

"Ang aga niyo naman. Saan kayo natulog?"

"Humingi kami ng permiso kina Sister na dito muna matulog. Sa sala kami lahat natulog." Napabuntong hininga siya. "I don't want to leave you here, sweetheart. Hindi kami mapalagay sa kalagayan mo kung malayo ka sa amin."

Napapikit ako ng maramdaman ko ang init ng yakap niya. "I—I can't lose you. Not now, not ever."

Naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko at indikasyon 'yun na umiiyak na si Tyler. Hinayaan ko lang siyang mailabas ang nararamdaman niya. Hindi naman ako mawawala. Hinding hindi ko na sila iiwan.

Nagtagal din kami ng trenta minutes sa kwarto ko bago namin napagpasiyahan na lumabas na. Inalalayan ako nina Tyler at Tyron hanggang sa kusina. Nakita ko na nandoon sina Roleen, Lucas, Black at Vladimir. As usual, nagbabangayan na naman sina Lucas at Roleen.

"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanilang lahat.

Tumango lang sa akin ang tatlo. Habang si Roleen ay nilapitan ako at niyakap.

"Good morning, kikibells! Kamusta ang tulog mo? Fresh na fresh ka kahit umaga ha! Siguro nag-quick—"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Roleen. Tanginers ng babaeng 'to, wala talagang patawad ang bibig. "Hoy! May mga bata, mag-lie low muna 'yang bunganga mo."

Nag-peace sign siya sa akin. "Ay sorwi, kikibells! Ay upo kana pala. Nagluto sina sister ng masarap na masarap na breakfast. Sabi ko nga tutulungan ko na sila kaso ayaw nilang pumayag. Tapos ang kulit ng mga bata rito, parang hindi nauubusan ng energy—"

Hindi na natuloy ang sinabi niya dahil pinasakan siya ng tinapay ni Lucas. "Ang ingay mong babae ka. Ikaw ang hindi maubusan ng energy."

At hayun, nagbangayan na naman ang dalawa. Napailing-iling na lang kami at hindi na sila pinansin. Mukhang nangangamoy ng..

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon