Ikalabimpitong Pahina

43.2K 996 181
                                    

IKALABIMPITONG PAHINA

"Mahal ko kayo.." I whispered. Pero, sapat na 'yun para marinig nila.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi sila sumasagot pero ayos lang. Nasa leeg ko pa rin ang mga mukha nila. Hinayaan ko lang silang kumalma.

Pag-uwi namin sa bahay ay mabilis nila akong hinatak doon sa kwarto namin.

They made me sit in the couch at nasa harap ko silang dalawa.

Both of them looked exhausted pero sobrang gwapo pa rin nila para sa akin.

"Chienne, are you sure that you are in love with us?" Tyron asked.

Medyo nasaktan ako kasi parang nagda-doubt sila sa feelings ko. Noong una ay todo deny ako sa nararamdaman ko pero noong nakita ko si Lucas na gago, doon ko napagtanto lahat.

Marahan akong tumango at ngumiti ng tipid. "Oo, mahal ko kayo.."

May sasabihin pa sana sila pero I hush them to shut up.

"Noong una ay hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Dine-deny ko rin ang feeling ko sa sarili ko dahil natatakot ako. Natatakot akong mahusgahan ako at ang pamilya ko." I took a deep breath. "Loving both of you is okay for me pero sa mata ng iba, napaka-immoral 'nun at lalabas na napaka-landi ko kasi dalawang lalaki ang gusto ko."

I took their hands. "You don't have to answer my three words and eight letters, just let me show you how much I love you. Hindi niyo kailangang madaliin.."

"Sweetheart, I want you to sort your feelings." Ouch huh. "We don't want the past to repeat itself now. Are you sure that you are in love with both of us?"

Natahimik ako at hinayaan lang siyang pagsalita. "If you're going to love one of us, you need to love the other too. Our bond is too strong at hinding-hindi namin pagpapalit ang isa't isa para sa isang babae. When my brother is in pain, I am too.." Mahabang litanya ni Tyler.

"Well, to simply put things up, sweetie, we are like a buy one, take one product." He jokingly said. "You cannot get the other one and then discard the other."

Pagkatapos nilang sabihin 'yun ay iniwan na nila ako sa malaking kwartong 'to.

I sob. Bakit ba wala silang tiwala sa akin? Sigurado ako sa nararamdaman ko pero parang alam na alam nila na taliwas ito sa totoo.

'Yung mahihinang hikbi ko ay pumuno sa tahimik na kwartong 'to. I feel empty now na wala sila sa tabi ko.

Why can't they trust me?!

"Ang gago ninyo! Ano 'yun mas alam pa nila ang feelings ko kaysa sa akin? Tanginers ah!"

Napahagulgol ako. Marami akong na-realize sa araw na 'to at isa na doon ang mahal ko sila. Silang dalawa nina Tyron and Tyler. It took me a lot of time pero sigurado ako doon.

Noong makita ko si Lucas kanina ay na-realize ko na hindi ganoon kalalim ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. 'Yung sakit na naramdaman ko noong nakita ko siya na may kasamang iba ay dahil natapakan ang ego ko bilang babae. Sa ganda kong 'to, nakuha pa niyang maghanap ng iba. Tanginers talaga ang gagong 'yun.

He used to be gwapo in my paningin pero kanina para na siyang isang simpleng netizen sa mata ko.

Gustong-gusto kong puntahan silang dalawa para yakapin pero jinudge nila ang feeling ko. Mas masakit pa 'yun kaysa noong nakita ko ang ex ko na may ka-pull and push sa kwarto ko.

"Kung ayaw niyo, edi huwag." Humihikbing saad ko. "Tanginers ninyo!"

----------

Morning came, hindi ako masyadong nakatulog. Silang dalawa lang ang laman ng puso't isip ko kagabi. Iniisip ko kung paano ko maipapakita sa kanila na totoo ang sinasabi ko.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now