Ikasampung Pahina

52.1K 1.1K 90
                                    

IKASAMPUNG PAHINA

Isang linggo ang matulin na lumipas. Nakitira muna ako kay Roleen dahil nga ginawang hideout ng mga reporters ang bahay ko. Hindi na sila napagod kakahintay sa akin.

Isang linggo na rin akong hindi ginugulo ng kambal at kahit papaano na-miss ko sila. Pero ang hindi ko maintindihan ay lagi nilang pinapapunta ang driver nila na si Mang Kardo rito para tulungan ako sa paga-apply.

"Good morning, Reina!" Masiglang bati nito sa akin pagkabukas ko ng pinto. Sinuklian ko rin ito ng ngiti.

"Pasok po kayo Mang Kardo." Iginaya ko ito papasok at pumunta ako sa kusina para ipaghanda siya ng kape.

"Naku, Ma'am, hindi niyo naman po kailangang gawin 'yan. Naabala ko pa tuloy kayo." Saad nito ng ilapag ko ang kape sa harap niya.

Umiling iling ako. "Naku! Maliit na bagay lang po 'yan. Tsaka hindi niyo naman po ako kailangan ihatid lagi sa paga-applayan ko. Napapagod pa tuloy kayo."

"Utos po ito ng mga young masters, Ma'am. Bukal sa loob kong tatanggapin ang trabaho." May ibinigay siyang paper bag nanaman sa akin. "Pinapabigay po pala ulit sa inyo nina Sir Tyler at Tyron."

Napailing na lang ako. Nagpaalam na ako kay Mang Kardo na maghahanda na para sa interview ko ngayong araw.

Actually, sobrang frustrated na ako sa mga interviews na ito. Tanginers lang nila ha! Hindi ba nila alam na kabawasan sa kanila ang hindi pagkuha sa magaling at magandang tulad ko?

Napasimangot ako. Sa loob ng isang linggo, mahigit 40 na ang kumpanyang na-applayan ko at higit sa bente na ang nag-interview sa akin pero kahit isa walang tumanggap! Lagi na lang nilang sinsabi na "We will call you, Ms. Pendragon."

Eh tanginers na 'yan! Mga paasa sila bwiset! Kung ayaw nila sa akin ay sabihin nila. Hindi 'yung pinapaasa nila ako. Tuwing may tatawag sa phone ko akala ko isa na 'yun sa mga kumpanyang napag-applayan ko pero hindi! 'Yung nagbabantay lang pala sa bahay ko.

Kinuha ko na ang corporate attire na ibinigay na naman sa akin ng kambal. Maliban sa pagpapadala nila kay Mang Kardo, lagi nila akong binibigyan ng damit. Noong una ay hindi ko tinatanggap pero pinadalhan ako ng sulat ng kambal na sesesantihin si Mang Kardo kapag hindi ko tinanggap.

Nag-ayos na lang ako dahil malapit na akong ma-late. Isang oras na lang bago ang interview ko. Dalawa ang kumpanyang pupuntahan ko ngayon kaya kailangan 'yung walang hulas ang make-up ang gagawin ko.

Mabilis ko lang natapos ang make-up ko dahil hindi ko naman talaga kailangan ng maraming muk-ap dahil maganda na ako. Sabi ng Tatay ko kaya walang kumo-kontra kung hindi ipapahabol ko sila ng itak kay tatay.

Tinignan ko ang buong ayos ko sa salamin. Nang masiguro kong presentable na ako ay pinuntahan ko na si Mang Kardo.

Nauna ng umalis si Roleen dahil may tinatapos siyang statements ngayon. Siguradong hindi magkauga-uga ang accounting department dahil malapit na ang monthly reports ng mga statements.

Pinagbukas ako ng pinto ni Mang Kardo at umalis na kami. Sinabi ko sa kanya ang kumpanyang paga-applayan ko at ibinaling ko na ang atensyon ko sa labas.

Ilang sandal pa lang ay nakarating na kami sa kumpanya. Mabuti na lang at hindi ako late.

"Pakihintay na lang po ako, Mang Kardo. Medyo matatagalan lang po ako rito. Alam niyo na, interview. Kailangan ko na po talaga ng trabaho kaya gagalingan ko rito."

Umakyat na ako sa 5th floor dahil doon gaganapin ang interview. Nakita ko ang isa sa mga magiging karibal ko sa pwesto. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Hmp!

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now