Ikasiyam na Pahina

54.9K 1K 56
                                    

IKASIYAM NA PAHINA

Una akong hinatid ng kambal sa bahay ko pero punong-puno pa rin ng mga nakatambay na reporter ang harap nito.

I sighed. Hindi pa rin pa ba sila napapagod? Daig pa nila si Lucas ah! Mas nahintay pa nila ako kaysa doon sa tanginers na gunggong na 'yun.

"Pwede bang sa bahay na lang ni Roleen niyo ako ihatid?" I kindly asked them.

Nakakahiya na. Paniguradong late na sila sa emperyo nila. Ang pangit tignan noon. Dapat ang mga CEO ang maging good example sa mga empleyado nila.

Ngumiti naman si Tyler at sinabihan ang driver na iliko ang sasakyan at ihatid na lang ako sa bahay ni Roleen.

"Nangyari na ba na na-inlove kayo sa iisang babae?" I suddenly blurted out again.

Ay tanginers na bunganga ang mayroon ako.

Napansin ko na nanahimik silang dalawa at nagkatinginan. Humugot ng malalim na hininga si Tyron. Nawala na ang maloko nitong expression at napalitan ng seryoso.

"Yes. It happened once.." Mahinang anas nito. Para bang ayaw niyang iparinig sa akin ang sagot.

I sighed. "Huwag niyo ng i-kwento. Wala naman akong karapatang malaman 'yung parte na 'yun ng buhay ninyo." I smiled to assured them that it's okay.

But in reality, it's not. May naramdaman akong kirot sa puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Noong huli ko itong naranasan ay 'nung nakita ko si Lucas na may ka-churva sa kwarto ko.

Buong biyahe papunta sa bahay ni Roleen ay tahimik lang kaming tatlo. Nagpapakiramdaman.

I don't know kung bakit ko naramdaman 'yun. Dapat hindi eh! Nahuhulog na ba ako sa kanila? It can't be. Paano na ang three months rule?! Napasimangot ako.

Imposibleng inlove na ako sa kanila. Kakakilala pa lang namin. Baka crush lang. Tama, crush lang ang nararamdaman ko para sa kanila. As in, paghanga.

"Nandito na po tayo, Ma'am.." Magalang na saad ng driver.

Napapalatak ako. Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami. Sobrang dami kong iniisip. I sighed.

"Thank you, Tyron and Tyler.." Nakangiting usal ko para matakpan ang mga gumugulo sa utak ko.

They smiled at me. Pinagbukas ako ng pinto ni Tyron. I waved my hand at them habang paalis sila.

Kailangan ko ng makipag-usap kay Roleen kung hindi masisiraan na ako ng bait sa kakaisip.

Mukhang umalis na siya para sa trabaho kaya pumunta ako doon sa may paso. May secret compartment sa baba 'nun at doon nakalagay ang susi ng bahay niya. Ako at siya lang ang nakakaalam 'nun.

Pumasok na ako. Sanay naman na kaming makikita ang isa't isa sa bahay namin. Alam din niya kung saan ko itinatago ang susi ng bahay ko.

Pagpasok ko ay napapalatak ako. Sobrang kalat ng bahay niya! Daig niya pa ang fashionista at mga model sa dami ng mga damit na nakakalat sa sala.

Itinali ko ang buhok ko at sinimulan ko ng maglinis. Kaysa naman sa mabulok ako sa kakahintay sa kanya, lilinisin ko na lang ang bahay niya. Para rin mawala ang mga kung ano-anong isipan sa utak ko. Kailangan ng utak ko ng space.

Sinimulan ko ng linisin ang bahay niya. Napapangiwi pa ako tuwing maiisip ko na nililinisan lang ni Roleen ang bahay niya tuwing day-off niya. Which happens every Saturday and Sunday. Ibig sabihin marumi ang bahay niya for 5 days!

Inabot na ako ng miryenda sa kakalinis ng bahay niya. I feel so satisfied habang nakatingin sa malinis na tanawin.

Naligo na ako at naghanda ng hapunan para sa amin. Salted egg chicken wings lang ang pinrepare ko para sa dinner naming dalawa. Dinamihan ko na para kahit para may makain siya sa susunod na araw.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now