Ikalabing-apat na Pahina

48.6K 1K 269
                                    

Happy father's day sa lahat ng mga tatay at tumayong tatay! Happy father's day din kay Lord God. Have a blessed day, everyone!

IKALABING-APAT NA PAHINA

"Anong ginagawa ninyo de-putang tanginers na animal kayo sa pamamahay ko?" High-pitch na sigaw ko. Litaw na 'yung litid ko at siguradong narinig ako nina Tay.

"Hi, sweetie.."

"Hello to you too, sweetheart.."

Nakangisi silang nakatingin sa akin habang nakasandal sa limo nila. Feeling gwapo sila. Pero, kingina ng mga kapitbahay namin ah! Ngayon lang ba sila nakakita ng naka-suit and tie at limo? Tanginers! Kitang kita ko kung paano naglaway lahat.

Nakita ng gilid ng mata ko na humahangusngos na lumapit sa amin si Tay, Azil, Kuya at Ma.

"Anong nangyayari dito, Ale?" Sabay sabay na wika nila.

"Tang-gala!" Sigaw ni Azil. "Sila 'yung naka-chukchak mo, Ate!"

"Oh tapos?"

"Wala lang. Just saying. Balik na nga ako." Nagdadabog na saad nito at hinila pa si Kuya.

Umalis sa pagkakasandal sila Tyron at Tyler at lumapit sa amin. Napatingala tuloy ako.

"Anong maitutulong namin sa inyo, mga hijo?" Malumanay na tanong ni Ma.

"Ma! Anong maitutulong? Bakit sila kailangang tulungan! Ang tanda tanda na nila, kaya na nila mga sarili nila." Nakasimangot na saad ko.

Binatukan ako ni Tay. "Kaya mababa ka sa GMRC 'nung bata, eh! Tawag diyan hospitality, Alejandra. Duh!" He even rolled his eyes! Emegerd!

"Oo, Tay. Pagkatapos ko silang bugbugin ay sa hospital ang bagsak nila."

Hindi ako pinansin ng Tay, bagkus ay pinapasok niya pa 'yung dalawa. Pinaupo muna ni Tay sina Tyler at Tyron sa sofa namin. Mabuti na lang pala at nakapag-utang kami ng sofa set.

Nakasimangot na sumunod ako sa kanila. Bumalik ako sa kinakain ko pero rinig na rinig ko pa rin ang usapan nila.

"Anong gusto ninyo, mga hijo? Coffee, tea or Chienne's keps?"

Ay ang balahura talaga ng pamilya ko! "Ma! Ano ba 'yang ino-offer mo?!"

Narinig kong tumawa yung kambal. Mabulunan sana sila at ma-comatose. Hindi pa sila pwedeng mamatay 'no. Kailangan nilang magkalat ng lahi kasi sayang ang genes nila.

Ang unfair nila huh! Bakit 'nung si Lucas ang dinala ko rito ay hinabol siya ng itak ng Tay samantalang 'yung dalawang tukmol ay daig pa ang Presidente sa dating nila. Biased ang pamilya ko!

Hindi ko na lang pinansin ang usapan ng Ma, Tay at ng kambal. Nayayamot ako sa kanila ngayon. Parang hindi nila ako nakitang umiyak ah. Umingos ako at tinapos na ang pagkain.

Pagkatapos ay naghugas ako. Hindi ko na nabilang kung ilang beses kong sinabon at binanlawan ang pinggan ko. Gusto ko kasi paglabas ko rito ay wala na sila.

Pero, malas ata ang dating ng kambal sa akin. Trenta minutos na akong naghuhugas ng isang pinggan pero hanggang ngayon ay hindi pa sila umaalis sa amin. Rinig ang tawanan nilang apat sa buong kabahayan.

I sighed at nilagay na sa drying rack ang isang pinggan. Nagpunas na ako ng kamay at nagpasyang umakyat papunta sa kwarto ko.

Tinawag pa ako nila Ma at Tay pero inirapan ko lang sila. Pinili kong magkulong sa kwarto.

Ang unfair unfair ng panahon! Kung kailan ko sinusubukan na mag-move on sa pagkagusto ko tsaka sila babalik? Tanginers nila! Ang kapal ng mukha na magpakita sa akin matapos makipag-pull and push sa Miss Universe na 'yun.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora