Ikadalawampu't anim na Pahina

31.9K 858 121
                                    

IKADALAWAMPU'T ANIM NA PAHINA

"Oh em gee!" Emerged. Emerged! Para akong hihimatayin sa sobrang excitement.

Natawa si Doc Shine sa inasal ko. Hinayaan ko na lang siya dahil sobrang saya ko talaga ngayon. Aside sa kaalamang healthy ang anak ko, nalaman ko rin kay Doc na.. napaka-gwapo ng anak ko! Tanginers sizt! Manang mana sa akin kahit di ko pa pinapanganak. From head to toe, pak na pak ang anak ko! So yamiii, like mamee!

"Chienne, relax ka lang. Inhale, exhale. Huwag masyadong excited. Baka mapaanak ka ng wala sa oras."

Napasimangot naman ako. Panira naman 'tong si Doc oh! Pero ako namang si tanga, sinundan ko siya noong pina-inhale and exhale niya ako.

It's been months simula ng umalis ako sa metro. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ako napadpad pero nakatulong ito sa sarili ko.

"Sige na, bumalik ka rito sa susunod na dalawang linggo ulit."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam na kay Doc. Pag-alis ko sa clinic niya ay napabuntong hininga ako.

Miss ko na sila pero hindi pwede. Miss ko na sila pero siraulo pa rin sila. At sobrang gaga ko dahil miss ko na sila.

Hinawakan ko ang umbok kong tiyan. Maraming nangyari sa akin sa loob ng ilang buwan na pananatili ko sa maliit na barangay na ito. Nasa isang maliit na barangay ako ng Capas, Tarlac kung saan ako dinali ni Doc Sunshine.

Ilang beses na akong muntik makunan dahil sa sobrang stress at lungkot. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Hanggang sa sinampal ako ni Shine at doon ako natauhan na tama siya. Kung miserable ako, hindi ko dapat sinasama ang anak ko.

Dinala niya ako sa barangay kung saan siya mayroong medical mission. Kilalang kilala siya sa maliit na barangay na ito kaya madali niyang naipakiusap sa mga tao na kung pwede ay dumito muna ako. Sa ngayon ay nakatira ako sa may bahay-ampunan na katabi ng simbahan.

Araw-araw ko ring kinukumpisal ang kasalanang nagawa ko. Alam ko man o hindi na kabit ako, kasalanan ko pa rin na pumatol ako sa lalaking kasal na. Napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang din na-realize na, wala akong alam sa kambal maliban sa mayaman sila, gwapo, daks, birthday nila at ang mga topak nila. Ni hindi ko nga nakita ang mga magulang nila at ang angkan.

Simula ng dalhin ako ni Shine dito ay hindi ko pa kailanman natawagan si Roleen. Ang Tay ko naman ay minsan ko na siyang nakausap. Sinabi ko sa kanya ang totoo at kulang na lang ay sumugod siya sa Maynila pero tumanggi na ako. Ayaw ko na ng gulo. Nakakahaggard ang ganoon.

Nilalakad ko lang ang clinic ni Shine hanggang sa bahay dahil mas maigi iyon. Maliban sa nakakapag-exercise ako at nakakalanghap ng sariwang hangin ay nakakakita ng maganda ang mga tao rito.

"Ate Ienne!" Tawag ng mga bata sa akin. Agad nila akong pinalibutan.

Natawa naman ako. "Kalma kids. Ako lang 'to! Huwag niyong pagkaguluhan ang gandang taglay ko."

Pare-parehong napasimangot ang mga bulinggit na nasa harap ko. "Si Ate talaga. Hindi naman ikaw ang hinihintay namin. Si baby oh." Sabi ni Saab sabay hawak sa tiyan ko.

Ginulo ko ang buhok nito. "Sorry na po, beb. Halina kayo, pasok na tayo sa loob. Ang init init nasa labas pa kayo. Hindi niyo ba alam na Vitamin D na ang araw ngayon, emerged!"

"Vitamin D? Wow! Ang talino mo talaga, Ate. Nabasa ko 'yan sa libro. Tawag nga sunshine vitamins minsan." Manghang-mangha naman ang mga bata kay Bella. Siya ang pinakamatanda sa kanila kaya pumapasok na ito sa paaralan.

Napatapik ako sa noo. "Hindi 'yun ang tinutukoy ko, emerged! Vitamin D, as in Vitamin Dulok, duh!"

Sabay sabay na napabuntong-hininga ang mga bata sa akin. Hinila na nila ako sa loob ng bahay namin. Sinalubong agad kami ni Sister Mary.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя