Ikadalawampu't siyam na Pahina

32.1K 865 113
                                    

IKADALAWAMPU'T SIYAM NA PAHINA

"Sister, may okasyon po ba? Like fiesta ng barangay ganern? Pero, bandang July pa 'yun diba? December pa lang ngayon." Nakakunot na tanong ko habang nakatanaw sa mga taong hindi magkandaugaga sa pagmamadali papuntang court.

Magiisang linggo ko ng napapansin na parati silang ganito sa nakalipas na araw. Nagtataka na ako dahil hindi naman piyesta. Malayo pa naman ang pasko dahil December 12 pa lang ngayon.

Ngumiti si Sister Mary sa akin habang patuloy na nagdidilig. "May nagbibigay ata ng simpleng regalo at feeding program doon sa court. Kada-street kasi ang kada-araw para hindi masyadong maraming tao at sigurado na mabibigyan lahat."

Napatango-tango ako. Mayaman siguro ang nagso-sponsor sa barangay nila dahil nakita ko noong minsan na sobrang daming bitbit na pagkain ng mga tao tapos mayroon ding sobre. Siguradong pera ang laman 'nun. Tapos may feeding program pa, sosyal! Share your blessings kung share your blessings ang ganap nila.

"Eh tayo po, sister, kailan?"

"Ngayong araw, Chienne pero sinabihan ako ni Father na mamayang hapon na lang dalhin ang mga bata. Pwede mo ba kaming tulungan?"

"Aba'y wala pong problema. Kering-keri ko ang mga bulinggit na 'yun."

Natawa si Sister. "Hija, tandaan mo buntis ka. Sabi ni Sunshine ay delikado raw ang buwan na ito para sa'yo. Huwag kang masyadong magpagod." Hinapos ni Sister Mary ang aking buhok.

"Sus! Yakang-yaka namin ito ni bebe boy ko! Kaya ko pa ngang kumendeng-kendeng sister."

Namula si Sister sa sinabi ko at mabilis na umalis sa tabi ko. Natawa ako ng malakas. Akala siguro niya na papag-exercise ko na naman sila ni Sister Claire ng aking pampa-sexy na kendeng.

Pinuntahan ko na ang mga bata sa likod bahay namin kung saan pwede silang maglaro ng habulan doon. Ngunit bago 'yun ay dumaan muna ako sa kusina para ipaghanda sila ng miryenda. Siguradong pagod na pagod na ang mga bulinggit na 'yun sa kakalaro.

Naghanda lang ako ng sandwich at fresh na fresh na orange juice. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa likod. Pagkadating ko roon ay hindi nila agad ako napansin dahil sa paglalaro nila.

Umupo muna ako at pinagmasdan sila. They look so happy na para bang walang pino-problema. I sighed. Ngayon ko na-realize na sobrang daming complicated na bagay-bagay kapag tumanda ka. Tulad ko ngayon, noong bata ako ay ang mukha ko lang ang pino-problema ko at ang paglalaro pero ngayon ang dami ko ng kailangang isipin at isaalang-alang

Napailing-iling na lang ako. Hinaplos ko ang tiyan ko at ramdam ko ang paglulumikot ng bebe ko.

"Mga bulinggits!" Tawag ko sa kanila. Agad silang lumingon kung nasaan ako. Nagningning ang mga mata nila ng mapansin kung ano ang nasa tabi ko. "Mag-miryenda muna kayo."

Dali-dali silang lumapit sa akin at pumila. Binigyan ko sila isa-isa ng sandwich at binilinan na kung gutom pa sila ay lumapit na lang ulit. Nang magbigyan ko silang lahat ay nagkanya-kanya sila ng upo sa harap ko.

Habang kumakain ay nagku-kwentuhan kami ng mga bata.

"Ate Ienne, anong ipapangalan mo sa baby mo?"

Napakamot ako sa noo. "Wala pa akong naisip na pangalan, eh." Ngumiti ako sa kanilang lahat. "Ganito na lang, isip kayo ng name na gusto ninyo tapos isulat niyo sa papel."

Mabilis silang naghanap ng papel at excited na nagsulat ng mga pangalan. Nakalimutan na nga nila ang pagmemeryenda dahil sa pinagawa ko sa kanila.

Ilang sandali pa ay nagbigay na sila. Halos matawa ako sa mga pangalang isinulat nila.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now