Ikalabintatlong Pahina

47.1K 1K 94
                                    

Advance happy father's day bukas sa lahat ng tatay, sa mga tatay ninyo, sa lolo at sa mga tumayong tatay! Happy father's day po! 

IKALABINTATLONG PAHINA

We miss you, our sweet..

Mga katagang puro lang katarantaduhan. I won't believe in them anymore. 'Yun ngang we'll wait for you nila ay hindi napanindigan, 'yan pa kayang we miss you.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa maleta. It's been a days simula 'nung gabing 'yun pero pinipilit kong magpakatatag.

Inaamin ko na sa sarili ko na gusto ko sila at hindi ako magpapaka-martyr ulit para sa kanila.

Hanggang ngayon ay sobrang bigat ng loob ko dahil sa balitang 'yun pero anong magagawa ko? 'Yun na 'yung napili nila. Tsaka, kasalanan ko rin naman. Kung hindi siguro ako nagpakipot ay baka ako pa rin ang kasama nila.

Hindi ko namalayan na may tumulong butyl ng luha sa mata ko. Marahas ko itong pinunasan at binalik ang atensyon ko sa mga damit na tinutupi ko.

"Mahal mo na ba sila, anak?"

Hindi ko namalayan na nakapasok na si Tay sa kwarto ko. Naupo siya sa tabi ko at pinaupo rin ako sa kama. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Natahimik ako. Bigla kong naalala na naman lahat simula noong una kaming nagkita.

Malakas na tunog ng kanta ang bumungad sa akin sa bar. Ang alam kong pangalan ng bar na 'to ay Luci Della Città.

Laman ako palagi ng mga bar. Gabi-gabi sa loob ng isang buwan. Para makalimot sa kagaguhang ginawa sa akin ng ex-jowa ko.

Ang cliché namang pakinggan, tanginers! Umupo ako sa isang VIP seat. Dito ang rineserve ni Roleen na pwesto para sa amin.

Nauna na ako sa kanya rito para hindi niya makita ang kagagahan ko. I know naman na kasalanan ko. Hindi ako nakinig sa kanila.

Matagal na nilang sinasabi sa akin na ginagago 'raw' ako ni Lucas pero hindi ako nakikinig. Kasi when I'm confronting him, dine-deny niya ang mga allegation sa kanya ni Roleen. Kesyo gusto lang nito kaming magkasira, kesyo may gusto daw ito sa kanya at kung ano ano pa.

Muntik na nga akong maniwala kay Lucas at magkasira kami ni Roleen dahil panay kong pinaniniwalaan ang mga salita niya.

Akala ko, malapit na ako sa ending ng buhay ko, 'yun pala hindi pa ako nangangalahati sa rising action.

Napaiyak ako. Tanginers! Maputulan sana lahat ng titi ang mga laki! Lalo na ang walang balls na puro sex lang ang hanap! Maputulan din sana ang mga lalaking mapagsamantala, tanginers nila! Mga gago!

Nilagok ko ang alak. May gumuhit na init sa lalamunan ko. Ahh! This is life!

"Tanginers ng mga lalaking walang balls! Cheers!" I screamed and raised my hands. Hawak ko pa sa kamay na ito ang isang alak.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng Lucas-nimal sa akin. "Sorry, babe. Puro kasi tayo holding hands at kiss sa lips, walang home base tsaka ang hot kasi niya, babe. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sana huwag kang magalit, sa'yo naman ako uuwi."

'Yun ang unang pagkakataon na nasampal ko siya at nasabunutan. Una ko siyang pinalayas sa bahay ko. Wala akong paki kahit nakahubad pa siya kasi maliit naman titi niya pati balls, mahihiya siyang ipangalandakan 'yun.

Pagbalik ko 'nun sa kwarto ay nakita ko 'yung babaeng naka-pull and push hard niya. Nagme-makeup pa ito habang nakatakip ang kumot 'ko' sa katawan niya.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon