Ikaanim na Pahina

60.1K 1.2K 68
                                    

IKAANIM NA PAHINA

Déjà vu! Kinidnap ako! Kinidnap ako ng dalawang nagga-gwapuhan na lalaki— este ng mga nagga-gaguhan na kambal!

"Ano ba! Ibaba niyo nga ako!" I screamed.

Ang awkward kasi nang posisyon namin. Buhat buhat ako ni Tyron na parang isang sakong bigas. Habang naka sunod sa amin si Tyler na ngingisi-ngisi. Nakakagigil sila ha!

"Ibababa kita, sweetie. Just promise to be a good girl, okay? Don't escape from us or else.." May himig ng pagbabantang wika niya at may kasama pang hampas sa pwet ang gago! Tanginers talaga nila huh!

Napipilitan akong tumango sa sinabi nila. Hmp! Kung pwede lang talagang tumakas sa galamay nila kanina ko pa ginawa. Wala akong choice kung hindi sundin ang gusto ni Tyron dahil paniguradong kakalat na naman ang mukha ko sa magazine at social media kapag lumabas kami na buhat buhat niya ako.

Ayoko na ng isa pang eskandalo.

Mukhang kilala nga talaga nila si Sir Lucas dahil ginamit nila ang private elevator nito kung saan sakop nito ang parking lot na nasa basement hanggang sa CEO floor.

Ayaw kasi ni Sir Lucas ng mga reporters kaya ipinasadya niya talaga na ganito ang maging desenyo ng building. Hindi kasi basta basta makakapasok ang sino man sa parking lot. Unless, isa kang employee at investors. Ayon kay Roleen, dadaan ka muna sa butas ng karayom bago ka makapasok sa basement.

Pinagbukas ako ng pinto ni Tyler. Hindi na ako nagpasalamat sa kanya. Ayaw ko na nga silang makita pagkatapos ng nangyari sa amin pero ang kulit ng lahi nila! Nase-stress ako!

Kagaya ng pwesto namin kaninang umaga, nasa gitna na naman nila ako. I sulked. Naaalala ko kasi ang nangyari kaninang umaga. Kung paano nila madaling mapasunod ang katawan ko.

Walang imikan na nangyari sa loob ng kotse. Busy akong murderin sila sa utak ko habang may ginagawa si Tyler sa laptop at si Tyron naman ay may kausap. Mukhang tungkol sa business nila kaya hindi na ako nakialam.

Gentledog naman pala sila. Napangisi ako.

Napakunot ako ng noon g may mapansin ako.

"Hoy! Kidnapping na talaga 'to ha! Saan niyo ko dadalhin? Hindi pa-left ang bahay ko kundi nasa right! Shunga!" I shouted. Pakiramdam ko ay lumalabas lahat ng ugat sa leeg ko sa kakasigaw.

"To our palace.." Ani Tyler habang patuloy pa rin sa pagta-type. Mukhang wala siyang pakialam kahit sigaw-sigawan ko siya.

"Right, sweetie. I don't have any plans on doing that to you in your so-called house." Maririnig ang pagkadisgusto nito sa boses. "But, I don't mind kung gagawin nga natin 'yun sa bahay mo. Your neighbors would wake up in the middle of the night because of your scream! Damn, that thought turns me on, sweetie."

Tanginers talaga ng Tyron na 'to! "Wala akong balak gawin 'yang nasa isip mo 'no! Pagkatapos ng lahat ng kamalasang nakatanggap ko simula ng makilala ko kayo. Hinding hindi na ako uulit sa kagagahan ko. Magkanap na lang kayo ng babaeng willing magpa-fuck sa inyo dahil ako, ayaw ko na. I'm so done with everything that is happening to me." Mahinahong wika ko sa kanila.

Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na hinding-hindi na ako uulit doon, lalo na ngayon na natanggal ako sa trabaho dahil sa kanila.

"Please lang, ihatid niyo na ako sa bahay ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay gusto ko na lang magpahinga."

Aside sa pagod na talaga ang utak at katawan ko, gustong-gusto ko na rin talagang umuwi para matignan ko na yung namamaga kong mukha na ginawa sa akin nung lalaki yun. Mabuti na lang ang hina niyang manuntok daig pa niya ang bakla.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon