Ikalabingwalong Pahina

44.2K 988 96
                                    

IKALABINGWALONG PAHINA

"Sweetheart, are you sure you will be okay in here?" Pang-sampong beses ng tanong nina Tyler at Tyron sa akin.

I sighed. Iba talaga kapag maganda ang jowa mo, hindi ka mapakali kapag wala siya sa tabi mo. Tignan mo sina Tyron at Tyler, mawawala lang para sa business meeting ng dalawang araw, eh akala mo isang taon akong hindi makikita. Emerged, I'm so ganda talaga.

Ilang buwan na simula 'nung sinabi nila sa akin ang dahilan kung bakit hindi nila agad tanggap ang pagmamahal ko. Parang mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanila sa bawat araw na magkasama kami.

Napatunayan ko, hindi lang sa sarili ko kung hindi pati sa kanila na mahal ko talaga sila. I made sure na ramdam na ramdam nila ang feelings ko sa bawat araw na lumilipas.

Hindi pa nila sinasabi ang three words and eight letters pero kontento na ako sa mayroon kami. Masaya ako na tuwing gigising ako ay sila ang bubungad sa akin. Masaya ako sa simpleng bagay na ginagawa nila. Masaya ako.

"Oo nga po. Ayos lang ako."

Mukhang hindi pa rin sila kumbinsido sa sagot ko pero tinulungan pa rin nila akong maghanda ng pagkain namin dito sa bahay ko.

Nandito kami ngayon dahil dito ko gustong mag-stay habang wala pa sila. Ayaw ko roon sa mansion nila dahil sobrang laki 'nun pero wala sila. Mas mami-miss ko sila lalo kapag nandoon ako at hindi ko sila nakikita.

They sighed at umupo na. Nagsimula kaming kumain at natawa ako.

Hindi kasi uso ang kutsara't tinidor sa bahay ko. Well, meron naman ako pero isang pair lang. Tuwing kakain ako ay mas gustong magkamay. Nasanay akong ganoon, simula bata ay nakakamay kami sa bahay. Kaya hanggang pagtanda ay nakasanayan ko na.

Ang liit liit ng subo nila! Ang cute cute. Halatang hindi sila sabay na nakakamay.

"Sweetheart, I'll buy you tons of utensils when we come back." Naiinis na wika ni Tyler.

"Arte mo, be!" Natawa na naman ako. Itinapat ko ang kamay ko sa bunganga niya. "Oh, nganga na beybe ko."

Ngumanga naman siya. Kung hindi ko sila susubuan ay siyam siyam pa kami matatapos. Kasing-liit ng subo nila ang subo ko noong bata.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na dinila ni Ty ang kamay ko. "Ty, huh! Nasa harap tayo ng pagkain." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hmm. It does tastes so good.." Nakapikit pa ito na para ninanamnman.

Ihh! Ang hot niya. Parang gusto ulit makipaglaro ni keps sa eagle niya.

"I want to try too, sweetie." Ngumanga na ito kaya kumuha na ako ng pagkain sa kamay ko.

Ang ending ay pareho ko silang sinubuan. Bale lahat kami ay sa kamay ko kumain. Ang sarap kaya.

"Oy, kayo magligpit. Hindi kayo Don sa bahay ko. I do the cooking, you both do the cleaning, okay?"

Tumango-tango naman sila. Pagkatapos ay niligpit ko ang pagkain at nilagay sa lababo. Nagsimula nang manghugas si Tyler. Si Tyron naman ay nagpupunas ng mga pinggan at nilalagay sa drying rack ko.

Nakaupo lang ako sa upuan habang tinitignan ang trabaho nila. Mahirap na baka hindi sila sanay sa trabahong 'to at sayang ang tubig kung sakali.

After naming maglinis at maglandi-landi sa kusina ko ay niyaya ko silang matulog. Kanina pa ako antok na antok pagkatapos kumain.

I yawn. Napansin siguro ng kambal na sobrang pagod ako kaya hindi na nila ako kinulit pa.

Hindi ko alam kung anong oras na dahil sobrang dilim sa kwarto. Nagising na lang ako sa halik nina Tyron at Tyler.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now