Ikadalawampu't walong Pahina

32.4K 932 129
                                    

IKADALAWAMPU'T WALONG PAHINA

"Matagal pa ba bago matapos 'to? Can I see her? Or can I call her perhaps? I badly missed her." Tyler said habang nagme-meeting sila.

Napabuntong hininga na lang ang tatlong kalalakihan. Palagi namang iyon ang sinasabi ng kambal sa tuwing may pagtitipon sila. Kung hindi si Tyler ang magtatanong ay si Tyron naman.

"Hindi nga pwede, pare. Bakit ang kulit ng lahi ninyo?" Naiinis na saad ni Black hapag nilalatag nila ang plano.

Napasimangot naman ang dalawa habang tatawa-tawa lang si Roleen sa isang tabi. Nang dumako ang tingin ng kambal sa kanya ay bumulong siya ng 'better luck next time, dudes' kaya nakatanggap siya ng masasamang tingin mula sa kambal.

Ilang buwan na niyang hindi nakikita ang kaibigan at miss na miss na niya ito. Ngayon pa lang sila nagkalayo ng ganito katagal kaya noong unang buwan na nawawala si Chienne ay agad niyang pinuntahan ang dalawa. Noong una ay tutol ang mga kalalakihan sa pagtulong niya pero ngayon ay kailangan na siya ng mga ito.

Hindi nila mabasa ang mga galaw ni Kylie. Natatakot sila na baka balikan nito si Chienne at idamay. Masisira ang ilang buwan nilang pagta-trabaho sa plano nila.

"Pero, tangina, nakakabaliw pala 'yang mga mukha ninyo 'no? Akalain mong nabaliw ang bruhang 'yun at pumatay pa." Roleen tsk. "Tapos—Tapos, I kennat na talaga! Ang daming details omg! Kailangan niyo ng bilisan ang plano niyo dahil namimiss ko na ang bestfriend ko."

Pinasakan siya ni Lucas ng tinapay sa bibig. "Can you please shut up, Roleen Beatrice?!"

Masama ang tingin na ibinigay ni Roleen dito. Itinabi muna niya ang tinapaya na pinasak ni Lucas sa kanya – oh her precious bread. "Walanjo hoy! Wala kang karapatang utusan ako! Wala tayo sa opisina duh!"

Napapikit na lang ng mga mata ang apat na kalalakihan at hinayaan na magbangayan ang dalawa. Sanay na sanay na kasi sila sa araw-araw na awayan nila.

"Shut up, all of you!" Vladimir hissed. Lahat sila ay natakot sa tinig nito. Kapag ganoon ay mabilis na tatahimik ang mga tao at itutuloy na ang pagpa-plano.

"So, ano ng balak natin sa kanya? Like, kulong ganern? Like kidnap pwede tapos ako magto-torture? Oh my god! Kailangan kong i-post 'nun sa instagram ko ang kalalabasan ng ginawa ko." Roleen suggested at tumawa pa ito.

"As of now dahil hindi nga natin mabasa ang mga galaw niya. We need to wait." Black took a deep breath. "You, Roleen, need to always stick with the twins. Para mabaling ang atensyon sa'yo ni Kylie. Kapag ganoon ay hindi na niya iisipan pa na may pakialam pa tayo kay Chienne. Let Kylie think that Chienne is nothing for all of us, especially sa buhay ng kambal. She will be safe kung nasaan man siya kapag ganoon."

Black explained their plan in a more elaborative way. May pagka-slow kasi ang mga kaibigan niya sa mga ganitong klaseng bagay.

Sabay sabay na napabuntong hininga ang lahat dahil sa sobrang pagod. Ilang araw at gabi na nilang pinopolido ang plano nila para walang masaktan sa kanilang lahat.. lalo na si Chienne dahil kung hindi mabu-bulilyaso ang lahat. She needs to stay safe, so all of them can function well.

Hindi basta basta ang kalaban nila. Kahit na babae ito at madaling mapatumba, iba pa rin ang nagagawa pera. Maraming mga what ifs sa utak nila lalo na at kakaiba ang kalaban nila.

Alexis Levesque – Kylie's mother was sitting in the middle while looking at the gentlemen who were inside the room. Kilala niya lahat ng mga ito dahil minsan ng pumunta ang mga kalalakihan sa bahay niya. Napabuntong hininga siya at inisip na tama ang desisyon niya.

"I came here to tell you all the truth."

Napakunot ng noo sina Tyler at Tyron. "What truth? May hindi pa ba kami alam tungkol kay Kylie?"

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now