Ikaapat na Pahina

65.1K 1.4K 203
                                    

IKAAPAT NA PAHINA

"Baaakkklaaaa! Where are you from? I'm so nag-aalala to you when you suddenly disappeared sa bar the other night! Like, naloka kami ni Amanda in finding you! Then, I heard the balita. Gosh! It's so nakakainit at laway ng keps! You ha!" That's Roleen. My bestfriend since fetus.

Pinamulahan ako sa mga pinagsasabi ni Roleen. Tanginers talaga ang bunganga ng loka-lokang ito. Walang habas at preno sa pagsasalita at halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasabi niya. Para kasi itong nakalaklak ng megaphone.

Napatingin tuloy sa amin ang iba naming kasamahan ditto sa accounting department. Masasalamin sa mata nila ang pagkadisgusto at inggit.

"Ang ingay mo talagang bakla ka! Ipapakiss talaga kita kay Jacinto kapag hindi ka tumigil sa kakadakdak mo diyan." Ani ko sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata.

Mabilis pa sa alas-kwatro na nanahimik si Roleen sa tabi ko. Si Jacinto kasi ang ex boyfriend niyang mabaho ang hininga at may powers.. kili-kili powers. I chuckled. Kaya si Jacinto madalas ang panakot ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako. Binaba ko na ang bag ko at sinimulang ayusin ang mga receipts para sa pagre-record ko sa journal. Nakaayos na ito base sa araw kung kailan nabili at nabenta. Then, ita-transfer ko na ito sa ledger para mas mapadali ang trabaho ko pagdating sa trial balance. Our company is mostly engaged in merchandising wherein we would buy and sell goods. Most of the time, I am engage in preparing financial statements.

Habang nagre-record ako sa journal para sa entry ng June 9, napansin ko sa gilid ng mata ko na nanghila ng upuan si Roleen sa katabi kong cubicle. Naka-cross arms siya at naka-taas ang kilay niya. "Wag kang mag-lie sa akin, bruha ka! Nag-se-sex pa lang ang mga magulang natin kilala na kita! Tsaka, nakita ko ang peslak mo na nakalagay sa pinaka-front ng lahat ng dyaryo at magazine! Gosh! Hindi ka man lang nag-ayos, 'te! Napaka-haggard mo sa picture na 'yun!" Tumingin muna siya sa paligid bago niya binulong ang.. "Ano, baks? Magaling ba sila? Daks? Sabay ba? Anong klaseng sleeping position ang ginawa ninyo na nakalista sa kama sutra? Emerged, my panty is nalulusaw na! Tell me!" Nagniningning ang mga matang wika niya.

Namula ako sa mga term na ginamit nito. Napakabalahura talaga ng babaeng 'to kahit kailan. "Baks, huwag mo nang alamin." I frowned and shook my head. "Ako nga mismo hindi ko maalala ang mga nangyari pagkatapos mo kong IBUGAW sa dalawang 'yun." Natatandaan ko kasi na siya ang yumaya doon sa kambal sa table namin habang ako ay busy sa kakainom dahil nga sa wasak kong puso.

Nag-peace sign ito. "Nakalimutan mo ang nangyari sa inyo? Seryoso ka, gurl? Andami ngang naiingit sa'yo dahil paniguradong malaki 'yung 'ano' nila dahil imported!"

Hindi ko na lang siya sinagot dahil wala ring patutunguhan ang usapan namin ni Bakla. Tsaka kung sakali mang may naalala talaga ako ay wala akong balak na mag-kwento ng sex life ko. That's so eww kaya.

Talak ng talak si Roleen sa tabi ko nang biglang may sumingit - si Miranda. Ang pinaka-walang GMRC'ng tao na nakilala ko.

"What's up, sluts and bitches?" She grinned – na akala mo kinaganda niya. Tanginers niya ha. Sagad sa bones.

Ang ayoko kasi sa lahat ay ang manghuhusga ng kapwa nila pero pagdating sa kaniya ay hindi ko mapigilan. Kung gaano kasulasok ang ugali nito, ganoon din ang hitsura niya sa paningin ko. Mukha nga siyang singit at tae na hindi ko ma-flush. "Kamusta ang natira ng dalawang sikat na lalaki ngayon?"

I rolled my eyes at pinigilan ang sarili ko. Nagbilang muna ako ng tupa sa utak ko bago siya kausapin dahil kung hindi, baka nasapak ko na 'tong asungot na 'to ng wala sa oras.

"Masarap. Duh." I raised my perfectly sculpted eyebrow. "Hindi katulad mo na hanggang ngayon ay mas tag-tuyot pa sa El Nino." Napangisi ako ng makita kong namula ang mukha nito sa inis.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now