Ikalabindalawang Pahina

48.1K 1K 160
                                    

IKALABINDALAWANG PAHINA

"Ate, uwi ka muna. Ako ng bahala kina Ma at Tay.."

Umiling iling ako. "Hindi na, bunso. Dito na lang muna ako."

"Pero magi-isang buwan ka ng hindi naliligo ng maayos ate. Ang baho mo na.."

Sinapok ko nga ang kupal na 'to. "Wala kang galang sa akin, hoy! Hindi ako mabaho 'no. Kahit hindi ako maligo ay amoy fresh pa rin ako. Amuyin mo na kili-kili ko!" Gigil na saad ko.

Sabihin na niya lahat wag lang ang mabaho 'no!

Tatawa-tawa namang lumapit sa pwesto ko ang bunso namin. He's Azil. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa Manila. Sinabi ko kasi kina Ma at Tay na ako ang magpapa-aral sa kanya para wala na silang alalahanin.

"Ito namang si Ate Malago, pinapatawa lang kita 'no."

Napailing na lang ako at napatingin kay Ma at Tay. Magkasama sila sa iisang kwarto at kakatulog lang nila.

Naalala ko tuloy ang tawag sa akin ng nakakatanda kong kapatid. Ilang araw na raw na kritikal sina Ma at Tay bago sila tumawag sa akin. Pareho silang nakatikim ng sabunot at sapok.

Ayaw daw nila akong mag-alala kaya hindi nila agad binalita sa akin. Gusto muna nilang masigurado na naalis na sa kritikal na kondisyon ang magulang namin.

Isang buwan na ako rito sa Pampanga at hanggang ngayon ay hindi pa ako umaalis. Gusto ko kasing masiguro na magaling na magaling na ang parents ko bago lumuwas pa Maynila ulit.

"Pero, seryoso, Ate, uwi ka muna. Wala ka pang maayos na tulog simula noong umuwi ka sa atin."

"Walang magbabantay kina Ma at Tay.."

"Ako na rito, Ate.. Uwi ka na. Nasa parking lot si Kuya Dondon."

Kahit na anong pilit kong magse-stay na lang ako sa ospital ay hindi ako nanalo sa kapatid ko. I sighed.

Hinatid ako ni Kuya Don sa bahay. Nakita ko pa ang mga chismosa naming kapitbahay na nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang naman sila ng kilay.

Mag-isa na lang ako sa bahay. May trabaho kasi si Kuya kaya kailangan niyang umalis.

Napabuntong hininga na naman ako at dumiretso sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at napatingin sa kawalan.

Ito ang dahilan kaya ayokong naiiwang mag-isa. Napapaisip ako ng mga bagay bagay.

Kamusta na kaya sila? Miss ba nila ako? O nakahanap na sila ng iba?

Siguro kung hindi ko sila iniwan ay magkakausap pa rin kami. Siguro kahit papaano ay masaya ako.

Nag-uusap pa kami ni Roleen araw-araw pero tuwing may sasabihin siyang balita tungkol sa kambal ay pinuputol ko ito.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at naligo. Babalik na lang ulit ako sa ospital kaysa sa magisip ng mga bagay-bagay.

Pagkatapos kong maligo ay mabilis kong nilisan ang bahay namin. Sinigurado kong nakasara lahat ng bahay bago pumunta sa sakayan ng jeep.

Ilang sandali pa ay nakarating ako sa Clark Medical City.

Iiling-iling ang kapatid ko ng makita ako. Ngumisi lang ako sa kanya at lumapit kay Tatay. Hinawakan ko ang kamay nito.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako na may humahaplos sa mukha ko.

"Ang anak ko.." Tatay said. Kahit na nanghihina siya ay pinipilit niyang magpakatatag.

"Tatay! Tatay!" I cried like a little kid. Well, para sa mata ng Tatay ko ay little pa naman ako.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now