Ikalimang Pahina

59.4K 1.4K 68
                                    

IKALIMANG PAHINA

Isang malutong na tanginers besh!

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Namamaga ang halos kalahati ng mukha ko. I'm sure na mangingitim ito pagkalipas ng ilang araw. Mas lalong napalakas ang mura ko.

Tanginers na retokado 'yun! Bakla siya para pumatol sa babae. Gigil na gigil akong bumalik sa 10th floor para bangasan ang mukha ng gagong 'yun!

Napahawak ako sa mukha ko ng may maramdaman akong kirot. Tanginers talaga! Bakit kailangan ang aking oh-so-precious face pa ang kailangan niyang suntukin?!

Huwag na huwag nitong susubukin na magpakita dahil magbabayad ang hayop na 'yun! Tae siya! Kupal! Animal! Lahat na ng mga masasamang salita na pwedeng ibato! Anong karapatan niya para suntukin ang nakapaganda kong mukha?

Kapag nakita ko siya sisiguraduhin ko na kakailanganin niya ng napakalaking halaga para sa susunod nitong retoke dahil babangasan ko siya ng sobra pa sa ginawa niya sa akin.

My precious, beautiful and fabulous face!

Ang gandang taglay ko ay dapat na nilalagay sa mga billboards at pinapangalandakan! Sabi ng mga magulang ko. Syempre naniwala ako.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Roleen sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Hindi ako pwedeng lumabas na ganito ang mukha dahil nasa labas ang mga pesteng reporters.

"Huwag mong pigilan. Mautot ka pa niyan eh!" I sulked and cross my hands.

Tumawa naman nga ang bruha ng napakalakas. Napatingin tuloy sa amin ang ibang nagle-late lunch. "Hindi naman siya ganun kasama, baks." Saad nito at tumawa na naman. "Sobrang sama lang. Daig mo pa si Pacquiao niyan sa pasa mo."

Ilang minuto rin siyang ganun at nakita ko na pinakalma na niya ang sarili niya. Hinawakan niya ang mukha ko at tignan ng mabuti ang kanang bahagi nito. Doon kasi dumapo ang kamao ng hayop na yun.

"Mukhang mauubos ang concealer mo baks sa kapal ng kailangan natin." Ani Roleen habang kinakalkal ang mga gamit ko sa make-up kit na lagi kong dala.

Naka-busangot pa rin ako habang inuumpisahan ng gumawa ng paraan ni Roleen. Mabuti na lang at tapos na ang break time. Kaunti na lang ang mga taong nandito. Paniguradong pagpipiyestahana ako ng mga empleyado. Lalo naman ng mga reporter sa labas. Baka maging headline na naman ang beauty ko. Ang pangit ko na nga doon sa unang lumabas, mas grabe pa hitsura ko ngayon.

Ayoko na 'no! Paniguradong paguusapan ako sa barangay namin at baka itakin ako ng Tatay ko.

Nangalumbaba ako rito sa table. "Baks, tingin mo anong oras sila aalis diyan? Sana ma-bored sila kakahintay sa wala. Daig pa nila jowa ko sa sobrang eager nila na makita ako."

"Asus. Sabagay, di ka naman hinintay ng ex-jowa mo. Pwede ka namang sumabay sa akin sa pag-uwi. Ayern lang ay kung mahihintay mo ko ng 5 ng hapon."

Napatingin ako sa orasan. Ala-una pa lang ng hapon. Ilang oras pa akong mabuburo dito pag nagkataon.

I siged at nagkibit balikat ako. "Sure. Wala naman akong gagawin sa bahay ngayon."

Wala na akong trabaho. Mabuti na lang at marami-rami na ang naipon ko sa loob ng limang taon na pagta-trabaho ko rito. Dito na ako sa kumpaniya ni Sir Lucas Avery Reynolds nagsimula. They immediately employed me ng mag-rank ako sa bar exams. Sobrang overwhelm and excited pa ako 'nun dahil isang kilalang bilyonaryo ang may-ari.

Nagsimula lang namang pumangit ang working experience ko sa kumpanya ni Sir Reynolds noong itinalaga si Vencent bilang head accountant sa accounting department.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя