Ikawalong Pahina

59.4K 1.2K 123
                                    

IKAWALONG PAHINA

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Napangiti ako ng mapansin na halos hindi nagbago ang pwesto namin kaninang madaling araw. Tinanggal ko ang mga braso at paa na nakapulupot sa akin.

Dahang-dahan akong bumaba sa kama. Nang nasa dulo na ako ay pinagmasdan ko ang dalawa. I chuckled. Si Tyron na nakanganga ng slight habang humihilik at si Tyler na nakakunot ng noo. Tanginers lang! Ang gwapo ng mga kumag kahit tuloy. Nasaan ang hustisya doon?!

Kahit siguro na bagong gising sila ay wala sila bad breath. Ang perfect ng mga tanginers na 'to.

Umupo ako doon sa mini living room nila. Bigla ko tuloy naalala ang mga kahalayang naganap kagabi. I blushed.

What we did last night was beyong amazing. Ramdam ko ang respeto at aruga ng kambal kahit na may pagka-libog sila. They didn't take advantage of the situation. They just pleasure me hanggang sa hindi ko na talaga kaya. I felt contented kahit na walang pull and push na naganap.

Ilang oras din akong naghintay sa kanila pero nganga. Tulog pa rin sila. Napasimangot ako. Hindi early riser ang mga lolo niyo kahit na CEO sila.

Nang magsawa ako kakatingin sa kambal napagdesisyunan ko na lumabas at magluto ng almusal. Paniguradong paggising nila ay gutom sila dahil hindi naman kami kumain ng dinner. Masyadong dinibdib ni Tyler ang pagiging nurse sa akin.

Nagkanda-ligaw ligaw ako sa loob ng palasyo nila. Nakalimutan ko na kung saan ng kusina. Mabuti na lang at may nakakita sa akin na katulong. Hinatid niya ako sa kusina.

Nang makarating ako ay napatingin sa akin ang mga katulong na naglilinis. Malayo ang maaamong hitsura nila kahapon. Napalitan ito ng galit at inggit. I just dismissed that thought. Hindi naman ako nandito para i-please sila 'no.

Nilapitan ko ang matandang kasambahay. Siya lang ang nakangiti sa akin. Ngiting lolo.

"Magandang umaga, hija. Ako nga pala si Lucrecia. Ang mayordoma dito sa bahay. Gutom ka na ba?" Dali-dali itong pumunta sa isang pinto. "Naku, hindi pa ata tapos magluto si Chef."

Mabilis kong pinigilan si Manang.

"Hindi pa naman po ako gutom. Pwede po bang ako na lang ang magluto ng agahan naming tatlo?" Nakangiting saad ko rito.

Nakita ko na nabigla siya sa sinabi ko pero mabilis din itong nawala. "Mapapagalitan kami ng jóvenes maestros kapag pinagtrabaho ka namin."

Mabilis akong umiling at umangkla ba sa braso niya. Feeling close ako eh. "Akong bahala sa mga gunggong na 'yun, Manang! Yakang yaka ko sila."

Ngumiti na naman si Manang. Parang maluha-luha pa ito na hindi ko maipaliwanag.

Sa wakas ay pinayagan na niya ako sa kusina. Nakatingin lang sa akin si Manang. Babantayan daw niya ako dahil baka masugatan ako. Psh. Maliit na bagay lang ang pagluluto para sa akin.

Nanirahan ako sa Maynila ng halos sampong taon na at ako lang mag-isa. Hindi ako pwedeng kumain lagi ng fastfood o binibili sa labas dahil masyado itong magastos. Kaya kailangan kong matutong magluto para makatipid. Tsaka naging business ko rin kasi ang pagluluto ng kung ano-ano sa school para lang may extra akong pambili ng libro at yellow columnar.

Itinali ko ang buhok ko ng messy bun at nagsuot ng apron. "May allergy po ba sila? Tsaka ano pong madalas nilang almusal?"

Umiling-iling si Manang. "Wala, hija. Sa umaga, madalas ang hinihingi lang nilang almusal ay kape."

Napapalatak ako. Anong sustansya ang makukuha nila sa kape? Sabi nga sa kasabihan, 'an almusal a day makes the doctor away'. Kailangan nila ng masustansyang pagkain sa umaga dahil ito ang magiging kargada nila sa buong araw na pagta-trabaho.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon