Ikalabing-isang Pahina

50.6K 1K 59
                                    

IKALABING-ISANG PAHINA

Pagkatapos ko silang suntukin ay umupo ako doon sa bakanteng visitor's chair. Ininom ko ng tubig na nandoon kahit hindi para sa akin.

Feeling ko sasabog ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko na patagong tumatawa sina Sir Lucas at Black habang nakangisi lang ang lalaking naka-maskara.

"Sirs! Pasensiya na po. Sinubukan ko naman pong pigilan si Ma'am pero hindi siya nagpapigil. Sirs, parang awa niyo na huwag niyo kong tanggalin!" Atungal nito. Sobrang putla niya na para bang binuburan ng suka. Paiyak na rin ito.

"Out, Ms. Marquesan.." Tyron said with his low voice. Kinilabutan ako sa tonong gamit niya.

"S-Sirs, hindi niyo naman---"

"Out, now!" Tyron hissed. 

Dali-daling umalis ang sekretarya niya. Bigla naman akong na-konsensya. 

Ilang minuto rin na katahimikan lang ang namayani sa amin. Hindi na kasi sila nagsasalita at naka-tiim bagang nalang sila habang ang sama-sama ng pinupukol sa akin. Inirapan ko nga. Huh! Magtanda sana kayo! 

Hindi ko na lang sila pinansin at napatingin sa mga kalalakihan na nandito sa loob ng opisina nila. Kilala ko silang lahat. All of them are dominating the business industries. Makapasok ka lang sa isa sa mga kumpanya nila ay tiyak na gaganda ang credentials mo.

Magkakatabing nakaupo sina Lucas Avery Reynolds at Black Eon Ross. Nakangisi silang nakatingin sa akin pero hindi ko binibigyan ng pansin. Nasa sulok naman ang lalaking naka-maskara. Half of his face is covered with black mask.

He's Vladimir Sataniel Hungrion. Siya ang isa sa mga mysterious na businessman. Lahat ay gustong makita ang mukha sa likod ng mascara nito pero wala pang nagtatagumpay.

"Hi, Miss Pendragon.." Nakangising wika ni Lucas sabay lahad ng kamay sa akin. "I'm sure na kilala mo na ako as I am your previous boss kaya hindi na ako magpapakilala pa. Nice seeing you here, by the way."

Ngumiti lang ako sa kanya at nakipagkamay. "Yes, Sir. I know you already but, it is not nice seeing you. Sorry not sorry." Malambing na saad ko rito.

Tanginers lang huh! Sinong matutuwa na makita ang nagtanggal sayo sa trabaho? Duh! Sarap niya ring lagyan ng black-eye. 

Tumawa siya ng malakas. "Oh, you're really something, Miss."

"Huwag niyo na po akong tawagin na Miss. Chienne na lang, Sir. Nakakatanda ang Miss, eh."

"Sure, just call me Lucas, too."

Tumango ako at ngumiti na lang. Tumingin sa akin ang katabi ni Lucas.

"My name's Black. If you need someone to assassinate the twins, just call me." Ngumisi pa ito.

Natawa ako. "Wala bang bayad 'yan?"

"For you, it's free. Just date me.." Hindi na natuloy ni Black ang sasabihin dahil may lumipad na ballpen at saktong sa ulo niya tumama.

Napatingin ako sa pinanggalingan nito. Galing sa isa sa kambal. Hindi pa rin sila nagsasalita kaya inalis ko na lang ang tingin ko. 

"I know you know me already." Vladimir said at uminom ng kopita.

"He doesn't like this introduction thingy." Pagpapaliwanag ni Lucas.

Tumango-tango lang ako. Nagpatuloy lang kami sa kwentuhang tatlo. Hindi naman kasi sumasama sa usapan si Vladimir. Tahimik lang ito sa sulok habang umiinom. 

Napatingin ako sa table. Mayroong Jack Daniel's doon at limang baso. Umagang-umaga pero umiinom na silang lima.

"What was that for, sweetie?" Tyron asked. Natigil kami sa pagku-kwentuhang tatlo.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Where stories live. Discover now