Kabanata 57 - Labanan sa Hacienda Santibanez

597 30 23
                                    


(DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYS!)

Kabanata 57 – Labanan sa Hacienda Santibanez

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

------------

Nagsimula na ang palitan ng bala sa pagitan ng mga guardia sibil at ng mga rebelde, masyadong maraming mga rebelde ang patuloy na sumusugod sa Hacienda Santibanez sapagkat nandoon ang pakay (nila na si Heneral Castellano, plano nilang mapatay ang tiwaling heneral sa lalong madaling panahon.

"Abante mga kasama malulukob na natin ang heneral kaya magmadali at asintahin ng maigi ang mga kalaban!" sigaw ng isang lalaki na nakatakip ang mukha at nakasuot ng sumbrerong pangmagsasaka.

"WALANG MATATAKOT MGA KASAMA PARA SA BAYAN MABUHAY ANG PILIPINAS! " sigaw pa ng isa sa mga rebelde at umabante pa sila at ang mga guardia sibil naman ay patuloy sa pag-atras sapagkat hindi nila inaasahan ang pagkakataon na ito at hindi rin nila napaghandaan, kulang sila sa gamit pandigma kaya ang karamihan sa kanila ay namamatay na.

"Ikaw! Halika dito!" tawag ni heneral castellano sa isang guardia sibil niya at kaagad naming lumapit ito sa kanya "Magmadali kang bumalik sa ating kampo at bilisan ang paghingi ng tulong dito! Intiendes!?"

'Opo masusunod Heneral!" sagot ngvguardis sibil at kaagad itong sumakay sa kabayo at umalis.

"Pendejadas! Bakit hindi iyo pa sinusunog ang mansyon!?" galit na tanong ng heneral sa mga guardia sibil na kasama nila.

"Paumahin Heneral ngunit masyado pong marami ang blang ng mga rebeldeng sumusugod sa atin kaya wala na pong nakagawa" sagot ng guardia sibil.

"Estupido! Bilisan niyo sindihan niyo na!" utos ng heneral ngunit natatakot ang isang guardia sibil nab aka matamaan ng bala ng baril.

"Natatakot po ako heneral" sagot naman niya at napahawak sa noo si Heneral Castelano sa sobrang inis nito.

Kaya naman tinutukan niya ito ng baril at nanlaki ang mata ng nasabing guardia sibil.

"Kanino ka matatakot sagot!?" galit na tanong ng heneral at kaagad na kinuha ng guardia sibil ang sulo at tumayo para sundin ang pinaguutos ng heneral.

"Ito na po Heneral!" pagmamadaling sambit ng guardia sibil at kaagad naiyang hinagis ang sulo sa parting maraming pulbura at bigla naming sumiklab ang malaking apoy at ang ilan ay sumasabog pa.

"Ayon ang heneral! Sugod at huwag ninyong hayaan namakatas sila!" sambit ng isang lalaki na nakatakip ang mukha.

Lalo pa nilang pinaputukan si Heneral Castellano at hindi na sila makaalis sa kanilang kinatataguan, ang tahanan naman ng mga Santbanez ay unti unting natutupok sa apoy kaya naman ang ilan sa mga sumusugod na rebelde ay kaagad na kumuha ng tubig at nagtulungan na patayin ang naglalagablab na apoy.

"Punyeta! Kailan na nating makaalis ditto bago pa nila tayo malupig!" sambit ng heneral at nagisip siya ng paraan para makatakas sila.

Sa kabilang banda naman ay nagsariling sumugod si Don Fernando kahit na mapanganib ay kanyang sinuong, nagtago sya sa pinakamataas na parte ng tahanan ng kanilang mansyon upang umasinta ng mga guardia sibil, kahit madilim ay kanyang natataman ang kung sino man matamaan niya ngunit napatigil siya ng makarinig siya ng ilang pagsabog na nagging resulta na pagtupok ng apoy sa kanilang mansyon.

Nagulantang ang Don kaya naman hindi siya nagatubili na bumaba at puntahan ang kanyang asawa na nagtatago sa silong ng kanilang kusina kasama ang mga kasambahay.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now