Kabanata 45 - Ley Marcial

1.3K 49 27
                                    


Kabanata 45 - Ley Marcial

Mercado de la Ciudad de Santa Clara de Asís

1890

---------------

"SUGOD MGA KABABAYAN! MABUHAY ANG PILIPINAS!!!"

"ANONG NANGYAYARI!?" Natatarantang tanong ni Luciana at nakayuko lang kaming tatlo dito at ang lahat ay nagkakagulo na.

"Hindi ko alam Luciana ngunit kaguluhan na naman ito!" Ani ni Louisa.

"SUGOD MGA KABABAYAN! PATAYIN NIYO LAHAT NG MAKIKITA NIYONG GUARDIA SIBIL!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki at hindi kami makatayo dito kasi sunod sunod ang putukan ng mga baril at pagguho ng ilang istraktura dahil sa pagkakanyon ng mga sumusugod.

"Catherina! Ayaw ko pang mamatay umalis na tayo dito!" Natatakot na sambit ni Luciana.

"Kumalma ka at huwag kang matakot Luciana makaaalis din tayo dito" pagpapapakalma ko sa kanya at may nakita akong isabg banig na iniwan na ng tindera kaya kinuha ko ito para ipang harang at hindi kami mataaman ng kung anong tumatalsik sa aming bato.

"Luciana, Louisa tara tulungan niyo ako para hindi tayo matalsikan ng kung ano ano!" Pagmamadali ko s akanila at binulatlat namin yung banig at dahan dahan kaming umalis.

Habang nililisan namin ang lugar na iyon ay tila akala mo lumilindol sa malakas na pagyanig na dulot ng mga kanyon at kaliwa"t kanan din ang patayan.

"Catherina! Ang daming namamatay!" Naiyak na lang si Luciana ng makita namin na kung sino sino na lang yung pinapatay sa tabi tabi.

"Huwag mong tignan Luciana! Ituin mo ang mata mo sa dinaraanan natin!" Salita ko sa kanya at napalunok na lang ako kasi akala mo digmaan na ang nagaganap ngayon.

Teka? Hindi pa naman digmaan ngayon ah? Wala pang 1892 para mabuo ang KKK na pamumunuan ni Gat Andres Bonifacio, bakit napakabilis naman yata ng mga pangyari?

"CATHERINA!!!" Sigaw ni Louisa at kaagad niya akong nilapitan at tinakpan ng banig yubg kabilang side ko kasi muntikan na akong mataaman ng malaking bato.

"Ayos ka lang ba Catherina?" Tanong niya sa akin at mabuti na lang at naharangan niya ako kundi matatamaan ako ng mga bato na iyon.

"Oo ayos lang ako salamat Louisa halika na at umalis na tayo dito" sambit ko s akanilang dalawa at nagmadali kaming tumakbo para hindi na kami madamay pa lalo sa nagaganap na kaguluhan.

Diyos ko po ano po bang nangyayari? Bakit napaaga ang digmaan? Hindi naman dapat ganito ang mangyayari ah?

Nasasaksihan ngayong ng dalawang mata ko ang kaliwa't kanang patayan at palitan ng bala ng mga pilipino at mga guardia sibil at sa kahit saan ka tumingin ay marami ang mga nakahandusay na patay at yung iba ay mukhang nadamay lang.

"Bilisan natin! Baka matamaan pa tayo ng mga nagliliparang bala!" Pagmamadali ko sa kanila at ng palayo na kamu sa palengke ay may mga humarang na mga lalaki at tila galit na galit ito kaya naman napasigaw yung dalawa kong kasama.

"Mga kastila! Dapat sa inyo mamatay!" Nanlaki ang mata ko ng tutukan nila kami ng baril.

"HUWAG! HUWAG NIYO KAMING SASAKTAN! Hindi kami mga kastila mga pilipino kami huwag niyo kaming sasaktan!" Pagpipigil ko sa kanila at napakunot ang mga noo nila.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon