Kabanata 17 - Higanteng Alakdan

2.9K 90 12
                                    


Kabanata 17 - Higanteng Alakdan

29 de Mayo de 1890
Sa ilalim ng Ciudad de Santa Clara de Asis

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"ARGHH! HINDI!" Sambit ko at naramdaman ko na lang na nakalubog na ako sa tubig..... "HINDI!!!" Sigaw ko pa at nagpapasag pa ako ngunit may na-realize ako "Hindi!............., Bakit hindi mainit ang tubig?" Tanong ko at napahinto ako sa pagwawala at napatingin ako sa mga lalaking kultong may mga hawak na malalaking sandok at kitang kita ko sa mga mukha nila na masaya sila!

"MAGDIWANG ANG ATING LAHI!" huh!? Magdiwang daw sila? Eh ipagdidiwang ang alin?

Napakunot noo naman ako sa inasta nilang lahat kasi nakatingin sila sa taas na akala mo may sinasambang Diyos diyosan.

"Hoy! Mga hayop kayo! Bakit hindi mainit to ah!?" Ay wow nagtanong pa ako kung bakit hindi mainit. Bigla akong nginitian ng isang lalaking kulto.

"Dahil ikaw ang nakasulat sa propesiya naming mga itim na kulto!" Propesiya na naman!? Ano na naman ba ito? Nasa propesiya na nga ako na ako ang magbabago ng nakaraan tapos ngayon may propesiya na naman!? -_- ano akala nila sa akin si Superman o Wonder Woman na kayang mag multi-tasking?! "Kaya ka hindi napaso sa kumukulong tubig ay nakasaad sa banal na aklat na ang kung sinong babaeng panganay ang ilubog sa kawa ay kusang lalamig ang tubig na palantandaan na natagpuan na namain ang babaeng nakasaad sa propesiya!" Masiglang tugon ng lalaki kahit malalim pa sa Mariana trench yung boses niya.

"So ako talaga ang nasa propesiya? Ako talaga!?" Taas boses kong wika at napapoker face ako.

"Oo babae ikaw nga ang nakasaad sa propesiya na pupuksa sa higanteng alakdan na magtatangkang lipunin ang aming lahi" wika sa akin ng isang lalaki na malalim ang boses din.

Napanganga naman ako sa sinabi nila..... So hindi nila ako papatayin?

"Ano to? Wala kayong balak na patayin ako?" Tanong ko sa kanila at napakunot noo ako. Napailing iling naman silang lahat at napaawang ang bibig ko.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon