Kabanata 54 - Restaurante Español

650 25 23
                                    


Kabanata 54 – Restaurante Español

Ciudad de Santa Clara de Asis

1891

Lumipas ang ilang araw at lalo lamang lumala ang sitwasyon sa buong bayan ng Santa Clara, lalong pinaigting ang batas military na umiiral at at papataw ng mataas na buwis sa mga mahihirap man o mayayaman, nais talaga ng magasawang Mondragon na maangkin ang buong bayan at palakihin ang kanilang yaman sa buhay sa pamamagitan ng panggigipit at pagpaparuasa ng walking katarungan.

Lalaki, babae, bata o matanda ay hindi pinapatawad ang lahat ay dadaan sa kanilang palad masunod lang ang kanilang hangarin, dahil na rin sa pinaigying na batas militas ay lalo lamang dumami ang mga guardia sibil at ang kanilang mga sandata ay llong pinalakas, ilang linggo na din ang nakalipas ng walang sumasalakay na mga rebelde sa nasabing bayan.

Sa kabilang banda naman ay lalo naging malapit sa isa't isa si Crisostomo at Victoria, walang araw na hindi siya inisip ni Victoria, iyong tipo na bigla na lang papasok sa isipan niya ang nasabing dilag.

Naglalakad si Crisostomo sa isang tindahan at pumasok ditto sapagkat may bibilhin siya at sa mapaglarong pagkakataon ay nandito rin si Victoria kasama ang kanyang kapatid na si Mariana.

"Minsan mapaglaro talaga ang tadhana at nandito rin pala ang misteryosong dilag sa likod ng maskara? Magandang araw sa dalawang magandang dilag ng pamilya Avellanada " pabirong wika ni Crisostomo, napansin naman agad ni Mariana si Crisostomo at kinalabit ang kanyang ate para sabihin na nandito rin si Crisostomo.

Halata sa mata ni Victoria na siya ay nagulat sabay tingin sa mata ni Crisostomo ngunit kaagad naman niya iton iniwas.

"Ginoong Crisostomo?, ikaw pala iyan sadyang mapaglaro ang tadhana para tayo ay magkita, ano ang iyong ginagawa dito?" masayang tugon ni Victoria sa binata.

"May nais lamang akong bilhin at hindi ko lubos akalain na magkikita tayo ditto, ikaw ano ang ginagawa dito?" ani naman ni Crisostomo sa dalaga.

"Tulad mo ay may bibilhin din bakit masama ba?" pabiro naming sabi ni Victoria.

"Wala naman akong sinabing masama Binibini, ikaw ang nagsabi niyan" tugong pabiro rin ni Crisostomo at napatawa si Mariana, kaya naman ay siniko siya ni Victoria para tumigil.

Sa pagkakataon na ito ay nakadama ng saya si Crisostomo kapag nakikita si Victoria, hindi niya maipaliwanag ngunit alam niya a sarili niya na mali ito at hindi dapat, ngunit hindi niya mapigilan kaya ano ang magagawa niya?

"Ginoo kami ay mauuna sapagkat hinihintay na kami ng aming In--"

"Ate Victoria hindi ba marami ka pang bibilh—"

"H-hindi na Mariana sa susunod na lang" nauutal na sabi ni Victoria at palihim na napatawa si Crisostomo.

"Mukhang nagmamadali ka Binibini?" natatawang sabi ni Crisostomo

"Oo kaya paalam na at hanggang sa muli" sabi ni Victoria at kaagad silang lumabas ng tindahan

Hindi alam ni Crisostomo kung bakit nagmamadali si Victoria kaya naman ay tinawanan na lamang niya ito at pinalagpas.

"Masyadong misteryoso ang mukha ng Binibini na iyon ano Ginoong Crisostomo?" tanong nung tinder kay Crisostomo.

"Tama ka Ginoong tanging Ina at kapatid niya pa lamang ang nakakikita ng itsura, ngunit ako nais kong masilayan sapagkat nakasisisguro ako maganda siya at tinatago niya lamang ito" sagot ni Crisostomo.

----------

Kinagabihan habang tahimik na naghahapunan ang pamilya Santibanez ay hindi makatiis si Crisostomo na basagin ang katahimikang bumabalot sa kanila.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now