Kabanata 31 - Mga Liham

1.6K 65 11
                                    

Kabanata 31 - Mga Liham

1890

Cueva del Amor
Ciudad de Santa Clara de Asis

Mukhang ayaw talaga akong makita ni Crisostomo noh? Baka siguro nasasaktan pa rin siya sa mga nagawa kong pananakit at pagbasag ko sa kanyang puso. Bakit kasi kailangan pa naming maranasan yung ganito? Pwede naman kaming maging magkaibigan na hindi nahuhulog sa isa't isa.

Ang hirap kasi na kapag lagi mong kasama ang isang tao na kaibiga mo ay 75% na pwede kang ma fall dito. Parang yung mga magbebest friend na lalaki at babae may chance na yung feelings nila eh more than friends. At kapag nagkaaminan na ay 90% na baka masira ang friendship niyong dalawa.

"Mukhang wala talaga siya at hindi sisipot, uuwi na lang siguro ako, hindi ko naman siya masisi kung gusto niyang umiwas sa akin" bulong ko sa sarili ko at napa-pout pa ako at lumabas na ako ng kweba.

"At saan ka pupunta Binibining Elizabeth Catherine Victoria C. Mckinley?" Wika ng isang lalaki habang palabas na ako ng kweba.

"Uuwi na baki---!?" Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung kaninong boses yun. Kaya naman napatingin ako mula sa loob ng kweba at napanganga ako sa kung sino ito "G-ginoong Crisostomo?" Wika ko at napabalik ako sa loob ng kweba.

Sandali nga!? Binanggit niya ba yung pagkahaba haba kong pangalan!?

"Nung una ay naguluhan ako kung sino si Elizabeth Catherine Victoria C. Mckinley, ngunit nang maalala ko yung panahon na nahulog mo yung libro mo ng nasa intramuros tayo at may nakita akong parisukat na matigas na papel at naka imprenta dun ang mahabang pangalan ay bigla kitang naalala Binibining Catherina kaya hindi ako nagdalawang isip na pumunta dito at hindi nga ako nagkamali ng hinala at ikaw nga ang nagpadala ng sulat" wika niya sa akin at may kinuha siya sa loob ng coat niya isang liham na bukas na.

OMG! MUKHANG NAGKAMALI YATA AKO NG LAGAY NG PANGALAN AH!? My God! Hindi ka nagiingat Cath!

"Elizabeth Catherine Victoria C. Mckinley? Wala naman akong nilagay naganoong kahaba na pangalan ah?" Protesta ko sa kanya at binuklat niya yung sulat at napatawa tawa pa siya na oara bang nagaasar.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now