Kabanata 53 - Avellanada mula sa Inglatera

593 33 20
                                    

Kabanata 53 - Avellanada mula sa Inglatera

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

---------

Isang linggo ang nakalipas simula ang insidente at para bang nabunutan ng tinik sila Gobernador Facundo at Donya Hilaria sa pagkat buong akala nila ay napatay na nila ang pamilya Montecillo at hindi na sila mahihirapan sa pagkamkam ng naisin man nila.

Kaarawan ni Donya Hilaria ngayton at nagkaroon ng isang malaking piging sa Haciuenda Mondragon at lahat ng malalapit na kaibigan ng nasabing pamilya ay kanilang inimbihatan sa magarbong handaan,

"Feliz cumpleaños mi amiga Doña hilaria (Maligayang kaarawan aking kaibigan na Doña Hilaria)" banggit ni Donya Antonia na isang kaibigan na malapit ni Donya Hilaria sabay beso sa mukha habang ito ay may hawak na isang baso ng alak.

"Gracias doña Antonia, bueno, ¿viniste a mi cumpleaños? (Salamat Dona Antonia, mabuti ika'y nakarating sa aking kaarawan?)" tanong ni Donya Hilaria sa kaibigan

"Maari ko bang kalimutan ang iyong kaarawan? Hindi yata mangyayari iyon aking kaibigan" sagot naman ni Donya Antonia sabay inom ng alak.

Puro mayayamang kastila ang mga bisita, mga nag mamay-ari ng mga malalaking lupain na sakahan ng mga gulay at palay, ang iba sa kanila ay nagmamay-ari ng minahan na napagkukuhanan nila ng ginto at diyamante.

Halata sa mga magagarang kasuotan ng mga bisita ang mga pang aapi na ginagawa nila sa mg pilipino, hindi nila iniisip na yinuyurakan na nila ang pagkatao nito at binababoy, wala silang pakialam kung sa kapwa nila basta sila ay umaangat at nagpaparami ng yaman.

Lumapit si Donya Hilaria sa asawa na kasama ang mga kaibigan nito na kapwa humihithit ng tabako at pinag uusapan ang mga kanya kanyang negosyo.

"Maayos ang pamamahal mo dito sa Santa Clara Gobernador Facundo at napapasunod mo ang lahat sa kamay mo" wika ng isang kaibigan.

"Oo naman Don Silverio, ako ang batas dito sa aming bayan ang hindi sumnod sa batas ay papatawan ng kaparuasahan, katulad na lamang ng nangyari sa pamilya montecillo na naghirap dahil hindi sila nakababayad ng buwis sa tama, ganoon ang sasapitin ng isang suwail sa gobyerno" pagkasabi ni Gobernador Facundo no'n ay nagtawanan sila na para bang sila ang hari ng buong pilipinas.

"Facundo?" tawag ni Donya Hilaria sa asawa niya at napalingon naman ito.

"Hilaria! si Hilaria ang aking asawa batiin niyo siya ng feliz cumpleanos!" banggit ni gobernador facundo.

"Feliz Cumpleanos!" tugon ng mga kaibigan ni Gobernador Facundo.

"Pahiram muna ng aking asawa" sambit ni Donya Hilaria dahil may sasabihin ito sa asawa.

"Hindi ba ngayon uuwi ang isang kaibigan natin na mula sa inglatera na si Donya Crecensia kasama ang kanyang anak?" Tanong ni Donya Hilaria sa kanyang asawa.

"Oo, hindi ba iyon ang nakasulat sa liham na dumating mula kay Donya Crecensia noong isang linggo?" sagot ng gobernador sa asawa.

"Bakit hanggang ngayon ay wala pa sila?" tanong uli ni Donya Hilaria

"Aba ay malay ko Hilaria, malay natin parating na din sila kaya huwag ng mainit ang iyong ulo ay magsaya na lamang tayo sa araw ng iyong kaawaran at ipagdiwang na rin natin ang tagumpay na ating nakakamtan" sabi ni asawa at humalik ito at ulo nito at yumakap.

"Ang pamilya Santibanez!" sigaw ng isang lalaki at maya maya ay bumukas ang pinto at natahimik ang lahat ng pumasok ang pamilya santibanez

Pinagtinginan ng lahat sila Don Fernando at Donya Esperanza at mga anak nito at nagtataka kung bakit nandito ang pamilyang santibanez, kaagad naman lumapit sila Gobernador Facundo at Donya Hilaria upang salubungin ang kararating lang na bisita.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now