Kabanata 36 - Sinungaling na Gobernador

1.5K 61 3
                                    


Kabanata 36 - Sinungaling na Gobernador

1890

Hacienda Montecillo
Ciudad de Santa Clara de Asis

"HINDI! HINDI! ANONG GINAWA NIYO SA PAMILYA KO!?" hagulgol kong wika sa kanilang lahat at pinagtatawanan lang ako nila Heneral Castellano at yung pamilya Montecillo naman ay hawak ng mga guardia civil at wala silang halos na magawa. Lumapit ako sa katawan nila Mommy Daddy at Alexander at kitang kita ko na pumapatak sa kanilang katawan yung luha ko "Mga hayop kayo! mga walang puso! pati ang pamilya kong nanahimik ay dinadamay niyo! mga demonyo kayo!" sigaw ko pa at habang nakahandusay ako dito ay nakita ko si Crisostomo na hawak ng mga guardia civil at pinapahirapan ito habang pinapalakad sa gitna ng kalsada at kahit na hirap na hirap na at duguan ay hinahampas pa rin ito ng latigo.

Kaagad akong tumakbo palapit palapit kay Crisostomo at napansin naman niya ako.

"CRISOSTOMO!!!" sigaw ko sa kanya at nakalapit naman ako sa kanya.

"Binibining Catherine" sambit niya sa akin "Ano ang iyong ginagawa mo dito? Baka pati ikaw ay idamay nila kapag nakita nilang lumapit ka sa akin" wika ni sa akin ni Crisostomo.

"Bakit ka nagkaganyan? Anong ginawa nila saiyo bakit ka nagkaganyan!?" naiiyak ko pang sabi sa kanya at napahawak ako sa kanyang mukha at nahahawakan ko na din yung ulo niya may tumutulo ng dugo at yung katawan niya ay punong puno halos ng latay ng sugat at kitang kita ko rin ang mga pasa niya sa katawan.

"Ayos lang ako Binibini huwag mo akong alalahanin kaya ko ang sarili ko" wika niya sa akin at halata sa boses niya na hirap na hirap na siya sa kalagayan niya.

"HOY BABAE LUMAYO KA SA INDIO NA IYAN KUNG AYAW MONG PATI IKAW AY MADAMAY!" saway sa akin ng isang guardia civil at hinila niya ako palayo kay Crisostomo.

"CRISOSTOMO HINDE! HINDE! BITIWAN NIYO AKO! ITIGIL NIYO ITO! WALA KAMING GINAGAWANG MASAMA SA INYO BAKIT NIYO GINAGAWA ITO SA AMIN!" galit na galit kong salita sa kanila at marahas nila akong binitawan sa isang tabi.

Ano ba talagang nangyayari!? hindi ko alam kung bakit ganito? Hindi maari ito.

"HINDI! HINDI! HINDI!"

"Señorita Catherina! gumising po kayo binabangungot lang po kayo!"

"HINDI! HINDI! HINDI!" 

"Catherina anak ko gumising ka!" maya maya ay bigla na lang akong nagising at tumambad sa aking harapan si Ina at Veronica pati mga kapatid ko.

Kaagad akong napayakap kay Ina at yung tibok ng puso ko ay sobrang bilis at pawis na pawis rin ako at ang init ng pakiramdam ko. Panaginip lang pala ang lahat?

Ang bigat ng pakiramdam ko at ang lalim ng paghinga ko. Akala ko totoo ang mga nangyari mabuti na lang at salamat sa Panginoon na isang masamang panaginip lang pala ang lahat ng iyon.

"Anak ano ba ang napanaginipan mo? Kaming lahat ay labis na nagalala sa iyo ng ilang beses ka na naming gisingin ngunit hindi ka magising gising ngunit salamat na lang at nagising ka na ngayon" wika ni Ina at napayakap pa siya sa akin.

"Isang masamang panaginip lang po Ina at hindi ko na po maalala kung ano yun" pagsisinungaling ko hindi ko naman pwedeng sabihin na napaniginipan ko yung tunay kong pamilya noh? ssyempre magtataka sila kung sino sila at baka mabuking pa nila na hindi ako ang tunay na Catherina.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now