Kabanata 22 - Gobernador Felipe Santiago

2.3K 75 22
                                    

Kabanata 22 - Gobernador Felipe Santiago

4 de Hunyo de 1890

Plaza de Santa Clara
Ciudad de Santa Clara de Asis

"ANG GOBERNADOR SANTIAGO!!!" sigaw ng mga tao habang sila ay parang mga langgam na hindi magkamayaw habang nagpapanic.

Mga nakayuko lahat ng mayayaman at nakita ko sa hindi kalayuan ang aking pamilya at pamilya ni Crisostomo na nakadapa.

Agad akong lumapit sa kanila at tinanong ko kung ano ang nangyari.

"Ano ang nangyayari!? Bakit nagkagulo lahat ng mga tao!?" Tanong ko kay Luciana at Louisa na bakas sa mukha ang takot.

"Catherina si Gobernador Santiago! tignan mo!" At kaagad ko namang tinanaw ang gobernador.

At nanlaki ang mata ko ng makita kong nakahandusay ito sa stage na walang buhay at dilat ang mga mata na kalong kalong ng kanyang asawa at umaagos ang dugo niya mula sa leeg at sa dibdib niya.

"HINDI MAAARI!!!" sigaw ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan at bigla na lang namugto ang luha ko at tumulo ito "GOBERNADOR!!!" sigaw ko at hinila ako ni Ina upang dumapa.

"CATHERINA! dumapa ka baka matamaan ka ng bala!" sigaw ni Ina at hinawkaan niya ang ulo ko para hindi ko ito maiangat.

Napasilip ako sa paligid ko at lahat ng mayayaman ay nakadapa at bakas din sa mga mukha nila ang sobrang takot ang ilan naman ay nagtatakbuhan, pinoprotektahan naman ng mga guardia civil ang pamilya ni Gobernador Santiago na panay ang iyak lalo na ng kanyang asawa na puro bahid na ng dugo ang suot nitong baro't saya.

Kasalanan ko ito! Bakit hindi ako kaagad nagsalita kagabi? Bakit nagsayang ako ng oras kagabi? Wala na ang gobernador! WALA NA SIYA! PATAY NA SIYA! huli na ang lahat!

Kailangan ay may gawin ako!

Iniangat ko ang ulo at nagbabakasakaling makakita ako ng tao na may kahina-hinalang ginagawa.

Naiinis ako sa sarili! Hays! Ano na ang sasapitin ng bayan Santa Clara na ngayon ay patay na si Gobernador Santiago? Mas lalo akong kinakabahan at sa tingin ko ay hindi maganda ang mga mangyayari.

Sa paglinga-linga ko ay nakakita ako ng isang lalaki sa hindi kalayuan at nagtatago ito sa gilid ng isang bahay at sinisilip niya lang ang mga nangyayaring kaguluhan ng mga tao.

Nakita ko yung lalaki na nakasumbrero at pamilyar sa akin yung sumbrero kasi kamukha niya yung lalaking nakabanga sa akin kanina nung kagagaling ko lang sa banyo ng simbahan.

At namilog ang mata ko ng makita ko ang mukha nung lalaki na nakikita ko ngayon, Siya yung lalaking kausap ni Don Facundo sa bayan ng San Pascual na binabayaran niya para paslangin ang gobernador.

Kaagad naman akong tumakbo sa direksyon nung lalaki bahala na kung makabangga ako ng maraming tao, basta mahuli ko lang siya.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon