Kabanata 48 - Donya Peregrina Mogas y Foncuberta

1K 32 6
                                    

Kabanata 48 - Donya Peregrina Mogas y Foncuberta

Ciudad de Santa Clara de Asis

1890

-------------------------

"Catherina? Catherina?" rinig ko tawag sa akin ng maalimpungatan ako at  napadilat ako.

"Salamat sa Diyos at nagising kana anak ko" wika ni Ina at agad siyang napayakap sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Hindi mo ba alam Catherina? Nawalan ka ng malay sa gitna ng maraming tao kanina" wika ni Luciana.

"Mabuti na lang at pinasundan ka sa aming dalawa ni Luciana at agad naming nakita ang pagkawala ng malay mo kanina sa harap ng maraming tao" sambit naman ni Louisa.

"Dona Catalina ito na po ang tubig" sambit ni Veronica at ibinigay niya sa akin ang isnag basong tubig.

"Catherina anak uminom ka muna ng tubig" sambit ni Ina at kaagad ko namang ginawa iyon.

"Ano ba ang nangyari sa iyo anak? Bakit bigla ka na lang nawalan ng malay?" Tanong naman ni Ama na nasa tabi ni Ina.

"Hindi ko po alam Ama kung bakit" sambit ko at inaalala ko ang mga nagyari kanina.

"Banggit ng mga taong nakakita sa iyo ay tila nawawalan ka na sa katinuan kanina at panay ang sigaw mo at tinatakpan mo pa ang iyong tainga" sambit ni Louisa at napakunot noo ako.

"Oo nga at nagulat na alng ang ilan na biga bigla ka na lang na parang may kinakausap ngunit wala ka naman talagang kausap, napagkamalan ka tuloy na baliw ng lahat ng mga nakakita sa iyo." singit pa ni Luciana at napapikit ako para alalahanin ang mga nangyari sa akin kanina.

Nang maalala ko na ay nanlaki ang mata ko at bigla akong kinabahan at sumama ang kutob.

"Hindi ko labis maatim ang nangyari sa akin kanina, tila ba'y isang bangungot ang mga pangyayari, nakatatakot at ayaw ko ng mangyari pang muli para siyang totoo ngunit kung iisipin ko ng maigi ay isa lamang itong guniguni" sambit ko kasi ng maalala ko ay natakot ako bigla kasi iniwan ako ni Crisostomo.

"Anak maari mo bang sabihin kung ano ang nangyari sa iyo kanina?" tanong ni Ina.

Sasabihin ko ba o hindi? Huwag na siguro noh? Baka lalo lang silang mag-alala sa akin.

"Ina ayaw ko na pong alalahanin sapagkat ito'y nakatatakot at kung kayo ang nasa katayuan ko kanina ay baka mawala din kayo sa katinuan kagaya ng naranasan ko" pagdadahilan ko sa kanila at ayaw ko na din alalahanin pa natatakot lang ako sobra.

"Sige anak hindi na kita pipilitin pa at aking ipadarasal na lamang na huwg na muling mangyari ito sa iyo at kung may lakas ka na ng loob na magsabi ay maaari kang mag-kwento sa akin at makikinig ako" wika ni Ina at binigyan niya ako ng yakap at niyakap ko naman siya pabalik.

Gabi na pala at kailangan na nilang magpahinga mukhang dito muna kami sisilong sa gusali na ito at bukas maghahanap ng matutuluyan. 

------------------------

Kinabukasan ng magising kami ay agad kaming napatayo at inayos na namin ang gamit namin para lumisan sa lugar na ito, saan na kaya kami maninirahan? Hindi naman kami pwedeng tulungan ng mga kaibigan namin dahil pati sila ay madadamay at parurusahan nila Heneral Castellano.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now